You are on page 1of 2

Good day everyone!

Ang i-didiscuss ko ngayon ay ang emergence of ROLE STRAIN o ROLE CONFLICT.

First let’s discuss about ROLE.

What is role?

- Sa previous lesson, the interactionist social theory said that the role is crucial, fixed,
ascribed, and prescribed. Well, dito sa i-ddiscuss ko sainyo, ang “role” ay tumutukoy sa
responsibility or tungkulin at yung mga inaasahan ng isang tao sa isang partikular na
sitwasyon o trabaho.

Para mas lalo pa nating maintindihan, halimbawa nalang ako at kayo, ang role natin sa
eskwelahan ay ang maging estudyante. Tungkulin natin na mag-aral at makinig sa teacher or
professor. At si (Mam/Sir) naman, ang tungkulin niya sa eskwelahan ay ang magturo at i-
guide ang tayong mga estudyante.

Isa pang halimbawa ng role ay yung mga batang naglalaro ng magisa, minsan dahil sa wala
silang kalaro, gumagawa sila ng panibagong role para maging interactive ang paglalaro nila,
this statement supports the idea of George Herbert Mead in his theory of Social
Behaviorism. Sa kung saan, naniniwala siya na ang self image ng isang tao ay nakukuha natin
o na-aadapt natin sa ating environment. Kagaya ng mga batang naglalaro magisa, nagagaya
nila sa mga matatanda ang mga role na ginagawa nila.

Ngayon na meron na kayong idea sa kung anong meaning ng role, ang i-sshare ko naman
sainyo ay ang role strain o yung tinatawag na role conflict.

(If gusto mo ng medyo interactive, or magtanong sa mga classmates mo, isingit mo nalang
to)
- From the word Role Conflict, may idea ba kayo kung anong ibig sabihin?
(If ever na may sumagot: lahat ng sagot niyo ay malalaman natin kung tama after ng
discussion)

(Proceed ka na dito kung gusto mo naman na smooth lang ang discussion)

- From the word role conflict o ang role strain, ang mapapansin natin kaagad is yung word na
‘conflict', which means pagkakagulo o hindi pagkakaintindihan. So that means ang ibig
sabihin ng Role Conflict o Role Strain, ay ang hindi pagkakaintindihan sa tungkulin o role na
ginagampanan ng isang tao.

Paano ba natin malalaman na nagkakaroon na pala ng conflict ang role ng bawat isa saatin?
Let’s take a look at the diagram above, ang pinapakita dyan ay ang pag ooverlapping o ang
pagpapatong patong ng role na incompatible sa isa’t isa. Makikita niyo na halimbawa dyan
sa diagram, kunware tayo, working student at syempre, anak ka rin sa inyong mga
magulang. Paano kung yung nanay mo may sakit? Paano kung kailangan ka noya sa ospital
pero kailangan mo rin mag-aral sa exam and at the same time pinapatawag ka rin ng boss
mo sa trabaho dahil may emergency? Paano kung lahat ng role mo sabay sabay na kailangan
mong gampanan? Kung nararanasan mo ang mga gantong sitwasyon, magsisimula na ang
mga conflicts and yung nararamsan mo ngayon ay ang ating lesson na Role Conflict o ang
tinatawag din nating Role Strain.

At doon na po nagtatapos ang aking discussion about the emergence of Role Strain o Role
Conflict.

You might also like