You are on page 1of 1

SDO-QC tumugon sa health break para sa mga guro at mag-aaral

Ni Emmanuel G. Halabaso Jr. Guro Ii


Jose P. Laurel Sr. High School

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng naapektuhan ng bagong variant ng Covid-19 na Omicron VIrus, nagpulong ang mga opisyales ng School Division Office (SDO) ng Lungsod
Quezon noong Enero 10 bilang isang agarang pagtugon sa naganap na surge ng virus na ang mga naapektuhan ay mga guro at mag-aaral ng nasabing lungsod.

Ang napag-usapan sa pagpupulong ang nakatuon sa pagbubuo ng mekanismo upang makasabay sa patuloy na pagtaas ng positivity rate sa National Capital Region (NCR). Kung
kaya, tulad ng iba pang School Division sa NCR, ang SDO ng Lungsod Quezon ay pinayuhan ang kanilang mga guro na magkaroon na lamang muna ng “asynchronous classes” para
makapagbigay ng konsiderasyon di lamang sa mga guro gayundin sa mga mag-aaral ng lungsod.

Kuwento ni Kristhean Navales, pangulo ng Quezon City Public School Teachers Association (QCSPTA), marami ang mga guro, mag-aaral at magulang ay nagkakasakit sa pagpasok
pa lamang ng klase simula noong Enero 3, at kabilang daw si G. Navales sa mga ito.

Dagdag pa ng pangulo ng QCSPTA, nakikitaan na ng pagbaba ng attendance sa mga online classes na ang dahilan ay maaaring ang misnong COVID o di kayaý simpleng sipon o
lagnat.

Sa lumabas na resulta ng Goole Form survey ng Alliance of Concerned Teacher (ACT) – Metro Manila, makikita na 55.4 porsyento ng mga gurong sumagot rito ay ay dumanas ng
mala-sipon na sintomas na tulad kapag nadapuan ng Covid-19 ang isang individual. Mababatid din sa resulta ng sarbey na 15.8% ng mga guro ay dumanas ng lagnat, 44.6% ay
mayoong ubo at 46.8 naman ay nagkasipon.

Ayon sa OCTA Research, ang Metro Manila ay dumadanas ng “severe outbreak” ng bagong variant ng coronavirus.

Matapos ng ilang araw, Enero 12, Miyerkules, naglabas ng panukala ang Department of Education (DepEd) sa mga regional office at mga school division office na binibigyan ng
probisyon ang mga ito sa gagawing hakbangin upang makatugon sa outbreak na nagaganap lalo na sa Metro Manila.

Agad-agad naman umaksyon ang SDO-QC na magdeklara ng No synchronous class hanggang matapos ang buwan ng Enero at walang klase naman sa huling linggo ng nasabing
buwan.

You might also like