You are on page 1of 2

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik Guro: Bb.

Zhainee Pearl Baco


Pangalan ng Phoebe Heart B. Parangan Oras na
Mag-aaral: Magsisimula:
Baitang: 11 Oras na
Magtatapos:
Petsa: Enero 4, 2023 Kwarter: 2

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:


1. Paano nabubuo ang nabanggit na diskurso? (5 puntos)
Sagot. Ang nabanggit na diskurso ay nabubuo sa pagagamitan ng pasulat na paraan. Ito ay
gumagamit ng wika at nagbubuo ng mga talata na nagpapahayag ng mga ideya higgil sa isang
paksa, paksa na ukol sa pag-aaral sa kaugaliang Pilipino at varayti ng wikang nabubuo sa paglalaro
ng DotA.
2. Ano ang naglalarawan sa personalidad ng mga naglalaro ng DotA batay sa kanilang gamit
ng wika at paraan ng pakikipagtalastasan? (5 puntos)
Sagot. Ang naglalarawan sa personalidad ng mga manlalaro ng DotA batay sa kanilang gamit ng
wika at paraan ng pakikipagtalastasan ay ang kanilang personalidad na paikliin ang mga salita. Kahit
na ang salita ay maikli na, mas papaikliin pa ito ng lubusan. Ayon nga sa isang manlalaro, ginagawa
nilang paikliin ang mga salita sa kadahilanan na sila ay nakikipagchat habang sila ay naglalaro. Kung
kaya’t kinakailangan nilang masabi sa kanilang mga kakampi ang nais sabihin sa mabilisang paraan.
Kahit na mahirap ang makipag-usap sa kapwa manlalaro habang naglalaro, ay nagagawa pa rin nila
ito dahil sa nakagawa sila ng mabisang paraan ng komunikasyon, sa pamamagitan ng paggamit ng
mga termino na nabuo sa paglalaro ng DotA.
3. Ano ang paglalarawan sa pisikal, lingguwistiko, at sosyal na konteksto na matatagpuan sa
nabanggit sa diskurso? (5 puntos)
Sagot. Ang paglalarawan sa pisikal, lingguwistiko, at sosyal na konteksto na matatagpuan sa
nabanggit na diskurso ay ang kakayahan ng mga manlalaro na makabuo ng mga diskarte, magisip at
makipag-ugnayan sa ibang tao. Kakayahang makipagusap sa kapwa manlalaro sa pamamagitan ng
paggamit ng mga termino na halos mga manlalaro lamang ang mga nakakaintindi. Kung ang tao ay
nasanay sa isang bagay, mahirap na itong tanggalin pa sa kaniyang pagkatao, kung kaya’t ang mga
termino na ginagamit habang naglalaro ng Dota ay nadadala na rin sa labas sa tuwing nakikipag
usap sa kapwa tao. Sa kakayahan nilang makipag-ugnayan gamit ang mga termino, ay mas nabubuo
ang pagkakaisa ng bawat manlalaro at mas napapaunlad ang kanilang pagkakaisa at pakikisama.
4. Sa inyong palagay, paano nagiging mabisa ang talastasan sa pagitan ng mga manlalaro o
miyembro ng komunidad ng Dota? (5 puntos)
Sagot. Sa aking palagay, nagiging mabisa ang talastasan sa pagitan ng mga manlalaro kung ang
bawat miyembro ng komunidad ng Dota ay pare-pareho ang ginagamit na barayti ng wika. Sa
pamamagitan ng mga panibagong terminong ginagamit sa paglalaro ng Dota, mas mapapadali at
mapapabilis ang kanilang komunikasyon at mas magkakaintindihan sila lalo na’t ito ang mga
terminong nakasanayan nilang gamitin at mas mauunawaan ang ibig ipahiwatig ng kapwa manlalaro.

You might also like