You are on page 1of 11

Banghay Aralin sa MATEMATIKA 1

Daily Lesson School CULIAN INTEGRATED Baitang


1 Del Pilar
Plan SCHOOL
Guro SARAH IVY S. LOQUINCIO Asignatura Matematika
Teaching Date Markahan Ikatlong Markahan
MARSO 20, 2023
Week 5

I. LAYUNIN Cognitive
1. Natutukoy at napapangalanan ang apat na
pangunahing hugis (parihaba, parisukat,
tatsulok, at bilog 2 dimensiyonal (flat/plane) at
3-dimensiyonal (solid objects).
Affective
2. Nailalarawan nang may pagpapahalaga ang
apat na pangunahing hugis (parihaba,
parisukat, tatsulok, at bilog 2 dimensiyonal
(flat/plane) at 3-dimensiyonal (solid objects).
Psychomotor
3. Naitutugma ang 3 dimensyonal na bagay sa
katumbas nitong pangunahing hugis sa
pamamagitan ng paguguhit ng linya.
A. Pamantayang Pangnilalaman Nagpapakita ng pag-unawa sa 2 dimensiyonal at 3
dimensiyonal na mga bagay.
B. Pamantayan sa Pagganap Nailalarawan, naihahambing, at nakabubuo ng 2-
dimensiyonal at 3-dimensiyonal na bagay.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto Natutukoy, napapangalanan, at nailalarawan ang apat
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang na pangunahing hugis (parihaba, parisukat, tatsulok, at
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o bilog 2 dimensiyonal (flat/plane) at 3-dimensiyonal
MELC (solid objects).
M1GE-IIIe-1
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagtukoy sa 3-Dimensiyonal na Bagay
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC pahina 199, Budget of work pahina 147
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag- Modyul pahina 25-28
aaral PIVOT 4A CALABARZON
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal I LOVE MATH – awitin mula sa YouTube
ng Learning Resource https://www.youtube.com/watch?
v=9_FAja2JcsY

“MGA HUGIS” – awitin mula sa Youtube


https://www.youtube.com/watch?
v=zAS9hWrdVvM

“AWIT NG MGA HUGIS” – awitin mula sa


YouTube
https://www.youtube.com/watch?
v=zAS9hWrdVvM

e. Pagsasama ng Paksa (Subject 1. Araling Panlipunan


Integration) -Natutukoy ang mga bahagi ng paaralan. AP1PAA-
IIIa-1
2. Arts
Nakikilala ang mga pangunahing hugis. (A1EL-IIc)

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa


Powerpoint presentation, activity sheet, sagutang
mga Gawain sa Pagpapaunlad at
papel
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Mga Panimulang Gawain ( Activity ) Panalangin
Pagbati
Checking ng Attendance
Pagtatakda ng mga tuntunin at regulasyon
sa loob ng silid-aralan

Paghahanda
B. Balik-Aral Awitin ang “Mathematics Song”
Balikan Natin

Ano- ano ang 4 na pangunahing hugis?

C. Pagganyak

Pagganyak na tanong
Guro: Mga bata mahilig ba kayo sa mga awitin?
Mayroon akong ipaparinig sa inyong isang awitin na
sana ay magustuhan ninyo. Makinig mabuti kasi
mamaya iisa isahin natin ang mga bagay na
mababanggit sa kanta.

Pero bago tayo magsimula ay ano ano muna ang mga


pamantayan na dapat natin sundin kapag tayo ay
nanunuod at nakikinig ng isang awitin?
https://www.youtube.com/watch?v=zAS9hWrdVvM

Guro: Mga bata naibigan ninyo ba ang awiting inyong


SUBJECT INTEGRATION napakinggan? Sige nga, ano anong mga bagay ay
ARTS nabanggit sa awitin? Maaari ka bang magbigay ng isa.
(Natutukoy ang mga pangunahing hugis)
A1EL-IIc

(maaari ring gumamit ng mga tunay na bagay upang


maipakita ang kaibahan)
(mag print ng mga hugis : bilog , bilohaba, parihaba,
parisukat, tatsulok )

Mga bata ang hawak ko ay isang “Magic Bag”. Ang


laman nito ay iba’t ibang mga bagay mula sa awitin na
ating napakinggan. Kumuha ng isang bagay at tukuyin
kung alin ang kasinghugis nito.

“Magic Bag”
(Magic Bag- ito ay bag kung saan nakalagay ang mga
totoong bagay sa napakinggang awitin) .

Tatawag ang guro ng isang bata para kumuha ng


bagay mula sa magic bag at papiliin ito mula sa
printed shapes kung alin ang kasinghugis.

Guro: Ano ang kaibahan ng mga hugis mula sa mga


totoong bagay?
(hawakan ang bola at hugis bilog )
-Paano mo ilalarawan itong mga hawak ko?
D. PAGSUSURI ( ANALYSIS )
(hawakan ang unan at hugis parihaba)
-Subukan mo ngang paghambingin ang unan at ang
hugis parihaba?
Ang tawag sa mga hugis kagaya ng bilog, tatsulok,
parisukat at parihaba ay 2 Dimensyonal na hugis.

Ang 2 Dimensyonal na hugis ay mga hugis na may


haba at lapad. Ito ay tinatawag din natin mga flat o
plane figure.

Samantalang ang mga totoong mga bagay naman gaya


ng bola, pizza, panyo, unan at lobo ay mga halimbawa
ng 3 – dimensional na mga bagay. Tinatawag din
itong mga solid figure. Ang 3 dimensyonal na mga
bagay ay may haba o length, lapad o width, at taas
o height.

Narito ang ilan pa sa mga halimbawa ng 3


dimensional na mga bagay

E. PAGHAHALAW ( ABSTRACTION )
Upang lubos ninyong maunawaan ang ating aralin,
idikit natin sa tsart ang mga sumusunod na larawan ng
solid objects sa kanilang kasinghugis na 3
dimensyonal na bagay.

Guro: Ilibot ang iyong paningin sa loob ng ating


silid-aralan. Ano-anong mga bagay ang iyong nakikita na
may 3 dimesyunal na hugis?

Ngayon naman ay lilibot tayo sa ating paaralan.


Anong bahagi ng paaralan ang iyong nakikita?
Subject Integration
Araling Panlipunan
-Natutukoy ang mga bahagi ng paaralan. AP1PAA-
IIIa-1

Anong 3 dimensional na bagay ang makikita natin sa


loob ng silid-aklatan?
Anong 3 dimensional ang kasinghugis ng mga aklat?
Rectangular Prism

Ano naming bahagi ng paaralan ang iyong nakikita?

Sa kantina bumibili at kumakain ang mga bata sa


paaralan.

Anong mga 3 dimensyonal na bagay ang iyong


nakikita sa kantina?

Sphere cylinder rectangular


prism

Pangkatang Gawain

Bago magsimula sa pangkatang gawain magbibigay


ang guro ng isang pamantayan sa pag-istor ng
gawain.
F. PANGKATANG GAWAIN
Pamantayan sa Pag-iiskor ng Iskor
Pangkatang Gawain

Wasto at angkop ang lahat ng sagot sa 5


gawain.

May isang maling sagot sa gawain. 4

May dalawang maling sagot sa gawain. 3

Naisagawa ngunit hindi natapos ang 2


gawain.

Hindi naisagawa ng maayos ang 1


gawain.
Pangkat 1
“Bilugan Mo!”

Panuto: ang mga bagay na nagpapakita ng halimbawa


ng CONE. Ekisan kung hindi.
Pangkat 2
“I-Konek”

Panuto: Itugma ang lahat ng “spherical object” sa


sphere.

Pangkat 3
“Ekisan Mo!”
Panuto: Ekisan ang lahat ng bagay na hindi hugis
cylinder.

Pangkat 4
“Tsek na Tsek!”
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga bagay na cube ang
hugis.
Paglalapat
Magkakaroon ng panibago masayang laro para sa
G. PAGLALAPAT ( APPLICATION ) mga bata.

Mga bata tingnan ang larawan.

Ano ang ginagawa ng lalaki sa larawan?

Alam ninyo ba na “Bowling” ang tawag sa isports


na nilalaro ng lalaki. Ang bowling ay isang laro na
kung saan nagpapagulong ang isang manlalaro ng
bola patungo sa mga pin o target. Sa Pilipinas ay
may isa tayong tanyag o kilalang manlalaro sa
bowling. Siya ay walang iba kundi si Rafael
“Paeng” Nepomuceno.

Ang hawak na bola ni Paeng Nepomuceno ay


halimbawa ng 3- dimensional na bagay na hugis
Sphere.

Maglalaro tayo ng bowling!


Laruin natin ang bowling mga bata gamit ang
interaktibong laro sa Powerpoint. “Excited” naba
kayo?

Unang set
Ikalawang set

Ikatlong set

Ikaapat na set

Ikalimang set

PAGLALAHAT
H. PAGLALAHAT (GENERALIZATION) Gamit ang graphic organizer sasagutin ng mga bata
ang mga tanong ng guro.

Ano-ano ang mga 3 dimensyonal na mga hugis?


Tandaan
Ang 3 dimensyonal na mga hugis ay Cone,
Cylinder, Cube, Rectangular Prism, at Sphere.

IV. PAGTATAYA PAGTATAYA


Panuto: Itugma ang mga 3-dimensyonal na bagay
patungo sa katumbas nitong pangunahing hugis sa
pamamagitan ng pagguhit ng linya.

V. TAKDANG ARALIN Panuto: Gupitin ang net figure at bumuo nga iba’t
ibang solid figure.

Prepared by:
SARAH IVY S. LOQUINCIO
Teacher III

Checked by:

LEONIDA C. UMACOB RACHEL B. INTING


Master Teacher -I School Principal- I

You might also like