You are on page 1of 2

BREAD ROLLS

Ang bread roll ay isa sa aking mga luto. Puwede ito pang meryenda,
baon sa eskwelahan o sa outing at sigurado akong magugustuhan ito
ng mga bata, puwede mo rin itong pagkakitaan.

MGA SANGKAP:
 TASTY BREAD
 TENDER JUICY CLASSIC HOTDOGS
 1 BOTENG MANTIKA
 2 ITLOG
 HARINA
 BREAD CRUMBS

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG BREAD ROLL:


1. Ihanda ang iyong mga sangkap.
2. Kumuha ng isang tasty bread, at ilagay ito sa plato. Kumuha ng bote
at igulong ito sa ibabaw ng tinapay hanggang sa maging patag ito.
3. Ilagay ang hotdog sa tinapay at ikutin ito. kumuha ng toothpick at
itusok sa tinapay para mapanatili ang pagkarolyo nito.
4. Batihin ang dalawang itlog lagyan ito ng asin pati na rin ang harina.
Ihanda ang bread crumbs at ilagay sila sa tig-iisang mangkok.
5. Lagyan ng flour ang bread roll, ilagay sa bati na itlog at lagyan ng
bread crumbs. Ihanda ang kawali at lagyan ito ng isang boteng
mantika. Painitin ang mantika.
6. Ilagay ang bread rolls sa kawali hanggang sa maging kulay brown
ito.
7. Lagyan ng tissue ang plato na paglalagyan ng bread roll para mawala
ang sobrang mantika nito.
8. Mahusay! nakarating ka sa huling hakbang sa paggawa ng bread
roll. Ang huling hakbang ay ihanda mo ito sa iyong pamilya,
kaibigan, kaklase at kung sino man ang iyong pag-bibigyan.

You might also like