You are on page 1of 9

Page 224 of 349

PIVOT 4A BUDGET OF WORK IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

A. Mga Katangian/Salik

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isa sa mga asignatura na isinusulong ng


Kagawaran ng Edukasyon na naglalayon na linangin at paunlarin ang pagkataong
etikal ng bawat Pilipinong mag-aaral. Ito ay nakabatay sa Pilosopiyang
Personalismo at sa Etika ng Kabutihang Asal. Lubhang mahalaga at kailangan ang
asignaturang ito upang turuan at hubugin ang mga mag-aaral sa pagpapasya at
pagkilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Nagsisilbi itong
gabay sa payapa at maunlad nilang pamumuhay.

Ang tunguhin o ”outcome” ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang


panlahatang pag–unlad taglay ang mga kasanayan sa ika–dalawampu’t isang
siglo. Taglay ito ng isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang
pangkaalaman, pandamdamin at pangkaasalan na magbibigay sa kanya ng
kakayahan upang mamuhay at magtrabaho; malinang ang kanyang mga
potensiyal; magpasiya nang mapanuri at batay sa impormasyon; makakilos
nang epektibo sa lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang
mapabuti ang uri ng kanyang pamumuhay at ng kanyang lipunan (CG, 2016).

Hinuhubog sa asignaturang ito ang limang pangunahing kakayahan


(macro skills): pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos
upang magabayan ang mag-aaral na mahanap ang kabuluhan ng kanyang buhay
at magampanan ang mahalagang papel sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral
ang kototohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal.

Ang mga sumusunod ay ang apat na pangunahing kakayahang nililinang


sa bawat antas at markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP): Unang
Markahan– Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya,
Ikalawang Markahan- Pakikipagkapwa-tao, Ikatlong Markahan-Paggawa Tungo
sa Pambansang Pag- unlad at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa
at Ikaapat na Markahan- Pananalig at Pagmamahal sa Diyos at Paninidigan sa
Kabutihan. Ito ay nakabatay sa pagkakasunud-sunod ng paksa sa iba pang
asignatura sa kurikulum.

Upang matugunan ang maayos na daloy ng paglinang ng kaalaman at


kasanayan ng mga bata tungo sa pagkamit ng tunguhin ng ESP, ang sangay ng
rehiyon ay gumawa ng badyet ng mga aralin. Ang Badyet ng mga Aralin sa
Edukasyon sa Pagpapakatao ay ginawa upang mabigyan ang mga guro ng
madaling paraan ng pagsasakatuparan ng pamantayang pagkatuto at mapagaan
ang sistema ng pagtuturo na hango sa gabay pangkurikulum. Ito ay balangkas
ng mga aralin hango sa pinaunlad na programa ng Batayang Edukasyon na K to
12 na gagabay at huhubog sa mga mag-aaral. Kasabay nito ang pagsasaalang-
alang sa tunguhin na ang mga mag-aaral ay nagpapasya at kumikilos nang
mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat.

Ito ang tugon sa pangangailangan ng mga guro sa pagtuturo ng


Edukasyon sa Pagpapakatao(EsP). Magsisilbi itong mahalagang kagamitan at
patnubay sa kanilang pagtuturo na magbubukas ng kanilang malikhaing kaisipan
sa pagpaplano ng mga makabuluhang gawain upang patuloy na linangin at
isagawa ng bawat mag-aaral ang pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan
at Makabansa.

Ang PIVOT 4A Badyet ng Aralin ay magiging matibay na batayan sa


pagkuha ng datos ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ito rin ang
magsisilbing
gabay ng mga kinauukulan sa pagpaplano ng kinakailangang interbensyon sa
susunod na markahan.

B. Paraan ng Paggamit ng Badyet ng Aralin

Ang Badyet ng Aralin ay binubuo ng apat na hanay ang bawat hanay


ay nagsasaad ng mahalagang detalye na dapat malaman ng guro sa
kanyang pagpaplano o pagsasagawa ng aralin. Ang sumusunod ang paraan ng
paggamit ng badyet ng aralin.

1. Gamitin ang PIVOT 4A Badyet ng Aralin upang malaman ang mga


pamantayan sa pagkatuto na dapat ituro sa bawat antas at markahan.

2. Tingnan ang pangalawang hanay upang malaman ang kabuuang bilang ng


pinakamahalagang pamantayan sa pagkatuto na dapat ituro sa bawat
markahan. Nilalaman din ng ikalawang hanay na ito ang pagkakasunud-
sunod ng bilang ng ituturong kompetensi sa bawat markahan.
3. Sa ikatlong hanay ay matatagpuan ang mga tiyak na pamantayan sa
pagkatuto na hango sa Gabay Pangkurikulum ng EsP at ang naitakdang
“Most Essential Learning Competencies”na kinakailangan maisakatuparan ng
bawat guro. NIlalaman din nito ang mga kasanayang “enabling skills” na may
tanda ng ibang kulay na maaring gamitin ng guro para sa lubos na
pagkatuto ng mga bata.

4. Sa ika-apat na hanay makikita ang bilang ng araw na nakalaan upang


ituro ang bawat pamantayan sa pagkatuto na nasa ikatlong hanay. Sa
elementarya, ang limang araw na nakalaan sa bawat linggo na makikita sa
unang hanay ay tumutukoy sa limang araw na pagproseso ng bertud na
dapat malinang sa mga bata. Inaasahang na magamit ang 5 proseso:
pag- unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos upang
lubos na mapalalim ang kaasalan ng bawat bata.
5. Tandaan sa bawat markahan ay mayroong kabuuang bilang ng araw na
nakalaan sa pagtuturo ng lahat ng pamantayan sa pagkatuto na
inaasahan makamit sa itinakda ng badyet ng aralin.

clmd/aae
BAITANG 5 – EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP)

Pinakamahalang Bilang
Markahan Pamantayan sa Pagkatuto
Pamantayan sa ng Araw
Pagkatuto
Unang
Markahan
Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga:
a. balitang napakinggan
1 5
b. patalastas na nabasa/narinig
c. napanood na programang pantelebisyon
d. nabasa sa internet
Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at
miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napapakinggan at napapanood
a. dyaryo
2 b. magasin 5
c. radyo
d. telebisyon
e. pelikula
f. Internet
Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin
sa pag-aaral
a. pakikinig
b. pakikilahok sa pangkatang gawain
c. pakikipagtalakayan
3 5
d. pagtatanong
e. paggawa ng proyekto (gamit ang anumang
technology tools)
f. paggawa ng takdang-aralin
g. pagtuturo sa iba
Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga
proyektong pampaaralan
4 5
Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri
ng paggawa
Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa
pagtatapos ng gawain
Nakapagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa/ pagsuri ng
mga aklat at magasin
5 5
a. nagbabasa ng diyaryo araw-araw
b. nakikinig/nanonood sa telebisyon sa mga
“Update” o bagong kaalaman
c. nagsasaliksik ng mga artikulo sa internet
Ikalawang
Markahan
Nakapagsisimula ng pamumuno para makapagbigay ng
kayang tulong para sa nangangailangan
6 a. biktima ng kalamidad 10
b. pagbibigay ng babala/impormasyon kung
may bagyo, baha, sunog, lindol, at iba pa
Nakapagbibigay-alam sa kinauukulan tungkol sa
kaguluhan, at iba pa (pagmamalasakit sa kapwa na 5
sinasaktan/kinukutya/binubully)
Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa
pamamagitan ng:
7
a. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo
at mga dayuhan 5
b. paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala
ng mga katutubo at dayuhang kakaiba
sa kinagisnan
Nakabubuo at nakapagpapahayag nang may paggalang
sa anumang ideya/opinion
8 5
Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa
kabutihan ng kapwa
9 Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba 5
Pinakamahalang Bilang
Markahan Pamantayan sa Pagkatuto
Pamantayan sa ng Araw
Pagkatuto
Nakikilahok sa mga patimpalak o paligsahan na ang
layunin ay pakikipagkaibigan
Nagagampanan nang buong husay ang anumang
10 tungkulin sa programa o proyekto gamit ang anumang 5
teknolohiya sa paaralan
Ikatlong
Markahan
Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang
Pilipino
11 a. nakikisama sa kapwa Pilipino 5
b. tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong
c. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng
mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang
12 multimedia o teknolohiya 5
Napananatili ang pagkamabuting mamamayang Pilipino
sa pamamagitan ng pakikilahok
Nakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya
para sa kaligtasan
Hal.
13 5
a. paalala para sa mga panoorin at babasahin
b. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat
sa sunog at paalaala kung may kalamidad
Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng
pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran
a. pagiging mapanagutan
b. pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan
14 ng pakikiisa sa mga programang 5
pangkapaligiran
Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang
pangangailangan
a. pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing
nakasisira sa kapaligiran
Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng
pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapanatili ng
kapayapaan
15 5
a. paggalang sa karapatang pantao
b. paggalang sa opinyon ng iba
c. paggalang sa ideya ng iba
Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng
mga batas para sa kabutihan ng lahat
a. pangkalinisan
16 b. pangkaligtasan 5
c. pangkalusugan
d. pangkapayapaan
e. pangkalikasan
Nakagagawa ng isang proyekto gamit ang iba’t ibang
multimedia at technology tools sa pagpapatupad ng mga
17 batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan at kapayapaan 5
Nakikiisa nang buong tapat sa mga gawaing nakatutulong
sa bansa at daigdig
Ikaapat na
Markahan
Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa
tulad ng:
18 5
a. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at
sa kinabibilangang pamayanan
b. pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
19 c. pagkalinga at pagtulong sa kapwa 5
Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng
20 5
pasasalamat sa Diyos

You might also like