You are on page 1of 4

MACBETH

WILLIAM SHAKESPEARE

NILALAMAN/INTRODUKSYON SA DULA:
 Ito ay isang akdang sinulat ni William Shakespeare na may temang trahedya.
 Isinulat ito noong naging hari ng Inglatera si James I noong ika-17 na siglo.
 Ito ang pinaka-maikling dula ni Shakespeare. Ito ay kalahati lang ng haba ng isa pa niyang dula;
Hamlet.
 Maraming kababalaghan ang ini-uugnay rito. Isa sa mga kwento ang tungkol daw sa isang biglang
pagkamatay ng batang lalaking gumaganap bilang Lady Macbeth sa unang araw ng pagtatanghal
sa dula. Ito ay kilalang “Curse of Macbeth”
 May mga ginagawa ang artista upang makaiwas sa kamalasang dala raw ng dula. Una diyan ang
pagtawag nila sa dula ng “That Play” o “The Scottish Play” upang maiwasan ang pagbanggit ng
pamagat ng tula.
 Ang remedyo kapag nabanggit ang pamagat ng dula ay ang paglabas muna ng mga aong
nakagawa nito, pag-ikot ng tatlong beses, pagdura, at pagmumura ng malakas.
 Ito’y isang dulang naganap sa bansang Scotland.
TAUHAN NG DULA:

 Macbeth – Thane ng Glamis; Thane ng Cawdor; naging hari ng Scotland; pumatay kay
Haring Duncan sa kagustuhan ng kanyang asawa.
 Banquo – isang heneral at kaibigan ni Macbeth; sa bandang huli ay ipinapatay lang
naman ni Macbeth.
 3 Manghuhula – may nakakatot na itsurang tila mga bruhang hindi nagmula sa daigdig ng
mga tao; ayon sa kanila:
 Si Macbeth ay magiging Thane ng Cador at magigging hari bilang
araw, at;
 Sa lahi ni Banquo magmumula ang tagapagmana ng korona.
 Kailangan iyang mag-ingat kay Macduff.
 Hindi siya kailanman mapapatay ng sinumang “iniluwal ng isang
babae”, at;
 Magiging ligtas siya hangga’t hindi niya nakikita ang gubat ng
Birnam Wood na papalapit sa kastilyo ng Dunsinane.
 Haring Duncan – kasalakuyang hari ng Scotland at nagsabing gusto niyang maghapunan
at magpalipas ng gabi sa kastilyo ni Macbeth.
 Lady Macbeth – asawa ni Macbeth at tumukso rito na patayin si Haring Duncan, siya rin
ang nagplano ng lahat para maging malinis ang pagpatay.
 Macduff – isang kabalyerong pinagkakatiwalaan ng hari na nakadiskubre sa bangkay at
nagsuspetsa sa totoong pagkamatay nito.
 Malcom – anak ni Haring Duncan at tagapagmana ng kaharian, nakatatandang kapatid ni
Donalbin.
 Mahaharlikang Scottish – nagluklok kay Macbeth sa trono; pero sa huli ay sinuportahan
sina Macduff at Malcolm sa pagpatay kay Macbeth.
 3 Mamamatay Tao – mga inutusan ni Macbeth para patayin sina Banquo at Fleance.
 Fleance – anak ni Banquo na nakatakas mula sa balak na pagpatay sa kanilang mag-
ama.

BUOD NG DULA:
Ang trahedyang kuwento ng Macbeth ay nag-umpisa nung may dalawang heneral ng Scotland na kakagaling lang
sa digmaan na si Macbeth at Banquo. Ang pagdurusa nila ay nag umpisa nung makilala nila ang tatlong manghuhula.
Sinabi ng tatlong manghuhula na si Macbeth ang magiging hari, subalit nasa lahi ni Banquo ang magiging tagapagmana ng
korona.
Si Macbeth ay lubusang nagisip kung papaano sya magiging hari, kaya siya at ang asawa niya na si Lady Macbeth ay nag-
munakala na patayin ang pinuno na si Haring Duncan. Nakitil ang hari at naging hari si Macbeth tulad ng sabi ng tatlong
manghuhula. Ang mga anak ng hari na si Malcom at si Donalbain ay umalis ng kanilang kaharian sa takot. Si Malcom ay
nagtungo sa England at si Donalbain ay sa Ireland. Isa sa mga pinagkakatiwalaan ng hari na si Macduff ay nagkakalat ng
ditsong na si Macbeth at ang kanyang asawa ay ang pinaghihinalaan na pumatay kay Haring Duncan.
Nung malaman nito ni Macbeth ipinautos niya na patayin ang asawa ni Macduff na si Lady Macduff at ang kanilang anak.
Nung malaman nito ni Macduff siya’y nagtungo sa England para sabihin kay Malcom na si Macbeth ang pumatay sa ama
niya. Si Malcom ay naghiram ng sampung libong sandatahan para ipalugso ang pamumuno ni Macbeth. Sa kabilang
kamay, si Macbeth ay pinuntahan ang tatlong manghuhula para malaman kung papaano nya iwasan ang pagkabigo nya.
Sinabi nila sa kanya na di sya mamatay pag ang tumok ng Birnam Wood ay wala sa harap ng kastilyo niya at wala rin
makakapatay sa kanya pag di iniluwal galing sa sinapupunan ng kanyang ina.
Subalit, ang hukbo ni Malcom ay nagdala ng sanga galing sa Birnam Wood. Ang suliranin ni Macbeth ay wala nang
solusyon, winalat ng hukbo ni Malcom ang kastilyo ni Macbeth. Si Macduff naman ay linaban si Macbeth, subalit namatay si
Macbeth dahil si Macduff ay pinanganak gamit ang paraan na tawag Cesarean na kung saan binubuka ang pinaka
sinapupunan ng babae para kunin ang bata. Si Malcom at ang kanyang hukbo ay nagwagi at siya na ang naging bagong
hari ng Scotland.

ARAL NG DULA:
Huwag sumuko sa tentasyon kundi ito ang magiging sanhi ng pagkasira ng buhay mo.

TALASANGGUNIAN:
https://anglibronilola.wordpress.com/2018/01/26/macbeth-isang-buod/
https://www.slideshare.net/cli4d/macbeth-ni-william-shakespeare
Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 10

Iniulat ni: Osilla, Maria Fransel P. (Grupo 1) Ipinasa kay: G. Salazar, Jeremiah F.
MAIKLING PAGSUSULIT

1. Sino ang naghikayat kay Macbeth na patayin ang hari?


Sagot: Lady Macbeth
2. Sino ang kasalukuyang hari ng Scotland bago naging hari si Macbeth?
Sagot: Haring Duncan
3. Magbigay ng kahit isang sinabi ng tatlong manghuhula kay Macbeth.
Sagot:
4. Saan naganap ang dula?
Sagot: Scotland
5. Sinong hari ng Inglatera ang kinoronahan noong naisulat ni Shakespeare ang dula?
Sagot: James I
6. Sino ang mga pinaghihinalaang pumatay kay Haring Duncan?
Sagot: Lady Macbeth at Macbeth
7. Saan nagtungo si Donalbain ng siya’y umalis sa kastilyo?
Sagot: Ireland
8. Ayon sa mga mangkukulam, hindi mamamatay si Macbeth pag wala ito sa harapan ng kanyang
kastilyo.
Sagot: tumok ng Birmam Wood
9. Saan nagtungo si Malcom ng siya’y lumiban sa kastilyo?
Sagot: England
10. Si Macduff ay ipinanganak sa anong proseso?
Sagot: Ceasarean
11. Anu-ano ang maaring mangyari kapag napunta ang kapangyarihan sa taong gahaman?
Sagot: Opinionated
12. Paano ninyo mailalarawan si Lady Macbeth bilang isang asawa?
Sagot:
13. Ano ang orihinal na posisyo ni Macbeth sa kaharian?
Sagot: Thane ng Glamis
14. Sino ang kaibigan ni Macbeth na isa ring heneral?
Sagot: Banquo
15. Sino ang pinili ng hari na tagapagmana ng kaharian?
Sagot: Malcolm
SIR MELAN LEARNING CENTER
Macabito, Calasiao, Pangasinan

S.Y. 2019-2020

(KABANATA II)

ARALIN 2:
MACBETH

IPINASA NI:

OSILLA, MARIA FRANSEL P.


IPINASA KAY:

G. SALAZAR, JEREMIAH F.

You might also like