You are on page 1of 1

Paano gumawa ng egg sandwich?

Ang Egg Sandwich ay isa sa mga pangkaraniwang meryendang hinahanda para sa mga
bata at maging tuwing may bisita, handaan o piknik sa labas ng bahay. Ang meryendang ito ay
kinagigiliwan ng marami sapagkat ito ay siksik sa protina, masarap, mura, at higit sa lahat, ito ay
madali at mabilis lamang na gawin. Ang resipi nito ay nangangailangan lamang ng tatlong (3)
itlog, 5 piraso ng bacon tatlong kapat (¾) na tasa ng mayonaise, kalahating (½) sibuyas na
hiniwa sa maliliit na piraso, asin, paminta, labindalawang (12) na piraso ng tinapay at mantikilya.
Ito ay maaring ring dagdagan ng letsugas o ng kahit ano pang pampalasa na iyong ninanais.
Tungo naman sa mga hakbang, ang egg sandwich ay ginagawa sa pamamagitan ng
unang-una, paglalaga ng itlog sa kumukulong tubig na tumutagal ng sampung minuto.
Pangalawa, habang pinapalamig ang itlog, hiwain ang bacon sa maliliit na piraso at gisahin sa
isang kawaling may katamtamang apoy. Pangatlo, matapos ahunin ang bacon, balatan na ang
itlog at durugin ito gamit ang tinidor sa isang mangkok. Matapos itong durugin, ilagay at ihalo na
ang bacon at sibuyas. Ito ay dagdahan ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa. Ang
pinaghalo-halong sangkap na ito ay magsisilbing egg spread. Para naman sa tinapay, lagyan ng
mantikilya ang isang kawaling may katamtamang apoy. Pagkatapos, tustahin ang mga tinapay
at ilagay sa pinggan. Panghuli, lagyan ng letsugas ang tinapay at saka ilagay ang egg spread.
At sa wakas, ang egg sandwich ay maaari ng ihain at kainin.

You might also like