You are on page 1of 8

\

Filipino

Baitang 4 • Yunit 2: Tula

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 2.2 Pangngalan: Kayarian at Kailanan


Simulan
Mga Panuto:
1. Itala sa talahanayan ang iyong mga paboritong tao, gamit o bagay, hayop, lugar at
pangyayari.
2. Ilagay o idikit ang larawan ng mga ito sa talahanayan
3. Sagutin ang mga kaugnay na tanong tungkol sa gawain

Talahanayan
Talahanayan 1: Aking mga Paborito

Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Halimbawang sagot:

Kategorya Mga Paborito Larawan

Tao guro

Gamit o bagay lapis

1
\

Filipino

Baitang 4 • Yunit 2: Tula

Hayop pusa

Lugar parke

Pangyayari kaarawan

Mga Gabay na Tanong


1. Bakit mo naging paborito ang iyong mga itinala mo sa talahanayan?
Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Halimbawang sagot: Naging paborito ko ang
mga ito dahil nagiging dahilan ang mga ito ng aking kasiyahan.
2. Sa anong bahagi ng pananalita kabilang ang mga inilista mong paborito?
Ang mga paboritong aking nabanggit ay nabibilang sa mga pangngalan
3. Magbigay ng ilan pang halimbawa na makikita sa mga silid- aralan na kabilang sa
naturang bahagi ng pananalita.
Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Halimbawang sagot: Ang ilan pang halimbawa
ng pangngalan na makikita sa silid-aralan ay ang mga upuan, mga lamesa, papel,
lapis, mga libro at iba pa.

2
\

Filipino

Baitang 4 • Yunit 2: Tula

Sagutin Natin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pagkakaiba ng kayarian at kailanan ng pangngalan?


Ang kayarian ng pangngalan ay tumutukoy sa paraan ng pagkakabuo ng mga
pangngalan samantalang ang kailanan naman ay tumutukoy sa dami o bilang ng
pangngalan.
2. Paano nabubuo ang mga tambalang pangngalan?
Nabubuo ang tambalang pangngalan sa pamamagitan ng pagtatambal o pagsasama
ng dalawang payak na salita upang makabuo ng salitang maaaring may ibang
kahulugan.
3. Paano mapaparami ang isang pangngalan?
Mapaparami ang isang pangngalan sa pamamagitan ng paggamit ng “mga,” pag-uulit
ng pantig sa salita, paggamit ng bilang, kombinasyon ng paglalapi, at pag-uulit ng
pantig sa salita.

Subukan Natin
A. Basahin ang bawat pangungusap. Piliin kung anong kayarian ng pangngalan ang
tinutukoy ng salitang may salungguhit.

a 1. Nahahati sa iba’t ibang rehiyon ang mga probinsyang bumubuo


sa Pilipinas.
a. payak
b. maylapi
c. tambalan
d. inuulit

b 2. Nag-aani ngayon ng palay ang mga magsasaka.


a. payak
b. maylapi

3
\

Filipino

Baitang 4 • Yunit 2: Tula

c. tambalan
d. inuulit

b 3. Bumalot ang kadiliman nang sumapit ang gabi sa kanilang


bayan.
a. payak
b. maylapi
c. tambalan
d. inuulit

d 4. Nagpunta sa bayan-bayan ang mga kawani upang mamigay ng


donasyon sa mga nasalanta ng bagyo.
a. payak
b. maylapi
c. tambalan
d. inuulit

c 5. Nasisiyahang itinuro ng bata sa mga kaibigan ang bahagharing


kaniyang nakita.
a. payak
b. maylapi
c. tambalan
d. inuulit

B. Basahin ang mga tanong. Piliin ang pinakawastong sagot.

d 1. Alin sa mga pangngalan ang nasa isahang kailanan?


a. magkaibigan
b. mag-asawa
c. dalawang bag
d. tren

4
\

Filipino

Baitang 4 • Yunit 2: Tula

c 2. Alin sa mga pangngalan ang nasa dalawahang kailanan?


a. kababaihan
b. limang guro
c. mag-ama
d. sasakyan

c 3. Piliin ang pangngalang nasa maramihang kailanan?


a. Myra at Lea
b. isang bus
c. magpipinsan
d. alkalde

a 4. Ang __________ (dalawahan) ay pareho ng suot na damit. Anong


pangngalan ang angkop sa patlang?
a. magpinsan
b. mag-iina
c. magpipinsan
d. apo

c 5. Nakapila ang ______________ (maramihan) nang maayos sa pag-order


ng kanilang pagkain sa kantina. Anong pangngalan ang angkop sa
patlang?
a. sina Carol at Maggie
b. guro
c. mga mag-aaral
d. magkaibigan

Isaisip Natin
Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang pagkilala sa kayarian at kailanan
ng mga pangngalan sa pang-araw-araw mong pakikisalamuha sa iba?
Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Halimbawang sagot: Bilang isang mag-aaral

5
\

Filipino

Baitang 4 • Yunit 2: Tula

mahalaga ang pagkilala sa kayarian at kailanan ng mga pangngalan dahil sa tulong


nito, mas nauunawaan ko ang kahulugan ng mga salita at ipinararating ng mga ito.

Pag-isipan Natin

A. Balikan ang binasang tula na may pamagat na “Ang Aking Bakasyon.” Pumili ng limang
pangngalan at tukuyin kung sa anong kayarian ito nabibilang. Gamitin ang talahanayan sa
pagsasagot.
Iba- iba ang sagot ng mga mag-aaral. Halimbawang sagot:

Mga Pangngalan mula sa tulang “Ang Kayarian ng mga Pangngalan


Aking Bakasyon”

1. kasiyahan maylapi

2. titser payak

3. sama- sama inuulit

4. Nanay payak

5. telebisyon payak

B. Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ibigay ang iyong sagot sa espasyong nakalaan. Basahing
mabuti at isaalang-alang ang rubrik sa Talahanayan 3.

Sitwasyon. Naatasan kang maging virtual tour guide sa isang lugar na dati mo nang binisita
o ng paborito mong lugar. Inaasahang makapaghanda ka ng maikling iskrip. Sa iskrip,
ilalahad mo ang mga detalye ukol sa lugar na iyon; mga bagay, mga hayop na makikita rito.
Maglagay rin ng maikling paliwanag kung bakit ito dapat ding bistahin ng iba pang mga
turista. Salungguhitan din ang mga pangngalang iyong ginamit.

6
\

Filipino

Baitang 4 • Yunit 2: Tula

Iskrip/Sagot
Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral. Halimbawang sagot:

Magandang araw sa inyo! Ako si Juan, ang magsisilbi ninyong tour guide sa araw na ito. Ating
bibisitahin ang Manila Zoo! Ang Manila Zoo ay makikita sa Maynila. Napakaganda ng lugar
na ito dahil sa iba’t ibang mga hayop na dito nakatira. Ilan sa mga hayop na makikita rito ay
elepante, leon, tigre, at makukulay na isda. Marami ring tindahan ng mga laruan sa paligid
ng zoo. Dapat itong bisitahin ng iba pang mga turista dahil marami silang matututuhan sa
mga hayop na nakatira rito.

Hindi Nangangailan Natugunan Nahigitan ang


natugunan ng ang inaasahan inaasahan
Panuntunan
ang inaasahan Pagpapabuti
1 2 3 4

Nilalaman (60%). Maraming sa May ilang Natugunan Nahigitan ang


Natukoy at mga detalye o ang inaasahang
nabigyang-detalye ang inaasahang bahagi ng inaasahang pamantayan.
mga bagay at mga detalye o sagot ang gawain. Sapat Nagbigay at
hayop na makikita sa
nilalaman ng dapat pang ang mga nagdagdag ng
lugar na pinili
sagot ang pagbutihin. detalye at mga
hindi paglalahad. detalyeng
natugunan. lalong
Maraming nakapagpahu
ang hindi say sa gawain.
wasto at Nakapagbigay
patuloy na ng wastong
dapat pangngalang
pagbutihin. may iba’t
ibang
kayarian at
kailanan.

Tuntunin sa Ang sagot ay May ilang mali Natugunan Nahigitan ang


Pagsulat (20%). naglalaman sa pagbaybay, ang inaasahan sa

7
\

Filipino

Baitang 4 • Yunit 2: Tula

Gumamit ng wastong ng maraming sa gramatika, inaasahan sa mahusay na


baybay at wastong kamalian sa at sa wastong pagsulat ng
gramatika sa pagsulat pagbaybay, sa paggamit ng baybay at inilahad na
gramatika, at mga salita gramatika ng sagot maging
sa paggamit inilahad na pagpili ng
ng mga salita sagot. pinakamahuh
usay na salita
at
pangngalan.

Pagsunod sa Marami sa Ilan sa mga Natugunan Lubhang


Panuto (20%) mga inilahad inaasahang ang lahat ng kahanga-hang
Nasunod ang mga na panuto gawin ay hindi inaasahang a ang
inaasahang hakbang at ang hindi naisakatupara gawin sa pagsunod sa
dapat gawin sa nasunod. n. paghahanda panuto at
pagsasanay tulad ng
ng iskrip. paghigit sa
pagtukoy sa mga bagay
mga ito tulad
at hayop sa paligid at
pagsalungguhit sa mga
ng nasa
ito. anyong iskrip
ang sagot at
pagsalungguh
it sa lahat ng
mga ginamit
na
pangngalan.

You might also like