You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting
paglilingkod ng mga namumuno sa pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay at pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi ng sariling

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa


pagsulong ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad

Pagpapahalaga: Nagpapakita kung paano mapanatiling malinis at maayos ang komunidad.

Kasanayang pampagkatuto:
Sa Pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang pansariling tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Pansariling Tungkulin sa Pangangalaga ng Kapaligiran
B. Kagamitan:
PowerPoint Presentation, cartolina, at white board

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral

I. PANIMULANG GAWAIN

A. Panalangin

(opsyonal)
Bago tayo mag simula sa hapong ito, manalangin muna
tayo. Sa oras ng asignaturang filipino, magkakaroon tayo
ng mamumuno ng panalangin. Magsimula tayo sa hanay
na ito.

Sige po, John Rey punta ka na po rito sa harapan. (pupunta sa unahan ang mag-aaral)

Handa na ba ang lahat para sa panalangin? Handa na po, binibini!

Maaari ka nang mag-umpisa, John Rey. (mananalangin na si John Rey)

Magandang araw, sa inyong lahat! Magandang araw din po, binibini!

(opsyonal)
Bago kayo umupo, pakipulot muna ng mga basura sa
inyong paligid at pakilagay muna sa bulsa at itapon na lang
mamaya pagkatapos ng klase. Panatilihin natin ang
kalinisan sa ating silid aralan. (pupulutin ang mga basura sa paligid)

Pakiayos din ng pagkakahanay ng mga upuan. (aayusin ang pagkakahanay ng mga upuan)
Maaari na kayong umupo. Maraming Salamat po, binibini!

B. Pagtatala ng liban

1
Bago tayo magpatuloy, maaari ko po bang malaman kung
sino ang lumiban o mga lumiban sa araw na ito?

C. Pagganyak

Bilang isang bata, ano ang ginagawa ninyo upang Nagrutulong tulong kami na mapanatiling malinis
maipakita ang pagmamalasakit sa ating kapaligiran? at maayos ang aming kapaligiran.

Bakit ninyo kinakailangan magpakita ng pagmamalasakit sa Mahalaga ang pangangalaga at pagpapahalaga sa


ating kapaligiran? kapaligiran dahil nakakaapekto ito sa paraan ng
pamumuhay natin kasama na ang kalusugan. Ito
rin ang ating ginagalawan, at malaki ang
ginagampanan ng ating kalikasan.

Ano kaya ang mangyayari kung patuloy ninyong Kung saan, kapag napabayaan ito maaaring
papabayaan ang ang ating kapaligiran? mawala ito ng tuluyan.

Ano naman ang mangayayari kung mapanatiling maayos at At kung malinis ang kapaligiran, maiiwasan nito
malinis ang inyong kapaligiran? ang pagkakaroon ng pagkakasakit.
Responsibilidad ito na binigay ng Diyos satin.  

II. PORMAL NA PAGTALAKAY

A. Paglalahad ng paksa

Mga Paraan na Dapat Gawin bilang isang Bata.

B. Talakayan

1. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan at hindi sa


kung saan-saan lamang.
2. Paghibiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na inyong
basura.
3. Pagpulot ng mga kalat kahit ito ay hindi sa iyo.
4. Pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman sa paligid.
5. Pakikibahagi sa mga Gawain at proyektong
nangangalaga sa kapaligiran gaya ng pagtatanim at
oag-aalaga sa mga halaman at mga puno.
6. Pagdidilig ng inyong halaman sa bahay.
7. Pag-iwas sa pagpitas ng mga bulaklak at mga dahoon
sa kapaligiran.
8. Pagtulong sa paglinis ng iyong paaralan at
pamayanan.
9. Paghihikayat sa iyong magulang na magdala na
lamang ng eco-bag sa pamilihan sa halip na gumamit
ng plastic sa pamimili.
10. Hindi nagpapadumi sa alagang aso o pusa kung saan-
saan.
11. Pagwsawalis ng mga tuyong dahan araw-araw sa
inyong bakuran.

2
C. Paglalapat

Bakit kinakailangan gampanan ang tungkulin ninyo bilang Kinakailangan itong gampanan sapagkat ito ang
isang bata, sa pangangalaga ng inyong kapaligiran? ating ginagalawan pang-araw araw.

Ano ang kinakailangan niyo upang magawa ito? Bakit? Maging responsiblel, dahil ito ang isa sa mga susi
na makakapag-angat sa ating komunidad.

D. Paglalahat

Bilang isang bata, paano mo magagampanan ang iyong Gawin kung ano ang dapat agt tama.
tungkulin na mapanatiling maayos at malinis ng inyong Hikayatin ang ibang kaklase o kalaro na maglinis
kapaligiran? at pangalagaan sa tamang pamamaraan ang
kapaligiran.

Ano ao ang mga hakbang sa pangangalaga ng kapaligiran? 1. Pagtatapon ng basura sa tamang lagayan at
hindi sa kung saan-saan lamang.
2. Paghibiwalay ng nabubulok at di-nabubulok
na inyong basura.
3. Pagpulot ng mga kalat kahit ito ay hindi sa
iyo.
4. Pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman
sa paligid.
5. Pakikibahagi sa mga Gawain at proyektong
nangangalaga sa kapaligiran gaya ng
pagtatanim at oag-aalaga sa mga halaman at
mga puno.
6. Pagdidilig ng inyong halaman sa bahay.
7. Pag-iwas sa pagpitas ng mga bulaklak at
mga dahoon sa kapaligiran.
8. Pagtulong sa paglinis ng iyong paaralan at
pamayanan.
9. Paghihikayat sa iyong magulang na magdala
na lamang ng eco-bag sa pamilihan sa halip
na gumamit ng plastic sa pamimili.
10. Hindi nagpapadumi sa alagang aso o pusa
kung saan-saan.
11. Pagwsawalis ng mga tuyong dahan araw-
araw sa inyong bakuran.

E. Pagpapahalaga at pangwakas na gawain

Gawain: Tama o Mali


Panuto: Isuat ang Tama kung ang sinasabi ng pangungusap
ay makatutulong sa kapaligiran at isulat ang Mali kung ito
ay hindi makatutulong.

1. Magtanim ng maraming puno sa mga bakanteng lupa. 1. Tama


2. Magtapon ng basura sa ilog. 2. Mali
3. Magwalis at maglinis ng bakuran araw-araw. 3. Tama
4. Hulihin ang mga ibon at ikulong sa hawla. 4. Mali
5. Bigyan ng tamang pagkain at tubig ang alagang 5. Tama
hayop sa bahay. 6. Mali
6. Paluin ng kahoy ang ason dumadaan sa kalsada. 7. Tama
7. Paghiwalayin ang basura sa di-nabubulok at 8. Mali
nabubulok. 9. Tama
10. Tama

3
8. Putulin ang mga puno upang gawing kahoy na
panggatong sa kalan
9. Alagaang mabuti at diligan ang halaman sa bakuran.
10. Sikaping linisin ang bakuran araw-araw.

Ginawa ni:
NYCA P. POSTRADO

Ipinasa kay:
MS. KATHARINE JOY E. GATURIAN

You might also like