You are on page 1of 2

FILIPINO 9

PAKSA: ANG GURYON NI ILDEFONSO SANTOS


TB: MERRY CRIS ERUM

VIDEO AUDIO

DEPED BUMPER
GFX “Maam Merry Cris Erum” INTRO:
Isang mapagpalang umaga sa ating lahat.
Ako si Teacher Merry Cris ang gagabay sa inyo sa
pagkatuto ng panibagong aralin.
GFX “Video Clip nang mga batang naglalaro ng saranggola” Scene 1
Kilala niyo ba ang bagay na ito? Kung oo, nasubukan niyo
na bang maglaro nito?
Alam niyo ba kung paano ito paliparin?

Alam kung kayo ay nasasabik nang matuto ng panibagong


aralin. KAYA..

Tara! Sabay nating alamin ang isang tula tungkol sa


saranggola at ang pagkakatulad nito sa buhay ng tao.

Filipino 9 Banter Music Theme


GFX Pop-up “BALIK-ARAL” Scene 2:
Atin munang balikan ang nakaraan nating tinalakay.

“Ano ang mga Uri ng Tunggalian”?

Sampung segundo upang isulat sa inyong kwaderno ang


tamang sagot at tingnan natin kung tama.

GFX Pop-up text with Sound FX


*tao laban sa sarili, tao laban sa tao, tao laban sa kalikasan
at tao laban sa lipunan Nawa’y tama lahat ang inyong sagot kung hindi naman
muling panoorin ang ating video tungkol sa araling ito.

GFX Pop-up text “TALASALITAAN” Scene 3:


Bago tayo magsimula, alamin muna natin ang kahulugan
ng mga salitang maaaring makasagabal sa ating pagkatuto.

GFX Pop-up text with Sound FX


IKIT ikit – pag-ikit patungo sa iniikutan
KILING Kiling – nakapaling o nakahilig sa isang panig
DAGITIN dagitin – makuha
GURYON guryon – saranggola
GFX Full Screen Simulation “Video ng tulang “ANG
GURYON” ni Ildefonso Santos

GFX Pop-up text with Sound fx VOICE OVER


Sa Tulang napakinggan, sino ang kinakausap ng ama? Kinakausap ng ama ang kanyang anak

Bakit pinapangaralan ng ama ang kanyang anak? Pinapangaralan ng ama ang kanyang anak dahil mahal niya
ito at ipinapaalala niya na ang buhay ay parang guryon
para maging handa ito sa buhay na tatahakin,
Ano-ano ang dapat tandaan sa pagpapalipad ng guryon? Tibayan ang pisi, ang solo’t pauloy dapat sukatin at dapat
guryon ay pakatimbangin
Bakit dapat maging maingat sa pagpapalipad nito? Dahil ang guryon ay marupok, malikot at baka lagutin ng
hanging malakas kung hindi matibay ang pisi

Anong katangian ng guryon ang maihahambing mo sa Pagiging matibay, dahil tulad ng guryon, kung magiging
iyong buhay? matibay ako sa pagharap sa mga hamon ng buhay, hindi
ako basta babagsak.
GFX Image of father (yelling) to son ON CAM
Mga bata ating tandaan na ang pangaral ng ating mga
magulang ay tanda ng pagmamahal nila sa atin bilang
anak. Ayaw nilang maligaw tayo sa maling landas.

Tandaan! Walang pangaral, ang nakakasama sa atin,


kailangin lamang nating isa-puso, isa-isip at sundin.
Scene 4
At dito nagtatapos ang ating aralin, nawa’y naibigan ninyo
ang tulang “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos.

GFX image of OFW Bilang takda, nais kung gumawa kayo ng isang malayang
tula patungkol sa ating mga OFW. Bubuin ito ng dalawang
saknong

Muli ako si Teacher Merry Cris, ang inyong kasama sa


pagtuklas ng mga bagong kaalaman.

You might also like