You are on page 1of 3

FILIPINO 10

Ikasiyam na Pagpapayamang Gawain sa Filipino 10


Linggo

Pangalan:____________________________ Iskor:___________
Baitang at Seksyon:______________________ Petsa:___________

Gawaing Pagganap

Dalawanlibo’t dalawampu…
Ang sabi ng marami sa ingles…it’s just a number. Bilang/ numero lang, pero ang bilang na
iyan ay lumikha ng napakalaking pitak sa ating kasaysayan. Nariyan ang pagsabog ng bulkang Taal,
pagkamatay ng pamosong NBA player na si Kobe Bryant, na naging dahilan pa nga para hindi
mapansin ang pagpasok ng kalabang hindi natin nakikita (Covid-19.) Kalabang hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy na iginugupo ang ating bansa at iba pang bansa sa buong mundo. Kalabang
hindi pa batid kung ano ang makagagapi. Habang nakikibaka tayo para sa buhay natin sa bawat
araw ay may mga pangyayaring tulad ng; Ang mga babuyan, isang sektor ng agrikultura ay
naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) kaugnay nito ang pagbagsak din ng ekonomiya ng
bansa, pagsabog sa Beirut, na kumitil din ng maraming buhay, ang tuluyang pagsasara ng ABS-CBN
dahil sa pasong prangkisa na hindi na nabigyan ng pagkakataong mai-renew. Kasabay pa nito ang
pagdanas ng bansa ng sunod-sunod na kalamidad dulot ng napakalalakas na bagyong Rolly na
sumalanta sa malaking bahagi ng timog-Luzon lalo na sa Bicol at Ulysses naman sa Cagayan at iba
pang bahagi ng hilagang-Luzon. Walang araw na hindi tayo nakababalita ng mga namamatay nang
dahil sa Covid-19 o ano pa mang karamdaman, aksidente, krimen, at dulot ng natural na
pangyayaring hatid ng kalikasan. Bawat sandal, saglit, segundo, minuto, araw, buwan, at taon ay
bilang na mahalaga sa buhay na mayroon tayo. Dapat tayong mabuhay na parang napakahalaga ng
bawat minuto.
Oras at buhay ay magkaugnay…

PAGSULAT
Nabigyan ka ba ng pagkakataon ng talataan sa itaas na makapagnilay? Kung oo, pag-aralan
ang paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa ORAS at BUHAY gamit ang web organizer sa ibaba.
Dito mo ibabatay ang iyong isusulat na sanaysay tungkol sa kahalagahan ng buhay at oras.

ginto

tumatakbo ORAS hukom

pansamantala
PAUNAWA: Ang isusulat na sanaysay ang kakailanganing awtput sa Gawaing Pagsasalita.
Maaaring simulan ang iyong sanaysay sa isang kasabihan, salawikain, at pahayag upang magkaroon
ka ng iisang kaisipan sa pagsulat ng katawan nito. Ang wakas ay magtataglay ng kongklusyong maaaring
buod ng nilalaman ng iyong sanaysay o isa pang pahayag na makapagbibigay ng kamalayan sa iyong
tagapakinig. Gumamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw at salungguhitan ang mga ito. Isulat
ang sanaysay sa isang buong papel. Ito ay tatayahin ayon sa sumusunod na pamantayan :

Nilalaman at Mensahe – 10
Wastong gamit ng Gramatika – 10
Pagkamasining – 10
Kaangkupan ng mga Pang-ugnay – 10
Organisasyon ng Ideya – 10
Kabuuan 50 puntos

Gawaing Pagganap
PAGSASALITA
Ang isinulat na sanaysay tungkol sa mahalagang ugnayan ng oras at buhay ang gagamitn mong
awtput sa gawaing ito. Tiyaking bukod sa ipinasa sa iyong guro ay may sipi/kopya ka ng iyong sanaysay.
Babasahin mo ito habang naka-video. Ipapasa mo sa iyong guro ang awtput na tatayahin gamit ang
sumusunod na pamantayan:

LAKAS NG TINIG
Angkop na paglakas at paghina ng tinig – 15
BILIS NG PAGBIGKAS
Bilis o bagal ng pagbigkas batay sa damdamin – 15
LINAW NG PAGBIGKAS
Kaangkupan ng wastong pagbigkas ng mga salita at
pagbibigay-diin sa mga salitang nais bigyang kahulugan
at maunawaan ng tagapakinig - 20
_________________________
KABUUAN 50 PUNTOS

Note: Maaaring ipasa ang iyong video sa mga sumusunod:


Messenger: Maricar Mico Catipay
Email: catipaymaricar@gmail.com

You might also like