You are on page 1of 3

DAÑO, WHARREN B.

EE-1304
GED 103

Sumisimbolo sa Pagiging
"Ako"
Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang katangian, maaring ang
ilan dito ay mabuti o kaya naman ay di kagandahan. Ang mga
katangiang ito ay maaring magrepresenta sa ating pagkatao, mga
katangiang maari nating maihintulad sa mga bagay na maaring
nakikita or nagagamit natin sa ating pang araw araw na buhay.
Bilang isang modernong Rizal ay kailangan nating siguraduhing ang
mabubuting katangian ang ating pagyamanin.
Kung aking mang maihahalintulad ang aking sarili sa isang
bagay na maari ring magpakita ng aking pagiging modernong Rizal
sa kasalukuyang panahon, ito ay ang lapis. Una sa lahat,
maiihalintulad ko ang instrumento sa pagsulat na ito sakin bilang
isang modernong Rizal, sapagkat gaya ng lapis at ni Rizal, ako ang
gumagawa o nagsusulat ng aking tadhana at gaya ng lapis na di
tatayo kung walang hahawak nito, ang diyos at aking mga
magulang ang gumagabay saking buhayupang maging
makabuluhan ito. Gaya ni Rizal di ko hinahayaang ako ay diktahan
sa aking tadhana at patuloy paring ginagawa ang kung alin sa tingin
ko ay tama kahit maraming di sang ayon sa aking ginagawa ay
patuloy parin ako sa paggamit ng aking pambura upang itama ang
mga bagay sa aking buhay at sa aking paligid.
Tulad ng isang pambura sa isang lapis na laging nagagamit, ang
tiwala ng ibang tao tao ay nauubos o nababawasan pagpaulit ulit
tayong nagkakamali. Dito papasok ang pagiging responsable sa
aking kilos gaya ni Rizal na iniisip ang maaring maging kalabasan ng
kanyang magiging aksyon. Gaya ni Rizal ay sinisigurado ko muna
ang maaring maging epekto ng aking kilos bago ito gawin at
iniiwasang may maapektuhan hanggat maari. Ito ay dahil gaya ni
Rizal, dapat nating pahalagahan ang mga tao sa ating palligid gaya
ng pagpapahalaga nya sa kanyang pamilya bilang pagrespeto sa
kanilang buhay.
Isa pa sa katangian kong mairerepresenta gamit ang lapis ay ang
laging pagtayo pagkatapos ng bagsak o ng isang pag subok. Alam
natin na nauubos din ang tasa nito pero gamit ang pantasa babalik
ulit ang tulis nito at muling mapakikinabangan. Tulad ko, may
pagkakataong nawawalan din ako ng lakas sa tuwing napapaharap
sa mga problema pero sa tulong ng mga mahal sa buhay at mga
kaibigan na nagsisilbing pantasa sa aking buhay ang tumutulong
para harapin ko at magbalik ang dati kong lakas. Gaya ni Rizal na di
nagpatinag sa mga espanyol alam kong dapat din akong
magpakatatag.
Ang buhay ng tao ay parang sa lapis, bawat pagkakamali at bawat
ginagawa natin ay maari itong umikli kaya nasa atin kung pano natin
ito gagamitin. Para sakin ay gagamitin ko ito gaya ni Rizal, hindi man
ito mahaba ang mahalaga ay maging makahulugan ito at magamit sa
ikabubuti di lang ng aking sarili kundi pati ng mga tao sa aking paligid.
Umikli man ang buhay ay di ako matatakot kumilos gamitin ang aking
panulat at gampanan ang aking tungkulin dahil para sa akin ito ang
kahulugan ng pagiging modernong Rizal.

You might also like