You are on page 1of 1

Elias: Anim na pung taon ang nakakaraan nang maglingkod ang aking nuno sa bahay ng isang

mangangalakal na kastila. Isang gabi, nasunog ang bahay.

Elias: Ang sunog ay nakatupok ng malaking halaga. Hinanap ang may sala at ang aking nuno ang siyang
isinakdal.

Elias: Nagkasakit siya at nang gumaling ay namundok sila. Nanganak ang babae ngunit namatay ang
sanggol. Ilang buwang lumipas, nagbigti siya nang hindi na niya matiis ang kanyang kasawian.

Elias: Ilang buwan din ay nanganak ng sanggol na lalaki ang asawa. Ang panganay na anak ay tinawag na
Balat na kilalang kilabot. Ang ina ay nakilala sa tawag na Delingkuwente at napalo. Ang bunso dahil sa
mabait ay tinawag lamang na anak ng ina. Isang araw, nakita ng anak ang ina na patay na. Sinundan niya
ang mga mata nito at nakita nito ang pugot na ulo ng kanyang kapatid. -close curtain-

Elias:Tumakas siya at napadpad sa Tayabas. Umibig siya sa anak ng isang mayaman. Nabuntis ang babae
at nanganak ng kambal ngunit agad rin siyang binawian ng buhay. At isa sa kambal na iyon ay ako.
Masaya kaming namuhay ng aking kapatid at siya’y ikakasal na sana ngunit nalaman ang tunay na
pagkatao ng aking ama. Iniwan ng lalaki ang aking kapatid at nagpakasal sa iba. Nakilala namin ang
aming ama ngunit siya’y namatay rin. Naging malungkot ang aking kapatid at nawala. Anim na buwang
lumipas, natagpuan siyang patay. At ako ay nagpagala-gala na.

You might also like