You are on page 1of 2

READING AND WRITING PROGRAM

John Third Diego

Ryza Mikaela Ronquillo

Aira Jane Ramos

Justene Leize Camia

Mark Allen Ligero

Nobyembre 16, 2022

Ang pagbasa at pagsulat ay may mahalagang hakbang sa pag-unlad ng isang indibidwal.


Sa pamamagitan ng pagbasa, maaaring matuto ng bagong kaalaman at mga ideya. Ang pagsulat,
sa kabilang banda, ay nagbibigay sa isang indibidwal ng pagkakataon na maipahayag ang
kanilang sariling mga pananaw at ideya.

I. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Sa barangay Ungab, maraming kabataan ang nananatili at naglalaro na lamang sa


kani-kanilang bahay at hindi nakakadalo sa paaralan dahil sa problema sa pinansyal.

II. MGA LAYUNIN

Ang mga pangunahing layunin ng aming proyektong Reading and Writing


Program ay ang mga sumusunod:

1. Maturuan ang mga batang walang kaya sa pagpasok sa paaralan.


2. Upang matulungan ang mga batang hirap bumasa at sumulat sa Brgy. Ungab.
3. Upang magkaroon ng motibasyon ang mga batang ayaw mag-aral.
III. MGA PLANO NA DAPAT GAWIN
Una: pagkuha ng permit na tatagal ng isang araw.
Pangalawa: Paghahanda ng mga gagamiting materyales na tatagal ng tatlong araw.
Pangatlo: Pag-aayos ng schedule sa gagawing program na tatagal ng tatlong oras.
Pang-apat: Pagbuo ng meeting sa Brgy. Ungab upang hikayatin ang mga tao lalo na ang
mga bata na dumalo sa Reading and Writing Program na tatagal ng isang oras.
Pang-lima: Pag-uumpisa sa gagawing Reading and Writing Program na tatagal ng
tatlong buwan at tatlong beses sa isang lingo gaganapin na sisimulan sa Enero 4, 2023.

IV. BADYET

Lapis ₱300.00
Papel ₱500.00
Notebook ₱1,500.00
Storybook ₱1,500.00
Reading booklet ₱800.00
Blackboard ₱1,000.00
Juice ₱500.00
Biscuit ₱200.00
Bread ₱200.00

V. PAANO MAPAKINABANGAN NG PAMAYANAN O SAMAHAN ANG


PANUKALANG PROYEKTO

Sa pamamagitan ng libreng pagtuturo sa mga batang hindi nag-aaral dahil sa hirap ng


buhay at walang kakayahang bumili ng gamit sap ag-aaral. At sa pamamagitan ng
pagpunta sa barangay plaza at doon gaganapin ang program na gagawin tatlong beses sa
isang lingo.

You might also like