You are on page 1of 1

EDUKASYON SA BAGONG KADAWYAN: POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO

NITO

Sa paglaganap ng pandemya, ang pag-usbong ng bagong kadawyan ang naging


bagong basehan ng buong mundo sa lahat ng aspeto. Ang pandemyang Covid-19
na kinakaharap ngayon ng mga mamayan sa buong mundo ay naghatid ng sari
saring reaksyon, mapa-negatibo man ito o positibo. Ngunit, hindi ito naging hadlang
upang mapanatili ang paglago ng iba’t ibang esensyal na pangangailangan ng mga
mamamayan. Sa iba’t ibang larangan, ang aspetong edukasyon ang isa sa mga
nakaranas ng malakihang pagbabago bunsod ng walang kahandaan.

Sa ulat nina Galanza et. al (2021), sa pagpasok ng pandemya sa bansa, malaki ang
naging epekto nito sa mental na pagkalusugan ng mga mag-aaral hindi lamang sa
kolehiyo, maging sa mababang paaralan. Lumabas sa kanilang pag-aaral na
madalas nakakaranas sila ng depresyon, stress at pagkakabagabag sanhi na rin ng
kakulangan sa pinansyal.

Sa pag-aaral naman ni Akat at Karatas (2020), likas sa mga tao ang maging uhaw
sa karunungan kung kaya’t layunin ng mga ito ang matuto at hasain ang kanilang
mga abilidad. Ngunit sa pagdating ng pandemyang Covid-19, lahat ng mga
pagsasanay ay nagiging limitado partikular na kung ito ay isinasagawa sa paaralan.
Sa kadahilanang ito, may mga ibang kasanayan na nakakalimutan.

Gayunpaman, sa bagong kadawyan, naipakilala nito ang iba’t ibang uri ng


pagsasanay kabilang ang pagbibigay kalayaan sa mga mag-aaral na matutong mag-
isa. Ang blended na pagsusuri ay isang konseptong ipinapatupad na nuon pero
naging mas aktibo pa ito sa pagdating ng pandemya.

You might also like