You are on page 1of 2

St.

Anthony´s College
San Jose, Antique
LA-Ed Department

Independent Learning sa GEC 110


Masining na Pagpapahayag
First Semester, A.Y 2022-2023

GAWAIN 1
PAGBIBIGAY NG OPINYON (15 pts.)
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Batay sa mga pagpapakahulugan ng iba’t ibang dalubhasa tungkol sa retorika alin para sa iyo ang
nakatawag pansin? Ipaliwanag.

Answer; Batay sa mga pagpapakahulugan ng iba’t-ibang dalubhasa tungkol sa retorika para sa akin ang
nakatawag ng pansin ay tungkol sa sinabi ni Kenneth Burke, sa pamamagitan din ng pag gamit ng
retorika, ginagawa nitong makabuluhan ang mga bagay-bagay. Binibigyan din nito ng kulay kahit na
ang mga simpleng bagay na hindi mo aakalain na mapapaganda mo pa pala. Kung maihahalintulad mo
ito sa isang putahe, masasabi natin na ang retorika ay ang mga sangkap na nagpapasarap sa lasa ng isang
putahe.

2. Ano ang implikasyon ng paggamit ng kumpletong sangkap ng retorika sa pakikipagtalastasan?

Answer: Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan sa mga
aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at paghahanap ng
impormasyon at kaalaman. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito’y pinag iisipan.
Napakasarap din pakinggan ng mga salitang ginamitan ng Retorika. Mahalaga rin ito upang magkaroon
ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi magkasundo sa iisang
pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay mainam na instrumento sa pagkakalap ng
impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang matuto at malinang ang pag-iisip.

3. Magbigay ng ispesipikong sitwasyon na nagpapakita ng paggamit ng mga layunin ng retorika. Pumili ng


dalawang layunin lamang.

Answer; Ang retorika ay masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa mga


diskursong pasulat o pasalita. Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang
tayo ay makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring
kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan.

GAWAIN 2
PAGBIBIGAY NG OPINYON (5 pts.)
PANUTO: Bumuo ng talata at sagutin ang katanungan.

1. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ba ang pagkakaroon ng kaalaman sa masining na pagpapahayag sa iyong napiling
kurso? Bakit Oo/ bakit hinidi? Patunayan. \
Answer: Oo, dahil bilang isang mag-aaral mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa masining na
pagpapahayag sa napiling kurso para magiging maganda ang kakalabasan nito sa hinaharap. Dapat nating pag
isipang Mabuti ang kursong ating pipiliin. Hindi maaring magpadalos dalos tayo ng desisyon, kailangan ng
malalim, matalino at mapanuring pag-iisip bago magpasiya.

You might also like