You are on page 1of 2

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region VII, Central Visayas


DIVISION OF CEBU PROVINCE
District of San Francisco
ROSALIA N. LUCERNAS ELEMENTARY SCHOOL
Southern Poblacion, San Francisco, Cebu

LINGGUHANG PASULIT SA FILIPINO 6 WEEK 1-4


A. Salungguhitan ang mga pariralang pang-abay na nagsasaad ng panahon sa bawat pangungusap.
1. Ang nanay ay nagluto kaninang umaga ng masarap na dinuguan..
2. Sabay-sabay kaming kumain pagkatapos naming maligo.
3. Ngayong alas tres ng hapon magluluto daw siya ng ginataang mais.
4. Masayang dumating si Pope Francis sa ating bansa.
5. Ang mga tao ay patuloy na nagsisiksikan upang makita si Pope Francis.
6. Sa Apostolic Nunciature laging nagpapahinga si Pope Francis.
7. Hindi man lang napagod sa motorcade si Pope Francis.
8. Kinilabutan ako nang napanood ko sa telebisyon ang pagdating ng Santo Papa.
9. Labis na minamahal ng mga Pilipino ang butihing Santo Papa.
10. Pautal-utal kung magsalita si Bonbon sa klase.

B. Tukuyin kung anong pangkalahatang sanggunian ang tinutukoy.


Diksyunaryo Internet Encyclopedia Atlas Almanac
1. Aklat na talaan ng mga salita na nagbibigay ng kahulugan o depinisyon ng mga ito.Ibinibigay rin ang wastong pagbigkas,
baybay, pagpapantig, bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, at pinanggalingan ng salita. At nakaayos ito ng paalpabeto.
2. Ito ay set ng mga aklat na ginagamit bilang sanggunian sa paghahanap ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang larangan. Ito ay
naglalaman ng malawak at komprehensibong artikulo tungkol sa iba’t ibang paksa.
3. Aklat na taunang talaan o kalendaryo ng mga mahahalagang petsa at datos ng impormasyon na nangyari sa aktuwal na
pagkakataon.
4. Aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya at lokasyon ng lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong-lupa at anyong-tubig
na matatagpuan sa isang lugar. Ito ay nakaayos ayon sa pulitika, rehiyon o estado.
5. Ang ______________ ay ginagamit upang makapagsaliksik gamit ang kompyuter.
C. Basahin nang malakas sa mga bata ang sumusunod na kuwento.
Ang Magkaibigan
Sa isang kagubatan, may magkaibigang ibon at baboy ramo. Hindi matatawaran ang kanilang samahan, ni hindi mo
maihiwalay ang isa sa isa. Palagi sila magkasama saan man sila makita.
Ngunit isang araw, habang naglakad ang dalawa nagkasundo silang pumunta sa gitna ng gubat . Naisipan nilang gawin ito
nang magkahiwalay dahil gusto ni baboy ramo na tumakbo nang mabilis samantalang si ibon naman ay lumipad sa itaas upang
madali silang makaabot sa gitna ng gubat,Ginawa nila ang kanilang napagkasunduan. Tumakbo nang mabilis si baboy ramo sa
loob ng gubat at lumipad naman sa itaas si ibon.
Sa loob ng gubat may ay dalawang mangangaso na kanina pa naghahanap nng mga hayop na babarilin. Nakita nila ang
baboy ramo na papalapit at ang ibon sa itaas.Dali-dali silang pumuwesto at pinuntirya ang dalawang hayop. Sapul sa kanilang bala
ang dalawa, kasabay ng pagbagsak ng ibon ay namatay ang baboy ramo.
Itanong ito ng guro at pasagutan sa mga bata nang malakas.
1. Ano tungkol ang kuwento ?
2. Ano-ano ang mga pangyayaring nabanggit sa kuwento?
3. Ano pa kayang pangyayari ang puwede nating idagdag sa kuwento?
4. Kung kayo ako, anong panuto ang ibibigay ninyo bago basahin ang kuwento?
5. Ano ang pamagat sa kwento?

D. Piliin ang titik at salita ng tamang sagot.


1. Tinaguriang isang milagro ang pagdalaw ni Pope Francis.
a. itinuring b. itanong c. itinakda
2. Nagkaroon ng pagtitipon ng mga pamilya sa Mall Asia.
a. pagsasalusalo b. pagsasama-sama c. paghati-hati
3. Ang Santo Papa ay nagtungo sa Leyte upang pangunahan ang isang misa.
a. nagsimba b. nagsaya c. nagpunta
4. Nag-iwan ng sigla ang pagdalaw ni Pope Francis sa mga Pilipino.
a. kasiyahan b. nagsaya c. nagpunta
5. Tunay na nagdulot ng kapayapaan ang Santo Papa sa bansa.
a. nag-alis b. nag-alay c. nagdala
E. Tingnan ang balangkas at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Lista ng Buwanang Budget ng Pamilya Cruz


I. Kita ng mag-anak buwan-buwan
A. Tatay 24,000 pesos
B. Nanay 18,000 pesos
II. Gastusin ng mag-anak buwan-buwan
A. Alowans ng dalawang anak sa kolihiyo 4,000 pesos
B. Upa ng bahay 3,000 pesos
C. Pagkain 12,000 pesos
D. Gasolina ng sasakyan 4,000 pesos
E. Iba pang gastusin 6,000 pesos
III. Ipon ng mag-anak buwan buwan
A. Impok sa bangko 10,000 pesos
B. Sobra ng kita 3,000 pesos

Sagutan ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano tungkol ang balangkas?
2. Magkano ang kita ng mag-anak na Cruz buwan-buwan?
3. Ano ang may pinakamalaking gastos ng mag-anak na Cruz?
4. Magkano ang naiipon ng mag-anak na Cruz buwan-buwan?
5. Ano ang halag na igagastos sa alowans n

You might also like