You are on page 1of 15

Sekondarya

Baitang 7

Filipino

SANAYAN SA FILIPINO
Ikatlong Kwarter - Linggo 2 - Aralin 3 at 4

Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong

at Bugtong/Palaisipan

Iba’t Ibang Uri ng Pagpapakahulugan

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang
mga pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng
pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13
F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
Filipino - Baitang 7
Sanayan sa Filipino
Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong at Bugtong/Palaisipan
Iba’t Ibang Uri ng Pagpapakahulugan
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Sanayan sa Filipino anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga
paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Sanayan sa Filipino

Writers: Jemma P. Palaguayan, Mechaela Joy C. Calico

Bienvenida S. Tabuada, Abraham Edgar T. Vargas
Jonathan C. Gustilo, Marisa S. Canales & Ramel B. Garcia

Illustrator: Roel S. Palmaira, Mel June G. Flores, Althea C. Montebon

Mary Clarence G. Madero

Layout Artist: Jemma P. Palaguayan, Armand Glenn S. Lapor

Lilibeth E. Larupay, Eladio J. Jovero & Jonathan C. Gustilo

Division Quality Jemma P. Palaguayan, Jonathan C. Gustilo

Assurance Team: Abraham Edgar T. Vargas, Nelson S. Cabaluna
Rene B. Cordon, Lilibeth E. Larupay
Armand Glenn S. Lapor & Dr. Marites C. Capilitan

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez

Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino, Baitang 7.

Ang Sanayan sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Sanayan sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Sanayan sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon ka ng kalayaan na pag-aralan
ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na papel.

IKATLONG LINGGO-ARALIN 3

Magandang araw sa iyo!

Balikan natin ang ating mayamang kultura. Sama-sama nating pag-aralan ang ilan
sa mga kaalamang bayan na ipinamana ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga
inihandang gawain.

Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang layuning:

naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
bugtong/palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan (F7PU-IIIa-c-13).

Simulan mo na!

TUKLASIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin ang kasagutan sa mga sumusunod na palaisipan. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Sa liwanag ay hindi mo makita. Sa dilim ay maliwanag sila.

A. buwan B. bituin C. lampara
2. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona?
A. bayabas B. lansones C. kasoy
3. Lumalakad walang paa lumuluha walang mata
A. kandila B. bolpen o pluma C. ulan
4. Kay lapit sa mata hindi mo pa rin makita.
A. tenga B. ilong C. bibig
5. Eto na si Kaka, bubukabukaka.
A. gunting B. paa C. zipper

Gawain 2
Panuto: Hanapin mula sa crossword puzzle sa ibaba ang mga salitang maiuugnay sa mga
Karunungang-Bayan. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Z E T A E O U T O P Y H L S
W T U L A N G P A N U D Y O
A D G U L O N G H H D F H P
B T M F H A H J K L U O R O
P H A L A I S I P A N G H N
C H N F G N B C G J A K M I
E J G G G G H X B J J A N N
R K Z V B H V J A N G A C U
K A A L A M A N G B A Y A N
R B U G T O N G A S V O Z O
Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
1
ALAMIN NATIN

Kaalamang - Bayan

1. Tulang/Awiting Panudyo

Uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o mang-

uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na
Pagbibirong Patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo, kinuskos ang gugo
Pedro Penduko, matakaw sa tuyo

Tutubi, tutubi
Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad

2. Tugmang de-Gulong

Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong

sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang naipaparating ang mensaheng may
kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa
anyong salawikain, kasabihan, o maikling tula. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito
ay binuo ni Dr. Paquito Badayos.
Halimbawa:
1. Ang ‘di magbayad walang problema sa karma palang bayad kana.
2. Ms. Sexy kung gusto mo’y libre sa drayber ka tumabi.
3. Mga pare, please lang kayo’y tumabi
Pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala- Ang aking Manibela

3. Bugtong

Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula

at kalimitang maiksi lamang. Noon karaniwan itong nilalaro sa lamay upang magbigay
aliw sa mga namatayan ngunit nang lumaon ay kinagigiliwan na ring laruin kapag may
mga handaan o pistahan.
Halimbawa:

Bahay ni Tinyente, Nag-iisa ang poste.

Sagot: Payong
Nagbibigay na'y sinasakal pa
Sagot: Bote

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
2
4. Palaisipan

Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at

pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay
paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na
ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang
mga inapo.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap pa rin hanggang sa kasalukuyang
panahon sapagkat ito’y talaga naming nakapagpapataas sa isipan ng mga mag-aaral.
Ito ay hindi na lamang pinag-uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi maging
sa usapan sa Internet.

Halimbawa:
Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas
Sa damo ay ahas
Sa ulo ng tao ay kuto
Ano naman ang gumagapang sa kabayo?
Sagot: Plantsa

May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng

sombrero. Paano nakuha ang bola nang
di man lamang nagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero

SANAYIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Sagutin ang mga katanungang ibibigay ni Juan sa iyo. Punan ng tamang sagot upang
mabuo ang inyong usapan.
Ang sagot ay
Ano ang makikita mo 1. _______________
sa gitna ng dagat?

Ang ‘di magbayad sa Ito’y isang halimbawa ng

pinanggalingan, ‘di
2. _____________
makararating sa
paroroonan.

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
3
Mayroong tandang sa ibabaw ng bubong na piramido anag
hugis. Nagtatalo ang mga kapitbahay kung saan babagsak
ang itlog ng tandang. Saan babagsak ang itlog ng tandang?

Ang sagot ay
3. _______________

Kuya mong may bulutong

Puwede mong igatong Jose yan ay
Nanay mong maganda 4._______________
Puwede mong ibenta

Dumaan ang hari, Ang sagot sa bugtong na

nagkagatan ang iyan ay
mga pari. 5. ______________

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
4
GAWAIN 2
Panuto: Ipaliwanag ang ideyang nakapaloob sa sumusunod na kaisipan. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.

1. Ako ay isang lalaking matapang,

Maliit na ipis ang kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinuskos ang gugo,
Pedro Penduko, matakaw sa tuyo.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
______________________

2. Mga pare, maari lang kayo’y maging tapat,

Bago bumaba isipin ang magbayad.
Pagkat sa init ng araw ay palaging nakababad,
Nang may pakain sa pamilyang salat.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
______________________
3. Pusa, Pusa
Tumatakbo nang kusa,
Sa batang mabantot.
Sigaw, sigaw
Batang pasaway,
Matapang ka’t nasa pugad.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
______________________

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
5
GAWAIN 3
Panuto: Maglista ng limang halimbawa sa bawat uri ng Kaalamang Bayan sa pamamagitan
ng pagsasaliksik o pagsangguni sa matatanda sa inyong lugar. Isulat ang iyong sagot
sa hiwalay na papel.

Tula/Awiting Tugmang de-

Bugtong Palaisipan
Panudyo Gulong

TAYAHIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Sumulat ng sarili mong tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at
bugtong/palaisipan. Gamiting gabay ang mga rubrics sa ibaba. Isulat ito sa hiwalay
na papel.
Rubriks sa Pagbuo ng Bugtong

Pamantayan sa
Pagbuo ng Nangangailangan ng
Mahusay Katamtaman Gabay
Kaalamang Bayan

Mahusay at akma Maayos ang Nangangailangan ng

ang paksa ng pagkakalahad ng rebisyon ang paksa ng
bugtong ayon sa paksa ng bugtong binuong kaalamang
Nilalaman
pamantayan ng ayon sa pamantayan bayan.
kaalamang bayan ng kaalamang
bayan.
Malikhain ang Katanggap-tanggap Malabo ang
pagkakalahad ng ang pagkakalahad pagkakalahad ng mga
Orihinalidad mga susing kaisipan ng mga susing susing kaisipan sa
sa pagbuo ng kaisipan sa pagbuo pagbuo ng bugtong.
bugtong. ng bugtong.
Ang bugtong ay Bahagi lamang ng Ang bugtong ay hindi
bugtong ay nagtataglay ng
Tugma kapapalooban ng kapapalooban ng
tugmaan. tugmaan.
tugmaan.

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
6
Rubriks sa Pagbuo ng Tugmaang de-Gulong

Pamantayan sa
Pagbuo ng Nangangailangan ng
Mahusay Katamtaman Gabay
Kaalamang Bayan

Mahusay at akma Maayos ang Nangangailangan ng

ang paksa ng pagkakalahad ng rebisyon ang paksa ng
tugmaang de-gulong paksa ng tugmaang binuong kaalamang
Nilalaman
ayon sa de-gulong ayon sa bayan.
pamantayan ng pamantayan ng
kaalamang bayan kaalamang bayan.
Malikhain ang Katanggap-tanggap Malabo ang
pagkakalahad ng ang pagkakalahad pagkakalahad ng mga
mga susing kaisipan ng mga susing susing kaisipan sa
Orihinalidad
sa pagbuo ng kaisipan sa pagbuo pagbuo ng tugmaang
tugmaang de- ng tugmaang de- de-gulong.
gulong. gulong.
Ang tugmaang de- Ang tugmaang de-
Bahagi lamang ng
gulong ay tugmaang de-gulong ay
gulong ay hindi
Tugma kapapalooban ng nagtataglay ng
kapapalooban ng
tugmaan. tugmaan. tugmaan.

Rubriks sa Pagbuo ng Tula/Awiting Panudyo

Pamantayan sa
Pagbuo ng Nangangailangan ng
Mahusay Katamtaman Gabay
Kaalamang Bayan

Mahusay at akma Maayos ang Nangangailangan ng

ang paksa ng pagkakalahad ng rebisyon ang paksa ng
tula/awiting panudyo paksa ng tula/awiting binuong kaalamang
Nilalaman ayon sa panudyo bayan.
pamantayan ng ayon sa pamantayan
kaalamang bayan ng kaalamang
bayan.
Malikhain ang Katanggap-tanggap Malabo ang
pagkakalahad ng ang pagkakalahad pagkakalahad ng mga
mga susing kaisipan ng mga susing susing kaisipan sa
Orihinalidad
sa pagbuo ng kaisipan sa pagbuo pagbuo ng tula/awiting
tula/awiting ng tula/awiting panudyo.
panudyo. panudyo.
Ang tula/awiting Ang tula/awiting
Bahagi lamang ng
panudyo tula/awiting panudyo ay
panudyo
Tugma kapapalooban ng ay hindi nagtataglay ng
ay kapapalooban ng
tugmaan. tugmaan. tugmaan.

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
7
IKALAWANG LINGGO-ARALIN 4

Magandang araw sa iyo!

Batid kong handa ka na sa panibagong talakayan. Inyong tuklasin ang mga salitang
may nakatagong kahulugan upang maragdagan ang ating mga kaalaman.
Sa iyong pagsagot sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang layuning:
naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa
konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at
kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16; F7PT-IIIi-11).
Simulan mo na!

TUKLASIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Suriin ang tekstong mababasa sa ibaba at sagutin ang sumusunod na katanungan.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

Pilipino sa Panahon ng Pandemya

Ang maingay na mundo ay biglang nanahimik. Ang mga ngiting liwanag ang dala ay
napalitan ng nakabubulag na dilim ng kalungkutan. Kapwa naghirap ang mga lumaki sa
gintong kutsara at mga nasa laylayan. Sinubok ang katatagan ng bawat isa subalit namayani
ang pagtutulungan at pagmamahalan. Bata, matanda, lalaki’t babae, anumang propesyon
kahit walang pinag-aralan ay nagsilbing bayani ng kapwa. Araw at gabi’y handang umagapay
sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino ang pamahalaan. Face shield at face mask ang
naging maskara para matago ang magagandang mukha at nagsilbing hadlang para sa
ugnayang pagngiti at pagkindat ang isa sa paraan upang magkaintindihan. May mga buhay
na inililigtas ng isang taong katawan ay nakabalot sa kasuotang mainit ang nararamdaman at
balde-baldeng pawis ang tumutulo sa malamig na silid. Subalit sa hirap na dala nitong
nakakamatay na sakit ay buong tapang nating kinakaharap bilang isang Pilipino na isinaalang-
alang ang mga alituntuning makakatulong para tayo ay maprotektahan laban dito. Darating
ang araw na ang bundok ay malalagpasan natin dahil dininig ng Panginoon ang ating
panalangin. Muli tayong magtatawanan nang walang pangambang nakaabang. Ang araw ay
muling sisikat tanda ng panibagong yugto ng ating buhay. Pilipino tayo, isang lahing matatag
at lumalaban!

1. “May mga buhay na inililigtas ng isang taong katawan ay nakabalot sa kasuotang mainit
ang nararamdaman at balde-baldeng pawis ang tumubo sa malamig na silid. Ano ang
relasyon ng dalawang salitang nakasulat nang madiin?
A. idyoma B. magkaiba ang kahulugan C. magkapareho ang kahuluga
2. Alin sa sumusunod na pagpipilian ang kahulugan ng salitang bundok ayon sa gamit nito
sa tekstong binasa.
A. problema B. nagkakaisa C. uri ng yamang lupa
3. Ang salitang araw-gabi ay_____________.
A. tambalang salita B. magkaiba ang kahulugan C. magkapareho ang kahulugan
Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
8
4. Alin sa sumusunod ang literal na pagpapakahulugan sa gintong kutsara?
A. mapagmataas B. lumaking mayaman C. kutsarang gawa sa ginto
5. Ano kahulugan ng salitang laylayan ayon sa gamit nito sa pangungusap mula sa binasang
teksto?
A. mahihirap B. mayayaman C. dulo ng damit

ALAMIN NATIN

Ang denotasyon ay karaniwang kahulugan mula sa diksyonaryo o salitang

ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag. Samantalang ang konotasyon
naman ay may taglay na ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao
o pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan.
Halimbawa:
Denotasyon:
Magandang pagmasdan ang mga pulang rosas sa hardin ni Bb. Santos.
pulang rosas- uri ng rosas na kulay pula
pambura- bagay na ginagamit para mabura ang sulat ng lapis
kawayan- uri halaman, ginagamit sa pagpapatayo ng bahay
Konotasyon:
Isa sa paniniwalang Pilipino na kapag may nakasalubong pusang itim, ito ay
tanda ng kamalasan.
pusang itim- kamalasan o nagbabadyang masamang resulta
pambura-kalimutan ang kamaliang ginawa
kawayan- matayog, pangarap
Ang kasingkahulugan ay dalawang magkaibang salita na pareho o magkatulad ang
kahulugan.
Halimbawa:
maganda-marilag maalinsangan-mainit
mataas-matayog malapad-malawak
alalahanin-tandaan balakid-hadlang
Kasalungat naman ang tawag kung magkaiba ang kahulugan ng dalawang magkaibang
salita.
Halimbawa:
masaya-malungkot maingay-tahimik
araw-gabi bago-luma
mabuti-masama maganda-pangit

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
9
SANAYIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na pares ng salita ay magkasingkahulugan o
magkasalungat. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

__________ 1. maputi-maitim __________ 6. masaya-maligaya

__________ 2. maluho-magastos __________ 7. matayog-mababa
__________ 3. mabango-mabaho __________ 8. maganda- marikit
__________ 4. mabilis-matulin __________ 9. masaya-malungkot
__________ 5. makapal-manipis __________ 10. matamis-maasim

GAWAIN 2
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang kung paano ginamit ang
mga salitang nakadiin ayon sa pagpapakahulugan nito. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.

1. Nalampasan ni Sarah ang bundok nang dinggin ng Panginoon ang kanyang panalangin.
A. problema B. uri ng yamang lupa
2. Si Ana ay nagtapos na may pinakamataas na karangalan. Nanggaling kasi sa matalinong
puno.
A. magulang o angkan B. halamang lumalaki nang mataas
3. Malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng puno sa ating kalikasan.
A. magulang/angkan B. halamang lumalaki nang mataas
4. Maraming magagandang bulaklak sa bakuran nina Gng. Chavez.
A. babae/dilag
B. bahagi ng ng isang halaman na karaniwang makulay
5. Binigay ni Jose ang litrato ng puso bilang pagpapakita ng kanyang pagmamahal.
A. nagpapakita ng larawan ng puso
B. simbolo ng pagmamahal at pag-ibig
6. Dahil sa labis na hirap sa buhay ay naging bato na ang puso niya.
A. manhid na B. uri ng matigas na mineral
7. Kahit bata pa lamang ay ipinakita niyang marami na siyang alam sa buhay.
A. musmos B. nobya
8. Isang malaking ahas ang nakita sa bakuran ng mag-asawang matanda dahilan para labis
na mag-alala ang kanilang mga kapitbahay.
A. uri ng reptilya, makamandag
B. isang taong traydor o sinisiraan ka ng patalikod
9. Nadapa si Eos dahil sa malaking bato dahilan para masugatan ang kanyang tuhod.
A. manhid na B. uri ng matigas na mineral
10. Ikinasal ang aktor na si Matteo Guidicelli sa kanyang bata na si Sarah Geronimo.
A. nobya B. musmos
Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
10
GAWAIN 3
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa pangungusap. Pagkatapos ay
ibigay ang hinihinging pagpapakahulugan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay
na papel.

1. Nabuhat niya ang isang kahong puno ng mansanas dahil siya malakas.
kahulugan: ____________________________________________________________.
Ibigay ang kasalungat ng salitang nakadiin: __________________________________
2. Pinalaking mabait na bata si Ana.
kahulugan: ____________________________________________________________.
Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakadiin: _____________________________
3. Nabasag ang plorera sa ibabaw ng mesa matapos matamaan ng nilalarong bola ni Beboy.
kahulugan: ____________________________________________________________.
Ibigay ang konotatibong kahulugan ng salitang nakadiin: _________________________
4. Malusog na bata si Juan sapagkat palagi siyang kumakain ng mga gulay.
kahulugan: ____________________________________________________________.
Ibigay ang kasalungat ng salitang nakadiin: __________________________________
5. Lumaki sa pamilyang kamay na bakal ang dalaga kaya hindi niya naranasang gumala
kasama ang kanyang mga kaibigan.
kahulugan: ____________________________________________________________.
Ibigay ang denotatibong kahulugan ng salitang nakadiin: ________________________
6. Si Lolong ang pinakamalaking buwaya na nahuli sa Bunawan, Agusan del Sur.
kahulugan: ____________________________________________________________.
Ibigay ang konotatibo kahulugan ng salitang nakadiin: __________________________

TAYAHIN NATIN

GAWAIN 1
Panuto: Pangkatin ang mga salitang nasa unang kahon batay sa mga susing kaisipang
nakatala sa ikalawang kahon kung saan maaaring iugnay ang mga ito. Ipaliwanag
kung bakit ito ang iyong ginawang pagpapangkat sa huling kahong matatagpuan sa
dayagram.

ginto karunungan Pangarap

kinabukasan puso Pagmamahal

tiwala hiyas Halaga

Edukasyon Kayamanan Pag-ibig

_____________________ _____________________ _____________________

_____________________ _____________________ _____________________

_____________________ _____________________ _____________________

Pagpapaliwanag: Pagpapaliwanag: Pagpapaliwanag:

Baitang 7 - Filipino
Kompetensi 1: Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga
pamantayan (F7PU-IIIa-c-13)
Kompetensi 2: Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto ng pangungusap,
denotasyon at konotasyon, batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito (F7PT-IIIa-c-13; F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11)
11
12

Susing Sagot sa Pagwawasto
Linggo 2 – Aralin 3
Tuklasin Natin Sanayin Natin
GAWAIN 1 GAWAIN 2 GAWAIN 1
1. a/b 1. Bugtong 1. g
2. a 2. Palaisipan 2. tugmang de-gulong
3. b 3. kaalamang - bayan 3. palaisipan
4. b 4. tulang panudyo 4. tulang panudyo
5. a 5. tugmang de-gulong 5. zipper
Tayahin Natin GAWAIN 2 at 3
GAWAIN 1 - Ang mga sagot ay subhektibo.
- Ang mga sagot ay subhektibo.
Susing Sagot sa Pagwawasto
Linggo 2 – Aralin 4
Tuklasin Natin Sanayin Natin
GAWAIN 1 GAWAIN 1
1. b 1. magkasalungat 6. magkasingkahulugan
2. a 2. magkasingkahulugan 7. magkasalungat
3. b 3. magkasalungat 8. magkasingkahulugan
4. b 4. magkasingkahulugan 9. magkasalungat
5. a 5. magkasalungat 10. magkasalungat
GAWAIN 2
1. a 3. b 5. b 7. a 9. b
2. a 4. b 6. b 8. a 10. a
Sanayin Natin
GAWAIN 3
1. malakas- angking kakayanan na bumuhat o gumawa ng isang bagay na pinagagamitan
ng lakas (mula sa katawan)
Kasalungat- mahina
2. mabait-mabuting kalooban at magandang pag-uugali ng isang tao.
Kasingkahulugan-mabuti
3. bola- laruan na hugis bilog
Konotatibo-matamis na dila
4. malusog-ang tao ay mayroong magandang pangangatawan, hindi sakitin at malakas
ang resistensiya
Kasalungat-sakitin
5. kamay na bakal-mahigpit na paraan ng pagdisiplina
Denotatibong kahulugan-kamay na gawa sa bakal
6. buwaya- isang reptilia na kabilang sa pamilya ng Crocodylidae.
Konotatibo-mga taong nasa kapangyarihan na nagnanakaw mula sa kaban ng
bayan

You might also like