1. Magbasa ng libro para may idea kayo tungkol sa topic.
2. Ang layunin ang magiging basis ng inyong activity.
Hal. Kung ang layunin Ninyo ay:
Napapahalagan ang likas na yaman ng Pilipinas
Mag-isip ng activity na magpapakita ng pagpapahalaga sa likas na yaman ng Pilipinas. Maari
magpakita ng larawan ng nagtatahi ng notebook ang isang mag-aaral. Lapatan ng pamprosesong tanong: 1. Ano ang nakikita sa larawan? 2. Nakakatulong ba ang pagtatahi ng notebook sa pangangalaga ng likas nga yaman? 3. Naipakita ba ng mag-aaral ang kanyang pagpapahalaga sa likas na yaman? Bakit? 4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa likas na yaman?.
2. BALITAAN: Kung sa simula ng lesson, ilagay mo po ang title ng balita/ carricature
at pamprosesong tanong bago po ang balik aral. Kung during the discussion ang ilalagay mo po ay BALITAAN; INCIDENTAL
3. Ang balik-aral at pagganyak ay maikli lang. Ito ay sinusundan ng
pamprosesong tanong na maaring iugnay sa paksang tatalakayin. 4. Banggitin ang layunin pagkatapos ng pagganyak, upang malaman ng mga mag-aaral ang magiging flow ng discussion. 5. PAGLALAHAD: Maaring pangkatang Gawain o gumamit ng mga graphic organizers, talahanayan. 6. PAGSUSURI NG DATOS: Ito ang talakayan pagkatapos ng isang pangkatang Gawain. Pamprosesong tanong Kung ang guro ay nagdiscuss, gumamit ng graphic organizer or nagpangkatang Gawain sa bilang paglalapat o pagpapahalaga. Maaring gumamit ng graphic organizer ang guro sa pagtatalakay.