You are on page 1of 1

RODRIGO PEPAÑO JR.

BEED-III BLOCK 15

GAWAIN 4:

1. Gumawa ng 3 sariling halimbawa ng salawikain.

Kung ano ang hindi mo gusto,

Huwag gawin sa iba

Kung ano ang iyong inutang

Ay siya ring kabayaran

KAHULUGAN: kung gusto mo na respetuhin at maging mabuti sa iyo ang mga tao, mauna ka na
magpakita ng respeto at magandang asal at tiyak na susuklian din nila ito ng mabuting intensyon.

Mansiyon man ang bahay mo

Asal ka namang hunyango

Mabuti pa ang bahay mo ay kawayan

Kung maasahan ka sa lahat ng bayanihan

KAHULUGAN: hindi dapat hinahayaan ng tao na mabago ng pera ang kanyang ugali. Mahirap man o
mayaman, dapat matutong magpakumbaba.

2. Kahalagahan ng salawikain sa pagtuturo sa Elementarya.

Ang mga salawikain ay binubuo ng mga taludtod, mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon
namang hindi. Ito ay na-aayon sa opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat nito.

Nag-iiwan ito ng aral at pilosopiya sa bawat magbabasa. Ang mga ibang kasabihan ay naging bahagi na
ng ating kulturang pangwika, lalo na yong mga sinulat at binigkas ng mga dakila nating mga bayani at
mga batikang manunulat. Marami sa mga ito ay karaniwan na nating nababasa sa mga aklat at ginagamit
bilang pampakulay sa mga pananalita. Mahalaga ang salawikain sa buhay ng isang Pilipino.

You might also like