You are on page 1of 5

Teacher Bb. LEANNE V.

RIQUE Grade Level & Section Grade VIII-A


Grade 8 Learning Area FILIPINO - GRAMATIKA
BANGHAY ARALIN Quarter Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa
Pangnilalaman Kasalukuyan
B. Pamantayang Pagganap Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan
C. Mga kasanayan sa MELC: Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa. 8WG-IIe-f-26
Pagkatuto
 Natutukoy ang pandiwa at aspekto nito sa loob ng talata o pangungusap.
 Nakakukumpleto ng talahanayang nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng mga aspekto ng pandiwa mula sa salitang-ugat.
II. NILALAMAN IBA’T IBANG ASPEKTO NG PANDIWA
III. KAGAMITANG  Laptop
PANTURO  Powerpoint presentation
 Larawan mula sa internet
 Flashcards
A. Sanggunian Baisa-Julian, Ailene G., Pinagyamang Pluma 8,pp. 264-265
IV. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong Magtatanong ang guro ng katanungan bilang paglalahad ng bagong aralin.
Aralin Mga tanong:
ELICIT
1. Paggising mo sa umaga, ano ang unang-una mong ginagawa?

B. Paghahabi sa layunin ng “FOUR PICS ONE WORD!”


aralin PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na larawan at hulaan kung anong salita ang inilalarawan ng apat na larawan.
Teacher Bb. LEANNE V. RIQUE Grade Level & Section Grade VIII-A
Grade 8 Learning Area FILIPINO - GRAMATIKA
BANGHAY ARALIN Quarter Ikalawang Markahan

ENGAGE

C. Pag-uugnay ng mga Magtatanong ang guro tungkol sa mga larawang ipinasuri sa mga mag-aaral.
halimbawa sa bagong
aralin MGA TANONG:
1. Ano ang napapasin niyo sa bawat larawan?
2. Ang tawag sa mga salitang ito ay?
3. Alam niyo ba ang kahulugan ng salitang pandiwa?
4. Magbigay ng halimbawa ng salitang pandiwa.
Teacher Bb. LEANNE V. RIQUE Grade Level & Section Grade VIII-A
Grade 8 Learning Area FILIPINO - GRAMATIKA
BANGHAY ARALIN Quarter Ikalawang Markahan

“TALAHANAYANG MAY KULANG SUBUKANG PUNUAN!”


D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad Panuto: Punan ang talahanayan ng mga angkop na pandiwa sa bawat hanay.
ng kasanayan

EXPLORE

E. Paglinang sa kabihasaan Tatalakayin ng guro ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa pamamagitan ng powerpoint presentation.
EXPLAIN

F. Paglalapat ng aralin sa Panuto: Magpapakita ang guro ng mga salita na nakaflashcard at tutukuyin ng mga mag aaral kung nasaan ang
araw-araw na buhay pandiwa at kung anong aspekto ito ng pandiwa. Pagkatapos ay gagamitin ito sa pangungusap.

Mga Salita:
1. Mamimitas
2. Nagbasa
3. Dumaan
4. Bibili
ELABORATE 5. naliligo

Mga tanong:
1. Ano ang pandiwa?
2. Ano ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa na ating tinalakay?
G. Paglalahat ng Aralin 3. Kalian nagagamit ang mga pandiwang nasa aspektong; perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo?
4. Magbigay ng pandiwa at gamitin ito sa pangungusap, pagkatapos ay tukuyin kung anong aspekto ito.
Teacher Bb. LEANNE V. RIQUE Grade Level & Section Grade VIII-A
Grade 8 Learning Area FILIPINO - GRAMATIKA
BANGHAY ARALIN Quarter Ikalawang Markahan

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang.
1. Perpektibo
a. Si Tenyong ay mamamatay na.
b. Ipinatatawag agad ang kura ng simbahan.
c. Hiniling ni Tenyong na ikasal na sila ni Julia.

2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa aspektong katatapos?


a. Kababayad lamang ng aking ina ng matrikula ng aming bunsong kapatid.
b. Matutupad na ang pangarap ni Anna na maging doktor.
c. Sumasagot sa pagsusulit si Leon.

3. Perpektibong Katatapos
a. Ang ama ni Miguel ay dumaan sa bahay ni piskal Manuel.
b. Pasisindihan daw ang lahat ng simbahan at sisita paraw ng orkestra.
c. Kararating lang ng ikakasal at siya namang pagdating ni Tenyong na sugatan.

EVALUATE 4. Alin sa mga sumusunod na hanay ang may wastong pagkakasaayos ng mga salita mula perpektibo, imperpektibo,
kontemplatibo, at perpektibong katatapos?
a. kaiiniom; uminom; iinom; umiinom
b. tumakbo; tumatakbo; tatakbo; katatakbo
c. uusbong; kauusbong, umusbong, umuusbong

5. Imperpektibo
a. Tila nilimot na ni Tenyong si Julia.
b. Nayayamot na si Julia sa mga sinasabi ni Miguel.
c. Sinabihan na ni Julia si Miguel na isara na nito ang bibig.

6. Sa anong aspekto ipinapakita na ang kilos ay hindi pa nasisimulan, bagkus ay gagawin pa lamang?
a. Kontemplatibo
b. Imperpektibo
c. Perpektibong Katatapos

7. Kontemplatibo
a. Sasagutin na ni Tenyong ang sulat ni Julia.
Teacher Bb. LEANNE V. RIQUE Grade Level & Section Grade VIII-A
Grade 8 Learning Area FILIPINO - GRAMATIKA
BANGHAY ARALIN Quarter Ikalawang Markahan

b. Salamat at ngayo’y napapanood ko na ang liwanag ni Pebo.


c. Binanggit na naman niya ang buwan, ang araw, at ang bituin.

8. Ang ang pawatas ng salitang-ugat na kumpisal?


a. kakukumpisal
b. mangumpisal
c. Mangungumpisal

9. Perpektibo
a. Nais malaman ni Julia kung naibigay ni Lukas ang sulat kay Tenyong.
b. Kararating lang ng kalaban sa lugar na pinagtatagpuan.
c. Nais kong makakita ng putukan.

10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi kabilang sa aspektong imperpektibo?
a. Sumasayaw ng tinikling ang mga nakatatanda.
b. Humuhiling sa Panginoon ng supling ang mag-asawang Boy at Minda.
c. Kaiigib lamang ni Pio ng kanyang panligo.

K. Karagdagang Gawain “KASUNDUAN: PAGPAPATIBAY KAALAMAN”


para sa takdang aralin at
remediation PANUTO: Bumuo ng isang naratibong sulatin o pagsasalaysay tungkol sa mga sumusunod na kategorya sa ibaba. Ang
naratibong sulatin ay kinakailangang kakitaan ng higit sa labinlimang (15) salitang kilos o pandiwa na nasa iba’t ibang aspekto.
Isulat ito sa isang buong papel, bilugan ang mga salitang pandiwa at tukuyin kung saang aspekto ito nabibilang. Ang gawain ay
EXTEND ipepresenta sa klase.
Mga Kategorya: (Pumili lamang ng isa.)
a. Paboritong lugar na iyong napasyalan;
b. Pagdiriwang ng bagong taon;
c. Hindi malilimutang karanasan sa buhay; at
d. Karanasan sa pag-aaral sa new normal na set-up.

INIHANDA NI:

LEANNE V. RIQUE
Guro

You might also like