You are on page 1of 1

PROBLEMA NG KASALUKUYANG EDUKASYON

Sa kasalukuyan ang pangunahing suliranin kinakaharap ay ang kalidad ng edukasyon. Marami pa rin sa
ngayon ang nag-aaral sa pampublikong paaralan dahil sa kahirapan. Ang edukasyon ay mahalaga sa
kabataang Pilipino dahil ito ay susi sa pagkamit ng kanilang pangarap at dahil sa kahirapan, maraming
estudyante ang nag-aaral sa pampublikong paaralan. Ngunit marami pa ring problemang kinakaharap sa
edukasyon ng bansa gaya ng kakulangan ng pondo ng gobyerno at dahil dito, nagkukulang sa mga guro,
silid-paaralan, mga kagamitan tulad ng mga libro, pasilidad at ibang pangangailangan. Kaugnay nito,
karamihan sa kabataan ang hindi nakakapagtatapos sa kanilang pag-aaral. Pero hindi ito nagiging
hadlang sa isang estudyanteng pursigidong mag-aral kaya pinagbubutihan nya ang pag-aaral nya para
makakuha ng scholarship.

POSSIBLE SCENES:

I. USING VIDEO CLIPS

Documentary gamit ang voiceover narration habang pinaplay ang video clips:

1. Video sa mga public school na pinapakita na maraming nag-aaral na estudyante.


2. Clips na kulang ang classroom at pasilidad.
3. Clips na nagpapakita ng mahihirap na estudyante na kulang sa baon, walang pamasahe sa
eskwelahan gaya ng Reporter’s Notebook.
4. News clips na nagpapakita na kulang ang mga guro lalo na liblib na lugar.
5. Clips na nagpapakita ng pag-travel ng estudyante sa malayong paaralan.

II. REENACTMENT NG SCENES (walang dialogue)

Nagpapakita ng struggles ng estudyante gaya ng paglalakad papuntang eskwelahan dahil walang


pamasahe, wala o kulang sa gamit (notebook o libro) at nanghihiram sa kaklase, kahit gutom at
nababasa sa ulan. Ipapakita ang pagpupursigi ng estudyante sa pag-aaral at nakakuha ng mataas ng
grades. Ipakita na nakatanggap sya ng sulat ng scholarship. (SA ENDING NG VIDEO, ipakita na nagsuot ng
corporate attire ang estudyante na nakapagtapos at nagtratrabaho na sa magandang kumpanya).

III. COMBINATION OF VIDEO CLIPS AT REENACTMENT NG SCENES

CONCLUSION: Hindi handlang ang kahirapan upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.

You might also like