You are on page 1of 13

TVBI-Quarter 3-Episode 1 Filipino 7

Learning Competency: Naihahambing ang mga katangian ng awiting/tulang panudyo,


tugmang de gulong at palaisipan. (F7PB –IIIa-c-14)
Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo,tugmang de
gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantayan. (F7PU-IIIa-c-13)

ACTIVITY SHEET 1
Pangalan: ___________________________ Paaralan: _____________________ Iskor:___
Pangunahing Konsepto:
Ang kaalamang-bayan ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala, ritwal, gawi, at
tradisyon ng mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangan na nagpasalin-salin sa
iba’t ibang lahi at pook dahil sa ito’y bukambibig ng taumbayan.

A.Tulang/Awiting Panudyo
- Ito ay isang uri ng akdang patulang kadalasan ang layunin ay manlibak,
manukso o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig na nagbibiro at kilala rin sa
tawag na “pagbibirong patula.”
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
Pedro Panduko, matakaw sa tuyo.

B.Tugmang de Gulong
- Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong
sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang naiparating ang mensaheng may
kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa
anyong salawikain, kasabihan o maikling tula.
Halimbawa:
Ang ‘di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay ‘di makabababa sa
paroroonan.
C.Bugtong
-Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas itong patula at
kalimitang maiksi lamang.

1. Gumagapang pa ang ina,


Umuupo na ang anak.
Sagot:
kalabasa

D.Palaisipan
-Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang
kaisipan ng mga taong nagtitipon-tipon sa isang lugar. Maikling patulang palaisipan,
maaaring binubuo ng isa o dalawang taludtod, at kadalasang may sukat at tugma
Halimbawa:
a. Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?

Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis

Gawain 1: Magbigay ng paghahambing ng mga katangian ng akdang pampanitikang


karunungang-bayan. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba sa paglalahad
ng inyong sagot at isulat ito sa isang A4 bondpaper.

Mga Katangian ng
Karunungang Bayan

Tulang de-
Tulang Bugtong Palaisipan
Gulong
Panudyo
Gawain 2: Sumulat ng sariling Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de gulong, at Palaisipan
batay sa itinakdang pamantayan. Isulat ito. Kopyahin ang tsart sa ibaba at
sagutan ito sa hiwalay na papel.

Tula/Awiting Panudyo Palaisipan

I. 1. ____________________
______________________________
______________________________ 2._____________________
______________________________
______________________________

Tugmang de gulong

1.____________________________

2.____________________________

Pamantayan Puntos Aking Puntos

10
May orihinalidad ang tulang nabuo

Kompleto ang tulang nabuo (Tula/Awiting 10


Panudyo, Tugmang de gulong, at Palaisipan)
Angkop at payak ang mga salitang ginamit 10
(Malikhain)

Kabuuang Puntos 30

10- Napakahusay 3- Di- mahusay


8- Mahusay 1- Sadyang di-mahusay
5- Katamtaman

*ang mga sagot ay nakadepende sa pasya ng guro.

TVBI- Quarter 3-Episode 1 Filipino 8

Learning Competency: Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto


batay sa paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkasulat, pagbuo ng salita,
pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap.

ACTIVITY SHEET 1

Pangalan: ___________________________ Paaralan: ___________________ Iskor:___


Pangunahing Konsepto:

Ang dagli ay isa sa mga popular na babasahin.


Sa dagli rin ay may mga sitwasyong nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong
umuunlad, gahol sa banghay, at mga paglalarawan lamang.
Ayon naman kay Eros Atalia, ang dagli ay nagpapatawa, nanggugulat at
nakasusugat.
Mga paraan ng pagsusulat ng dagli (ayon kay Eros Atalia):
✔ Magbigay tuon lamang sa isa: tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo,
paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo
✔ Magsimula lagi sa aksyon
✔ Sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo
✔ Gawing double blade ang pamagat

Panuto: Ihambing sa akdang “Dalawang Patong na Hollow Blocks” ang isa


pang dagling may pamagat na “Maligayang Pasko” gamit ang tsart. Isulat ito
sa tsart na nasa inyong sagutang papel.
Dalawang Patong na Hollow Blocks

ni Gerwin L. Cortez

Kaparehong araw rin kagaya nito.

Medyo umuulan-ulan lang noon. May badya ang langit na masungit. Naghalo na sila ng semento.
Inihanda ko ang aking mga kagamitan para magdiwang ng aming Christmas Party sa bahay ng isa sa
mga matalik kong kaibigan. Naipatong na ang unang hollow block. Masaya. Di magkasya ang
kasayahan sa ikatlong palapag. Tawanan. Mga repleksyon sa buhay. Mga plano. Mensahe ng
pasasalamat. Kaunting iyakan. PUNO NG PAGMAMAHALAN.

Naipatong na ang ikalawang hollow block.

Krrrrengggg! Krrrrenggg!

"Umuwi ka na. Pupunta kaming pagamutan."

Hindi ko alintana ang lahat. May kaunting pagmamadali para umuwi.

Nakita ko ang malungkot na mukha ni Sta. Rosa sa daan.

"O, bakit ngayon ka lang? Anong oras kang dumating?" malamig na malamig na tinig.

Malamig na malamig ding katawan. Tagaktak ang pawis sa lamig. Natibag ang dalawang patong na
hollow blocks. Bisperas iyon ng Pasko. Tila may reunion. Kasama namin lahat ng kamag-anak na
nagmula sa karatig at malalayong lugar.

Maligayang Pasko
ni Eros Atalia

Pinatay niya na ang sauce. Luto na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang oven. Paluto
na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang hamon, hotdog, at bacon. Nasa gitna na ng
mesa ang mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin ang keso de bola. Timplado na rin ang juice.
Inilagay na niya sa mesa ang morcon, lechon manok, embutido, paella at pinasingaw na sugpo.
Naglagay siya ng tatlong pinggan, baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin ang napkin.

Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot. Sa loob nito ay may ilang nakabalot na ulam.
Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan. Habang
naglalakad, sinilip niya ang laman ng supot. May apat na ballot. Hindi niya maaaninag kung ano-ano
ang laman ng mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang anak at sa kanilang mag-asawa ang bitbit na
pabaong Noche Buena. Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.
Ihambing ayon sa: Dalawang Patong ng Maligayang Pasko
Hollow Blocks

a. paksa

b. layon

c. tono

d. pananaw

e. paraan ng pagkakasulat

f. pagbuo ng salita

g. pagbuo ng
pangungusap

*ang mga sagot ay nakadepende sa pasya ng guro


TVBI-Quarter 3-Episode 1 Filipino 9
Learning Competency: Napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa50)

ACTIVITY SHEET 1
Pangalan: __________________________ Paaralan: ___________________ Iskor:_____

Pangunahing Konsepto:

Ang Parabula sa ingles ay Parable na nangngahulugang isang maikling salaysay na


nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay
nasa Banal na Kasulatan o hango sa bibliya.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na Parabole na nagsasaad ng dalawang bagay (na
maaaring tao, hayop, lugar, pangyayari) para paghambingin.

Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa nakasaad


sa Banal na Aklat.
Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng
mga tao.
Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag.
Ang parabula ay di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi
binubuo rin nito ang ating moral at espirituwal na pagkatao.
Ang mga pangyayari sa parabula ay masasalamin din sa kasaluyang panahon.

Panuto: Ang mga sumusunod na pangyayaring naganap sa napanood na parabula ay


maaari ring maganap sa kasalukuyan at sa tunay na buhay.
Sumulat ng naiisip mong parehong pangyayaring naganap o nagaganap sa
kasalukuyang kaugnay ng bawat sitwasyon. Maaaring ito ay personal mong
nasaksihan o isang pangyayaring iyong nabalitaan,nabasa o napanood.
Kopyahin ang tsart sa ibaba at sagutan ito sa hiwalay na papel.

Hiningi ng anak ang kanyang mamanahin kahit buhay pa


ang magulang niya.

Kaparehas na Pangyayari:
________________________________________________
________________________________________________
________________.

Dahil sa paghihirap, nagsisi ang anak sa kanyang ginawa


at naalala ang magulang.
*ang mga sagot ay nakadepende sa pasya ng guro

*ang mga sagot ay nakadepende sa pasya ng guro

TVBI- Quarter 3-Episode 1 Filipino 10


Learning Competency: Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya
ng Africa at Persia (F10PN-IIIa-76);
Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay
sa suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80);
Nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74);

ACTIVITY SHEET 1
Pangalan: _________________________ Paaralan: ______________________Iskor:_____
Pangunahing Konsepto:
Mitolohiya

Mito/mitolohiya - kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban,


kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng
mga mahiwagang nilikha. Ito ay isang natatanging kuwentong kadalasang
tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala, at ang kanilang mga karanasan sa
pakikisalamuha sa mga tao.
May mga elemento rin ang mitolohiya:
1. Tauhan - mga diyos at diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan.
2. Tagpuan - may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon.
3. Banghay - maaaring tumalakay sa sumusunod:
a. maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
b. maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na
pangyayari
c. nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas
d. ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon, at
interaksiyong nagaganap sa araw, buwan, at daigdig

4. Tema - maaaring nakatuon sa sumusunod:


a. pagpapaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay

A. Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang mitolohiyang


pinamagatang, “Liongo” batay sa suliranin ng akda, kilos at gawi ng tauhan, at
desisyon ng tauhan gamit ang flow chart. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na
papel. (2 puntos bawat bilang)
Liongo

Ano ang suliraning kinakaharap ng pangunahing


tauhan sa akda?
Sagot:

Ilarawan ang naging kilos at gawi ni Liongo.


Sagot:

Ano ang naging desisyon ni Liongo?


Sagot:

Anong mensahe ang nais ipabatid ng akda sa


mambabasa?
Sagot:

B. Panuto: Bigyang-puna ang napanood na video clip tungkol sa mitolohiyang


pinamagatang, “Maaaring Lumipad ang Tao” sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga kaisipang nakapaloob dito. Itala ito sa tsart at lagyan ng tsek (√) ang kolum
kung ito ay makatotohanan o ‘di makatotohanan. Ipaliwanag ang iyong sagot sa
huling kolum. (10 puntos)

Kaisipan Makatotohanan Di Makatotohanan Paliwanag

C. Panuto: Paghambingin ang dalawang mitolohiyang tinalakay sa


pamamagitan ng pagpupuno ng mahahalagang elemento ng bawat isa sa
bawat kolum. Pagkatapos, ipaliwanag sa isang makabuluhang
pangungusap ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito. (12 puntos)

Elemento ng Liongo Maaaring Lumipad ang Tao


Mitolohiya
(Mitolohiyang binasa) (Mitolohiyang binasa)

A. Tauhan

B. Tagpuan
C. Tema

D. Banghay

Paliwanag tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mitolohiya.

*ang mga sagot ay nakadepende sa pasya ng guro

You might also like