You are on page 1of 10

IKALAWANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

Learning Competencies MGA TANONG

 Nagagamit ang panghalip bilang Panuto: Piliin ang titik ng angkop na


pamalit sa pangngalan may sagot.
panandang ang (ito, iyan,
iyon,niyan,noon,niyon). 1. Ito ang bahagi ng pananalita na
nagtuturo ng lugar o direksiyon na
kinaroroonan ng pangngalan.

a. Panghalip pamatlig
b. Panghalip panao
c. Pandiwa
d. Pang-uri

2. Ang unang panauhan ay nagtuturo


sa pangngalang malapit sa
nagsasalita. Ano sa mga
sumusunod ang halimbawa nito?

a. Ito ang paborito kong


pagkain.
b. Iyon ang bahay nila Maria.
c. Doon ang aming paaralan.
d. Iyan ang bag ni Jun-jun.

3. ________ ka na lang kumain sa


lamesa. Ito ay ginagamit sa
ikalawang panauhan.

a. ito
b. doon
c. diyan
d. iyon

4. Ito ay panauhan na nagtuturo sa


pangngalang malayo sa nag-
uusap.

a. Unang panauhan
b. Ikalawang panauhan
c. Ikatlong panauhan
d. Ika-apat na panauhan

5. Ang Ikalawang panauhan ay


nagtuturo sa mga pangngalang
malapit sa kausap. Anu-ano ang
mga panghalip na pamatlig ang
ginagamit?

a. iyan, diyan, ganyan


b. iyan, ito, iyon
c. ito, ganito, dito
d. doon, naroon, iyon

Essay: Sumulat at bumuo ng isang talata


na gumagamit ng mga angkop na
panghalip na pamatlig sa pangungusap.

IKALAWANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4


Learning Competencies MGA TANONG

 Nakakasulat ng talatang Panuto: Piliin ang titik ng angkop na


naglalarawan. sagot.

1. Bahagi ng pananalita na
naglalarawan ng pangngalan at
panghalip.

a. Pang-uri
b. Pandiwa
c. Pangngalan
d. Panghalip

2. Maikling katha na bumubuo ng


mga pangungusap na
magkakaugnay, may balangkas,
layunin at pag-unlad ng kaisipang
nakasaad sa pamaksang
pangungusap.

a. talata
b. pangungusap
c. salita
d. parirala

3. Ang mga sumusunod na salita ay


halimbawa ng pang-uri maliban
sa?

a. puti, maamo, maliksi, malusog


b. tao, bagay, hayop,
pangyayari
c. maganda, mabango,
mabaho, madumi
d. makinis, mapurol, malambing,
matalino

4.  Malalaki at matataas na gusali


ang matatagpuan sa Ayala,
Makati. Kilalang- kilala ang
lungsod na ito dahil na rin sa mga
subdibisyong magagara at
malapalasyong bahay ng mga
milyonaryo. Narito rin ang iba`t
ibang mga hotel at restawran na
tanyag. Ang Makati ay isa sa
pinakamayamang lungsod ng
bansa.
Ito ay isang talatang
_____________?

a. nanghihikayat
b. naglalarawan
c. nagbibigay aliw
d. nagtatanong

5. Ang talatang naglalarawan ay


naglalayon na?

a. Ipamalas sa tagabasa o
tagapakinig ang hugis, anyo
ng kabuuuan ng isang tao,
bagay, pook o pangyayari.
b. Hikayatin ang mambabasa na
alamin ang kabuuan ng isang
tao, bagay, pook o panyayari.
c. Maglahad ng impormasyon at
detalye ng isang pangyayari
d. Ipamalas ang kakayanan ng
isang mambabasa o
tagapakinig sa pagsulat.
Essay: Sumulat ng talata na gumagamit
ng mga salitang naglalarawan. Buuin ito
na may lima na pangungusap at may
tamang bantas na paggamit.

IKALAWANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5


Learning Competencies MGA TANONG

 Naibabahagi ang isang pangyayaring Panuto: Piliin ang titik ng angkop na


nasaksihan o naobserbahan. sagot.

1. Kung ikaw ay nakasaksi ng


aksidente sa daan, paano mo ito
ibabahagi sa iyong kausap?

a. Maria, kanina bago ako dito


makarating mayroon akong
nakitang aksidente.
Nagbanggaan ang isang
kotse at motorsiklo.
b. Maria, may Nakita akong
banggaan kanina sa kalsada.
c. Maria, may Nakita akong
nabangga na motor sa kotse
kanina.
d. Maria, traffic kanina kasi may
nagbanggaan sa kalye.

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan


kapag ikaw ay nagbabahagi ng
isang pangyayaring iyong
nasaksihan?

a. Kailangan gumamit ng malinaw


at angkop na pananalita.
b. Magkaugnay ang ginagamit
nating mga pangungusap.
c. May kaisahan din ang ating mga
ideya o kaisipang ipinapahayag.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.

3. Anong pangungusap ang


naglalahad ng may tiyak at
nakabatay sa katotohanan na
pangyayari?

a. Ang virus na COVID-19 ang


naging dahilan ng
malawakang pandemya sa
mundo.
b. Sa bansang Amerika nag
umpisang kumalat ang Corona
virus.
c. Lumago ang ekonomiya ng
bansang Pilipinas dahil sa mga
lockdown na nangyari tuwing
tumataas ang bilang ng mga
positibo sa sakit na COVID.
d. Ang COVID-19 ay simpleng
sakit lamang.

4. Ano sa mga pangyayari ang


nakaayos na may pagkakasunod-
sunod?
a. Pumutok ang bulkang Taal
noong taoung 2020
pagkatapos ay naranasan
ang pandemya dahil sa
patuloy na pagkalat ng
Corona virus sa ating bansa,
sa taong din ito nanalasa ang
bagyong Ulysses.
b. Nanalasa ang bagyong Ulysses
sa bansa kasabay ng pagputok
ng bulkang Taal pagkatapos ay
kumalat ang sakit COVID -19
na nagdulot ng pandemya.
c. Nagpatuloy ang pagkalat ng
COVID sa bansa bago
pumutok ang bulkang Taal at
pagkatapos ay nanalasa ang
bagyong Ulysses.
d. Sa taong 2020, unang
nanalasa ang bagyong Ulysses
bago nagkaroon ng pandemya
at pumutok ang bulking Taal.

5. Ano ang hindi dapat gawin sa


pagbabahagi ng nasaksihang
pangyayari?

a. Haluan ng konklusyon o
sariling opinyon ang
pagbabahagi.
b. Gumamit ng malinaw at angkop
na pananalita.
c. Magkaugnay dapat ang
ginagamit nating mga
pangungusap.
d. Dapat may kaisahan din ang
ating mga ideya o kaisipang
ipinapahayag.

Essay: Tingnan mabuti ang larawan


pagkatapos ay gumawa ng tatlong (3)
makabuluhang pangungusap na aangkop
sa pinapakita ng larawan.

IKALAWANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6


Learning Competencies MGA TANONG

 Nakapagbibigay ng angkop na Panuto: Piliin ang titik ng angkop na


pamagat sa binasang/napakinggang sagot.
talata.
1. Sa pagbibigay ng angkop na
pamagat ng isang talata, inuunang
alamin ang ________.

a. paksang diwa
b. detalye
c. impormasyon
d. layunin

2. Ano ang nagpapakita ng tamang


pagsulat ng pamagat?

a. Ang Pagdiriwang ng Pasko


b. ang pagdiriwang ng pasko
c. Ang pagdiriwang ng pasko
d. Ang Pagdiriwang Ng Pasko

Isa sa tradisyon nating mga


Pilipino ay ang Kapistahan. Ang bawat
lugar sa ating bansa ay may
kapistahang ipinagdiriwang bilang
pasasalamat sa kanilang patron. Isa
pang kilalang tradisyon natin ay ang
bayanihan. Ang bayanihan ay ang
pagtutulungan ng mga tao para sa
isang gawain. May mga kababayan pa
rin tayong sumusunod sa ganitong
tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

3. Ano ang angkop na paksang diwa


ng talata?

a.  Isa sa tradisyon nating mga


Pilipino ay ang kapistahan.
b. Isa sa tradisyon ng mga
Pilipino ang paghahanda.
c. Ang bawat lugar sa ating bansa
ay may kapistahang
ipinagdiriwang.
d. Isa pang kilalang tradisyon
natin ay ang bayanihan.

4. Ano ang angkop na pamagat ng


talata?

a. Ang Tradisyon ng mga


Pilipino
b. Ang tradisyon ng mga Pilipino
c. Ang Pagdiriwang ng
Kapistahan
d. Ang pagdiriwang ng kapistahan

5. Ang niyog ay may karaniwang


taas ng 6 na metro o higit pa.
Natatangi sa lahat ng puno ang
niyog sapagkat bawat bahagi
nito ay maaari ring sangkap sa
paggawa ng sabon, shampoo, at
iba pa.
Ano ang angkop na pamagat nito?

a. Ang Niyog
b. Iba’t-ibang Gamit ng Niyog
c. Ang Niyog ay Sangkap
d. Gamit ng Niyog
Essay: Sumulat ng talata na mayroong
limang (5) pangungusap na aangkop sa
may paksang diwa na: “Ang COVID-19 ay
isang uri ng sakit na kumakalat ngayon
sa mundo.” Pagkatapos ay ibigay ang
angkop na pamagat ng nabuong talata.

You might also like