You are on page 1of 1

Marami ang bumilib at naantig ang puso sa kwento ni Ross na nakapagtapos bilang cùm laude sa

kursong Bachelor of Science in Agri Business Management and Entrepreneur sa Polytechnic University of
the Philippines sa Lopez, Quezon kamakailan.

Sa kanyang kwento, inalay ni Ross ang kanyang tagumpay sa amang si Rosauro Mercurio o mas kilala
bilang “Totoy.”

Ang ama ni Ross ay isang PWD, ngunit kahit ganun ay naitaguyod pa rin niya ang kanyang pamilya sa
pamamagitan ng pangangalakal. "Katas ng Kalakal... Una sa lahat maraming salamat sa aking mga
magulang sa walang sawang paggabay at pagsuporta sakin para ako ay makatapos sa pag-aaral. Lalong
lalo na sa aking huwarang ama na laging andyan para sa aming pamilya na ginagawa ang lahat para
maitaguyod kaming magkakapatid para makatapos sa pag-aaral na sa kabila ng kanyang pagiging senior
citizen at kapansanan ay hindi ito naging hadlang para sumuko, hindi nagpapahinga para maibigay ang
pangangailangan ng aming pamilya kahit araw ng linggo andyan sa lansangan naghahanap buhay,
minsan inaabot ng init at ulan sa lansangan pero hindi kailanman naisip na sumuko," ang bahagi ng
kwento ni Ross. Ngayon nakapagtapos na si Ross, handa na siyang suklian ang mga paghihirap at
sakripisyo ng kanyang ama. "Pa, this is it! Sobrang proud ako kasi naitaguyod mo kaming magkakapatid
sa kabila ng iyong edad at kapansanan hindi ito naging hadlang para matustusan ang pag-aaral naming
magkakapatid. Sa loob ng 17 years ko na pag-aaral, nasaksihan ko lahat ng pagod at hirap na
pinagdaanan natin kaya sobrang proud ako sa'yo pa," ani Ross para sa ama na tanging edukasyon ang
maipamamana sa kanila. Kaya dito sa kwento si Ross makikita natin na hindi sagabal ang paghihirap at
sakit upang makamit natin ang tagumpay ng ating buhay.

You might also like