You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Filipino

Marso 16, 2023


I. Layunin
1. Nalalaman ang pagkakaiba-iba ng kasingkahulugan, kasalungat, konotasyon,
denotasyon, pagpapangkat ng mga salita, talinghaga at idyoma.
2. Nailalahad ang pagkakaiba ng mga uri ng pagkilala sa kahulugan ng mga salita
3. Maipakikita ang tamang paggamit ng mga salita batay sa pagbibigay ng
kahulugan nito sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling kathang tula.

II. Paksang Aralin


a. Pamagat: Iba’t ibang paraan ng Pagkilala sa Kahulugan ng mga Salita
b. Sanggunian: Learners’ Packet (LeaP)
c. Mga Kagamitan sa Pagtuturo:
1. PowerPoint Presentation
2. Chalk at Green Board
3. Video Presentation
4. Laptop/TV

III. Pamamaraan/Proseso ng Pagtuturo


A. Aktibi
1. Panalangin
2. Pagabati
3. Kaayusan
4. Pagtatala ng liban
5. Balik-aral
6. Pagganyak/Motibasyon
PANUTO: Mag-isip ng isang salita at tukuyin ang kasingkahulugan at
kasalungat nito.

B. Analisis
1. PANUTO: Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga sumusunod na
salita:
a. Maganda
b. Malinis
c. Mataas
SAGOT:
SALITA KASINGKAHULUGAN KASALUNGAT
Maganda Marikit Pangit
Malinis Maaliwalas Madumi
Mataas Matayog Mababa
2. Mga gabay na katanungan:
a. Ano ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng kasingkahulugan,
kasalungat, konotasyon at denotasyon?
b. Bilang isang mag-aaral, paanong paraan mo magagamit ang mga ito
nang tama?
c. Ano ang kahalagahan ng may kaalaman patungkol sa iba’t ibang
paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita?

C. Abstraksyon
PANUTO: Sumulat ng isang malayang tula na naglalaman ng isang taludtod na
may apat na saknong. Isaalang-alang ang paggamit ng mga idyoma at talinghaga
sa pagsulat nito.

D. Aplikasyon
PANUTO: Ang mga mag-aaral igugrupo ng tatluhan o limahan. Bawat pangkat
ay gagawa ng sarili nilang kathang tula na kinapapalooban ng tatlong saknong na
may tiga-apat na taludtod. Isasaalang-alang ng mga mag-aaral ang paggamit ng
kontasyon, denotasyon, idyoma at talinghaga sa pagsulat nito. Matapos nilang
isulat ang kanilang sariling kathang tula, bawat pangkat ay itatanghal ito sa harap
ng klase.

IV. Pagtataya/Ebalwasyon
PANUTO: Ibigay ang konotasyon at denotasyon na kahulugan ng mga usmusunod na
salita.
SALITA KONOTASYON DENOTASYON
1. Buwaya
2. Bulaklak
3. Bato
4. Puno
5. Kisap-mata

V. Takdang Aralin
PANUTO: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita o parirala batay sa
hinihinging kahulugan nito.
1. Balat-kalabaW
KONOTASYON:____________________________________________
2. Utak-talangka
KONOTASYON:____________________________________________
3. Ilaw ng tahanan
DENOTASYON:____________________________________________
4. Isinangkalan
KONOTASYON:____________________________________________
5. Bugtong na anak
KONOTASYON:____________________________________________
6. Ahas
KONOTASYON:____________________________________________
7. Balat-sibuyas
DENOTASYON:_____________________________________________
8. Asul
KONOTASYON:____________________________________________
9. Patalim
DENOTASYON:_____________________________________________
10. Matamis
DENOTASYON:_____________________________________________

Inihanda ni: Nabatid ni:

Rochelieu D. Petil Bb. Jeanfeng C. Mayo

You might also like