You are on page 1of 6

THIRD PERIODICAL TEST IN ESP 10

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at MALI naman kung ang isinasaad ng pahayag ay mali.

_________1. Ang pagmamahal ng Diyos ay sentro ng pananampalataya.


_________2. Nakaplano ang lahat ng ginagawa ng Diyos, patunay ng Kanyang walang hanggang
pagmamahal sa Kanyang mga nilalang.
_________3. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga hindi kanais nais na gawain ng isang tao.
_________4. Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
_________5. Ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos ay ang pagbabago sa kamalayan ng tao.
_________6. Upang mapaunlad ang pagmamahal ng tao sa Diyos, kinakailangang palaging
nakabukas ang kaisipan ng tao sa pagbabago.
_________7. Ang pagsubok ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
_________8. Ang pagmamahal sa Diyos ay nagbibigay pag-asa para banan ang pagsubok sa buhay.
_________9. “Ang Diyos ay pag-ibig at ang buhay ay pag-ibig”, ibig sabihin ay nubuhay ang tao
upang umibig at magmahal sapagkat mula pa sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang
tunay na kahulugan ng pag ibig.
_________10. Sa aklat ng Juan sa Bibliya ay nakasulat doon ang paglikha ng Diyos sa sanlibutan at
ang pagkalikha ng tao nana kawangis ng Diyos.
_________11. Hindi na natin kailangang humingi ng kapatawaran sa pagkakamali natin sa ibang tao
sapagkat mapagmahal ang Diyos at handang magpatawad sa ating mga kasalanan.
_________12. Ang pagmamahal ng Diyos ay walang kinikilingan, ito ay pantaypantay.
_________13. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga masasamang kaisipan at panibughong
nararamdaman sa kapwa.
_________14. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay lunas o kagalingan at pagbabago sa
buhay ng tao.
_________15. Ang buhay ay sagrado at ito ay pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao

PANUTO: Hanapin ang sagot o karugtong ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.
Hanay A Hanay B

_____16. Ito ang nag- uudyok sa iyo upang ikaw ay A. katarungan at pagmamahal
maglingkod sa kapwa ng walang B. Parabula ng Mabuting Samaritano
hinihinging kapalit. C. 1 Corinto 13:4–8
_____17. Ang pakikipag-ugnayan mo sa iba at D.paggalang at pagmamahal
pagbabahagi ng sarili sa iba, ay E. Golden Rule
pagpapakita ng F. Mosias 4:16–24
_____18. Naipakita rito kung sino ang ating kapwa G.Ramon
at kung paano tayo dapat makitungo D. Agapay, 1991
sa ating kanila. H. Pagmamahal
_____19. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay J. epektibong komunikasyon at
pagtanggap
pagtugon sa pangangailangan ng iba na may
_____20. “Hindi dapat tangkaing magpasya kung
karapat-dapat ba o hindi ang isang tao sa
ating tulong”
_____21. “Ang pag- big ay hindi nagkukulang kailanman”
_____22. Kinakailangan ang mga ito sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
_____23. Kailangan ito upang maibigay ang nararapat
sa kapwa na walang iba kundi ang
paggalang sa kanyang
_____24. Nagsabi na, “Nararapat na may kalakip
na paggalang at pagmamahal ang
pakikipagugnayan natin sa ating kapwa.
_____25."Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong
gawin nila sa'yo"

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng plus sign (+) kung ito ay mga angkop na kilos na
nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan at minus sign (-) kung ito ay nagpapakita ng mga paglabag sa
pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.

_____26. Hindi ako matatakot iwasto kapag nilabag ng aking kapwa ang batas. Halimbawa, ang hindi
pagtawid ng tama.
_____27. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa.
_____28. Magsasagawa ako ng clean-up drive sa aking komunidad.
_____29. Susuportahan ko ang mga produktong lokal.
_____30.Nanaisin kong manahimik kaysa magsabi ng totoo.
_____31.Hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang ikinabubuhay nina Ondoy dahil
ninong ko ang tatay niya.
_____32.Pipila ako ng maayos at mahinahon kong antayin ang tawag ko.
_____33.Ipagmamalaki ko sa akong kaibigang banyaga ang mga pagkaing lokal.
_____34.Magtatanim ako ng mga gulay sa mga bakanteng lote sa aming kapaligiran o sa mga
resiklong paso.
_____35.Sinisikap kong maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng
inyong sagot sa patlang.

_____36. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng
isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan?
A. Magdasal para sa pagtaas ng ekonomiya ng bayan.
B. Gagawa ng mga programang ipapatupad ng barangay upang makatulong ng malaki.
C. Lilinisin ng mag-isa ang isang ilog na marumi at sasali sa mga proyektong lilikom ng
pondo para sa ilog.
D. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
_____37. Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.
A. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
B. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
C. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
D. Pagsusunog sa mga basura.
_____38. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan. Ano ang kahulugan nito?
A. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba
B. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan
C. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan
D. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
_____39. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan?
A. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito
B. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran
C. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli sa mga bagong binhi
D. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.
_____40. Paano mo isasagawa ang programang nagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
A. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag multa sa bawat paglabag
B. Hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng proketong pangkalikasan dahil
sila ang may pondo.
C. Gawin ang makakaya na alagaan ang kalikasan kahit sa munting paraan
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang
makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan.
_____41. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. pinagkopyahan at pinagbasehan
B. pinagmulan o pinanggalingan C. kabayanihan at katapangan D. katatagan at kasipagan
_____42. Ang ________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming
bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o
tradisyon.
A. kalayaan
B. katarungan C. patriyotismo D. nasyonalismo
_____43. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan maliban sa:
A. Laging inuuna ang pansariling kapakanan
B. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
C. Pagsulong sa kabutihang panlahat
D. Pagpapahalaga sa buhay
_____44. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
A. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
B. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
C. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
D. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
_____45. Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan?
A. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban tayo ng lipunang kinabibilangan at pamayanang
matitirahan.
B. Dito tinatanggap at iniingatan natin ang ating mga mahal sa buhay upang hubugin ang
ating mga kakayahan.
C. Nakilala tayo ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa ating bayang
sinilangan.
D. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang
ating pagkatao.

_____46. Alin sa mga sumusunod ang pagpapahalagang kailangan linangin ng mga Pilipino sa
pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan?
A. Pagtangkilik ng mga imported na produkto.
B. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.
C. Pagtulong sa kapwa sa harap ng kamera.
D. Pagnanais na kantahin ang pambansang awit ng Pilipinas sa kahit anong paraan.
_____47. Sa anong dimensiyon ng tao nabibilang ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa?
A. Moral C. Pangkatawan
B. Ispiritwal D. Pangkaisipan

Isa si Jana sa mga kabataang pwede nang bumoto. Agad siyang nagparehistro para sa paparating na
halalan. Nang dumating ang araw ng kampanya, kinausap siya ng kanyang mga magulang na ibenta
niya ang kanyang boto upang magkaroon sila ng pambili ng pagkain. Dahil dito nalilito si Jana
kung ano ang kanyang gagawin

_____48. Kung ikaw si Jana, ano ang iyong gagawin?


A. Huwag nalang bumoto.
B. Sundin ang utos ng magulang.
C. Ibenta ang boto sa magkabilang panig.
D. Huwag ibenta ang boto at isagawa ito nang tama.
_____49. Ang pagbenta ba ng boto ay isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan? Bakit?
A. Oo, upang magkaroon ng pera ang pamilya.
B. Oo, dahil hindi naman malalaman ng taong bayan.
C. Hindi, ang layunin ay mali at ang pagboto ay dapat isagawa nang tama.
D. Hindi, dahil ito ay para sa sarili lamang at hindi para sa lahat ng taong bayan.
_____50. Ano ang ibig sabihin ng “Filipino Time”?
A. Kaugaliang pagpasok nang eksaktong minuto sa nakatakdang oras ng okasyon
B. Kaugaliang pagpasok isang oras bago ang nakatakdang oras ng okasyon.
C. Kaugaliang pagpasok ng mahigit isang oras pagkatapos ng nakatakdang oras ng okasyon.
D. Kaugaliang pagpasok ng mga Pilipino na hintaying magsimula ang okasyon bago
pumunta.
_____51. Alin sa mga sumusunod ang sumasagot sa tanong na “Ano ang magagawa ko para sa bayan
at sa kapwa ko?”
A. Tumulong sa kaayusan ng komunidad at sa kapwa
B. Makisama sa mga barkada
C. Pakikiisa sa mga nananawagan ng reporma sa kalye.
D. Paglinis sa dumi sa labas ng bahay

Matalik na magkaiibigan sina Juio at Julia. Naawa si Julia kay Julio dahil palagi siyang
bumabagsak sa kanilang pagsusulit. Isang araw, kinausap ni Julio si Julia na pakopyahin siya nito
sa kanilang mga pagsusulit kapalit ang gusto niyang gamit galing ibang bansa.

_____52. Kung ikaw si Julia, ano ang iyong gagawin?


A. Hindi ako magpapakopya ng anuman kay Julio dahil mali ito.
B. Pagbibigyan ko ang kahilingan ni Julio dahil kaibigan ko siya.
C. Gagawin ko ang sinabi ni Julio ngunit hindi tatanggapin ang kapalit nito.
D.Magagalit ako kay Julio kahit gustong-gusto ko ang kapalit ng pagpapakopya.
_____53. Mali ang pagpapakopya na kahilingan ni Julio, ano pa ang kilos na hindi nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan?
A. Pagpilit kay Julia na gawin ang isang bagay.
B. Paghingi ng tulong kay Julia na may kapalit.
C. Pananamantala ng pagkakaibigan nila ni Julia.
D.Pagtangkilik ni Julia sa mga gamit galing sa ibang bansa.
_____54. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda?
A. Pagtulong at pagsunod sa kanilang tagubilin
B. Pag-iwan sa mga magulang kapag may sarili nang pamilya.
C. Pagtulong sa mga nakatatanda kapag may nakakakita.
D. Paghingi ng payo mula sa mga nakatatanda kapag kinakailangan.
_____55. Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang maipakita ang pagmamahal mo sa
bayan?
A. Mag-aral nang mabuti
B. Sundin lahat ng utos ng magulang
C. Tumulong sa kapwa kapag kiailangan
D. Gawin lahat ng pinapagawa ng guro
_____56. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon.
B. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa kapwa at umaaasang may kapalit.
_____57. Ang kaisipang “Tayong lahat ay magkakasama sa pag-unlad bilang isa.” ay tanda ng ano?
A. Pagiging makasariling mamamayan
B. Pagiging mabuting mamamayan
C. Paggawa ng isang bagay kapag kinakailangan
D. Pagtulong sa iba para sa sariling kapakanan
_____58. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang isang mamamaya ay may pagmamahal sa
bayan?
A. Patuloy na paglakad habang inaawit ang Pambansang awit
B. Pagpasok sa paaralan kapag kinakailangan
C. Pagnakaw sa kaban ng bayan
D. Naglilingkod sa bayan at sa kapwa
_____59. “Ang taong may pinag-aralan ay hindi kailanman gagawa ng anumang paglabag sa batas na
ipinapatupad ng lipunang kinabibilangan.” Ang pangungusap na ito ay
A. Tama, dahil natutuhan niya sa paaralan kung paano gawan ng paraan upang mahanap ang
solusyon sa bawat problema.
B. Tama, dahil gaya ng sinasabi ng karamihan, “ignorance of the law excuses no one”
C. Mali, dahil hindi lahat ng taong may pinag-aralan ay alam ang gagawin upang hanapin
ang solusyon sa problemang kinakaharap.
D.Mali, dahil ang batas ay batas at walang sinuman ang may karapatan upang suwayin ang
mga ito.
_____60. Saan nakapaloob ang mga pagpapahalagang dapat linangin ng mga Pilipino upang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
A. 1988 Konstitusyon ng Pilipinas
B. 2010 Konstitusyon ng Pilipinas
C. 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
D. 1897 Konstitusyon ng Pilipinas

You might also like