You are on page 1of 1

(Basahin ang magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.

Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan


Oktubre 31, 2021
KASAYSAYAN NG BIBLIA
SI EL At Si Samuel
(Batay sa 1 Samuel 1-3)

Ang Tabernakulo o toldang pinagsasambahan ng mga Israelita noong sila'y


pinangungunahan pa ng mga hukom ay nasa dako ng Silo. Ang nangangasiwa
noon sa bahay ng Panginoon ay si Eli na hukom at saserdote o nangunguna sa
mga pagsamba ng Israel sa Diyos.
Nang mga panahong iyon ay may isang Israelita na ang pangalan ay Ana. Siya
ay asawa ni Elcana. Si Ana ay laging malungkot dahil hindi siya magkaanak.
Minsan, siya ay nagpunta sa Tabernakulo para manalangin. Habang umiiyak ay
buong puso siyang nanalangin sa Diyos. Ang sabi niya, "Diyos na
Makapangyarihan sa lahat, kung diringgin ninyo ang inyong abang alipin at
kahahabaran, kung hindi ninyo ako pababayaan bagkus ay pagkakalooban ng
isang anak na lalake, ihahandog ko siya sa inyo habang siya'y nabubuhay ..."
Nagkataong nakaupo sa may pintuan ng Tabernakulo si Eli. Nakita niya si Ana
habang nananalangin ito. Kumikilos ang mga labi ni Ana pero hindi naririnig ang
kaniyang sinasabi dahil siya'y nananalanging pansarili. Napagkamalan ni Eli na
siya'y lasing kaya, lumapit ito at sinabi, "Tama na 'yan. Umuwi ka muna! Matulog
ka para mawala ang pagkalasing mo!" Sumagot si Ana, "Hindi po ako lasing. Ni
hindi po ako tumitikim ng alak ... idinudulog ko lamang sa Panginoon ang aking
kalagayan." Dahil dito, sinabi ni Eli, "Magpatuloy kang mapayapa at nawa'y
ipagkaloob ng Diyos ng Israel ang iyong hinihingi."
Dininig nga ng Diyos ang dalangin ni Ana. Nanganak siya ng isang sanggol na
lalake. Ang ipinangalan niya rito ay Samuel-katumbas ng hiningi sa Panginoong
Diyos." Nang medyo malaki na si Samuel ay dinala siya ni Ana sa Silo at
inihandog sa Panginoon. Iniwan niya roon ang bata sa pangangasiwa ni Eli upang
maglingkod sa Diyos habambuhay.
Lumaki si Samuel na naging kasiya-siya sa Diyos at kinagiliwan ng mga tao.
Kabaligtaran siya ng mga anak ni Eli na mga lapastangan o walang galang at
walang takot sa Diyos. Dahil sa bigat ng kasalanan ng mga ito ay sinabi ng Diyos
kay Eli na mamamatay sila at ang kaniyang angkan.
Sa pangunguna ni Eli, si Samuel ay patuloy na naglingkod sa Diyos. Nang
panahong iyon, bihira nang marinig ng mga tao ang tinig ng Diyos; bihira na rin
ang mga pangitain. Minsan, habang natutulog si Samuel at si Eli naman ay
namamahinga, ay tinawag ng Panginoon si Samuel: "Samuel, Samuel!" "Po,"
sagot niya. Patakbong lumapit si Samuel kay Eli at sinabi, "Bakit po?" Sinabi ni
Eli, "Hindi kita tinatawag. Mahiga ka na uli." Nagbalik nga si Samuel sa kaniyang
higaan. Tatlong ulit siyang tinawag ng Panginoon, pero dahil inakala ni Samuel
na si Eli lang ang tumatawag sa kaniya kaya tatlong ulit din siyang nagpunta rito.
Sa ikatlong pagtawag kay Samuel ay naisip ni Eli na ang Diyos ang tumatawag
dito: kaya, ibinilin niya kay Samuel na kapag narinig niyang muli ang pagtawag ay
sabihin niyang. "Magsalita po kayo, nakikinig ang inyong lingkod." Nang
tumawag muli ang Panginoon, sinunod ni Samuel ang bilin ni Eli.
Mula noon, ang Diyos ay lagi nang nakikipag-usap kay Samuel hanggang sa
malaman ng buong bayang Israel na si Samuel ang pinili ng Diyos upang maging
Kaniyang propeta, sa halip na ang mga anak ni Eli.
Dapat nating matutuhan sa kasaysayang ito ni Samuel na ang Diyos ay
nagbibigay ng biyaya sa mga kalugud-lugod sa kaniya, gaya ni Samuel, at
nagpaparusa naman sa mga lapastangan at walang takot sa kaniya.

You might also like