You are on page 1of 2

Imogen Santos

STEM 18

Pagsulong ng DepEd sa paglilimita ng ugnayang guro at mag-aaral sa labas ng klase.

Simula nang maibalik ang face to face na klase, hindi na naubusan ang mga reklamo tungkol sa malapit
na pakikipag-ugnayan ng mga guro sa kanilang estudyante. Dahil sa mga reklamo at viral posts sa social
media tungkol sa isyung ito, naglunsad ang DepEd ng panibagong utos sa mga guro upang patatagin ang
propesyunalismo sa loob ng eskwelahan. Dahil dito, ipinagbabawal na kausapin ang mga estudyante sa
labas ng paaralan o kahit sa iba’t ibang social media platforms.

Bilang isang magaaral, sumasang ayon ako sa paglulunsad ng batas na ito. Noong nasimulan ang online
modality of learning, hindi maitatanggi na ang relasyon ng mga guro at estudyante ay mas napalapit,
dahil malaya na nakakapag-usap sila online. Dahil sa malapit na ugnayan ng mga propesyunal sa
eskwelahan at mga mag-aaral, nagkakaroon ng paboritismo sa loob ng silid. Ayon sa DepEd Order 49 na
naipasa noong Nobyembre 2, 2022, ang paglulunsad ng batas na ito ay upang makatiyak na gagawin ng
mga guro ang kanilang mga responsibilidad ng may paggalang at pagiging patas. Marami ang hindi
sumasang ayon sa batas na ito dahil ipinag-babawal raw nitong batas ang maayos at malapit na pag
kakaibigan ng mga guro at masyado malawak ang sakop ng batas na ito, ngunit hindi naman pinipigilan
ng batas na ito na makipag-kaibigan ang mga guro sa mga estudyante. Linalagay lamang sa tama at
binibigyang sapat na hangganan ang pakikipag-ugnayan ng mga ito.

Sa kabuuan, malaki ang maitutulong ng pagiimplementa ng DepEd Order No. 49 S 2022. Dapat ayusin ng
gobyerno ang pagpapatupad nito upang hindi maging mali ang pagkakahulugan nito sa iba. Dapat
lamang na itatag natin muli ang propesyunalismo sa loob ng eskwelahan upang mas maging patas ang
pagkakataon ng mga estudyanye sa eskwelahan.
Najera, N. C., & Gearlan, A. A. (2021). Phenomenologizing the Leadership Practices of the Selected
School Heads in the Philippines. Journal of Educational Management and Leadership, 2(1), 1-9.

https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2022/11/DO_s2022_049.pdf

You might also like