You are on page 1of 3

Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 9
Ika-18 ng Mayo, 2023

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga tauhan sa batay sa ginampanan nila sa kabanata.
2. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa ikatlong kabanata.
3. Naipapahayag ang aral na napulot mula sa tinalakay na kabanata ng Noli
Me Tangere.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Noli Me Tangere Kabanata 3 Ang binatang si Crisostomo Ibarra
B. Kagamitan: larawan, telebisyon, laptop, powerpoint presentation
K. Sanggunian: Modyul sa Filipino 9 Noli Me Tangere

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a.1 Pagbati
- Magandang umaga mga mag-aaral!
a.2 Panalangin
- Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin
sa klase.
a.3 Pagtala ng lumiban sa klase
- Sino-sino ang mga lumiban sa ating klase ngayon?
(Itatala ng guro ang mga lumiban sa tseklist)
a.4 Balik-Aral
- Sa pagsisimula ng bagong aralin, tayo muna ay magbalik-aral hinggil sa
ating huling tinalakay. Ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw?
B. Paglinang na Gawain
b.1 Pagganyak
TINOLANG MANOK!
-Sinu-sino na ang nakakain/nakatikim ng tinolang manok?
-Anu ang lasa nito?
-Magtatawag ng isang mag-aaral at pipiliin ang mga sangkap sa pagluluto ng tinolang
manok.

- Ang ating ginawang aktibidad ay may kaugnayan sa ating talakayan.

b.2 Paglalahad
- Ang ating tatalakayin ngayon ay ang Kabanata 3 ng Noli Me Tangere: Ang
Hapunan/Ang Salu-salo.

-Alamin muna natin ang ating mga layunin sa pagtatapos ng talakayan.


(Magtatawagang guro ng mga mag-aaral na magbabasa ng layunin.) Sa pagtatapos ng
aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Nakikilala ang mga tauhan sa batay sa ginampanan nila sa kabanata.
2.Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa ikatlong kabanata.
3.Naipapahayag ang aral na napulot mula sa tinalakay na kabanata ng Noli Me
Tangere.

b.3 Pagtalakay
- Ipapanood ang e-comics ng Ikatlong Kabanata ng Noli Me Tangere.
- Pagkatapos ay kanilang sasagutan ang sumusunod na katanungan.
Pag-unawa sa Tinalakay

4. Anung pag-uugali ang ipinakita ni Padre Damaso sa salu-salo


5. Bakit nais ipagdamot ng mga Kastila ang edukasyon sa mga Pilipino?
6. Sino ang kapareho ni Ibbara na nawala din ng pitong taon sa Pilipinas?

C. Pangwakas na Gawain
c.1 Paglalapat
Indibidwal na Gawain
Panuto:Itala ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento.

c.2 Pagpapahalaga
- Ano ang aral na napulot mo sa ikatlong kabanatang ating tinalakay?

c.3 Paglalahat
- Bilang pagtatapos sa ating natalakay. Maaari nyo bang ilahad sa klase ang
ating mga tinalakay ngayong araw na ito?
(Magtatawag ng mag-aaral na siyang mabubuod sa mga tinalakay)

IV.PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanuga at punan ng tamang
sagot ang bawat katanungan isulat sa isang malinis na papel ang inyong
kasagutan.
1. Ano ang labis na ikinayamot ni Padre Damaso nang nasa hapag-kainan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. “Ang kaginhawaan at kahirapan ng isang bayan ay kaugnay sa kanilang
kalayaan at kagipitan”. Ano ang ibig sabihin ni Ibbara sa pahayag na ito?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Anu ang ipinapahiwatig ng pag-uunahan nina Padre Damaso at Padre Sibyla
sa pangulohan sa hapag-kainan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ayon kay Ibbara sariling wika ang ginagamit ng mga bansang narrating nya.
Ano ang naiis nyang ipahiwatig dito?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
5. Ayon sa binatang si Ibbara anu ang madalas na ginagagawa ni Padre Damaso
kila Ibbara nuong maliit pa siya?
_____________________________________________________________
IV. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Isulat ang buod ng kabanata IV.

Inihanda ni:

RONAN R. AÑONUEVO
Student Teacher

Iniwasto ni:

MARJORIE F. ECALDRE
Cooperating Teacher/ Teacher I

You might also like