You are on page 1of 2

Christian Grace School of Cavite

Gen. Mariano Alvarez, Cavite

ASIGNATURA: FILIPINO
BAITANG: 7

I. PAGLALARAWAN SA ASIGNATURA:
Ang Filipino 7 ay malugod na inaanyayahan ang mga mag-aaral
sa mapanghalinang mundo ng literatura ng Pilipinas. Ang asignaturang ito
ay nakapokus sa pagpapaunlad ng mga kasanayang natamo mula sa
naunang baitang. Gayunpaman, huhubugin din ang mga kasanayang
kinakailangan naman sa susunod na baitang. Alinsunod dito, ang mga mag-
aaral ay matutuhan ang iba’t-ibang panitikang likha ng lokal na mga
manunulat. Ito ay upang linangin ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
iba’t-ibang kultura at sining sa Pilipinas. Bukod dito, ang mga mag-aaral ay
magkakaroon ng komunikatibong kasanayan sa pakikipagtalastasan sa
pagtatapos ng asignatura.

II. PANGKALAHATANG LAYUNIN:


Sa pagtatapos ng taong panuruan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. nabibigyang palagay ang kultura at pagpapahalaga ng mga taga-
Mindanao, Visayas, at Luzon,
2. nakabubuo ng pangungusap gamit ang wastong pahayag sa
pagbibigay ng patunay at paghahambing; salitang batay sa
kontekstuwal na pahiwatig o denotasyon at konotasyon; at retorikal na
pang-ugnay,
3. nabibigyang katwiran ang mahahalagang detalye, mensahe, at
kaisipan ng akda na sumasalamin sa rehiyonal na tradisyon,
4. nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan at naihahambing ang
katangian ng iba’t-ibang panitikan,
5. nauunawaan ang proseso ng pag-uulat,
6. nailalahad ang kahalagahan ng mga akdang likha ng mga Pilipino,
7. nailalagay ang sarili sa katauhan at kalagayan ng mga tauhan, at
8. nakalilikha ng sariling solusyon sa mga suliraning natukoy sa akda.

III. BALANGKAS NG ASIGNATURA:

UNANG MARKAHAN
1. Si Usman, Ang Alipin
Gramatika: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
2. Natalo Rin Si Pilandok
Gramatika: Mga Ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad
3. Tulalang
Gramatika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at
Bunga, Panghihikayat, at Pagpapahayag ng Saloobin
4. Pagislam
Gramatika: Retorikal na Pang-ugnay
5. Ang Mahiwagang Tandang
Gramatika: Pangungusap na Walang Paksa

IKALAWANG MARKAHAN
1. Mga Awiting-Bayan at Bulong Mula sa Kabisayaan
Gramatika: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
2. Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan (046) 410-5901
christiangraceschool@gmail.com
www.facebook.com/christiangraceschool
Christian Grace School of Cavite
Gen. Mariano Alvarez, Cavite

Gramatika: Mga Pahayag sa Paghahambing at Iba Pang Kaantasan ng


Pang-uri
3. Epiko ng Hinilawod
Gramatika: Pagsasalaysay at Paglalahad
4. Si Pinkaw
Gramatika: Mga Pang-uugnay na Ginagamit sa Pagsasalaysay o
Pagsusunod-sunod ng Pangyayari sa Kuwento
5. Ang Nawawalang Kuwintas
Gramatika: Sukat, Tugma, at Talinghaga sa Tula

IKATLONG MARKAHAN
1. Ang Sariling Wika
Gramatika: Ponemang Suprasegmental
2. Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
Gramatika: Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari at Iba
pang Panandang Pantalakayan
3. Ang Alamat ng Bulkang Mayon
Gramatika: Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas
4. Ang Ningning at ang Liwanag
Gramatika: Mga Pahayag sa Paghihinuha ng mga Pangyayari
5. Jesse Robredo: Kayamanan at Karangalan ng Naga

IKAAPAT NA MARKAHAN
1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna at Mahahalagang
Tauhan
2. Ang Pagkahuli sa Ibong Adarna at ang Unang Pagtataksil Kay Don
Juan
3. Ang Muling Pagtataksil Kay Don Juan at ang Pagtaspo ng Pag-ibig sa
Bundok Armenya
4. Ang Pagtungo at mga Hamong Kinaharap ni Don Juan sa Reyno de los
Cristales
5. Ang Pagtakas Nina Don Juan at Donya Maria Hanggang sa
Pagwawakas

IV. MGA ESTRATEHIYA:


1. Lecture/Discussion
2. Inquiry Method
3. Collaborative Learning
4. Experiential Learning
5. Task-based Learning

V. MGA SANGGUNIAN:
Julian, A.B., Lontoc N.S., & Jose, C.E. (2018). Pinagyamang Pluma
Ikalawang Edisyon, Teachers Wraparound Edition Grade 7. Quezon
City: Phoenix Publishing House, Inc.

INIHANDA NI:

APRIL EUNICE D. QUINTERO, LPT

(046) 410-5901
christiangraceschool@gmail.com
www.facebook.com/christiangraceschool

You might also like