You are on page 1of 8

` `

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY

PIVOT 4A Lesson Exemplar for SCIENCE 3

Paaralan Malaban Elementary School Baitang Tatlo


TALA SA Guro Ma. Lyn S. Tamparia Antas Elementarya
PAGTUTUR Petsa June 9, 2021 Markahan Ikaapat na
O Markahan
Oras 8:00 – 8:50 Bilang ng Araw

Pagkatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang:


a.Mailahad ang mga paraan ng pag-iingat para sa iba’t ibang
kalagayan ng panahon.
I. Layunin
b. Alamin ang dalawang uri ng panahon.
b. Mapahalagahan ang bawat kalagayan ng panahon upang
mapaghandaan ang pag-iingat sa sarili.
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay magpapakita ng pagkaunawa sa mga tao,
Pangnilalaman mga hayop, mga halaman, mga lawa mga ilog, mga sapa, mga
burol, mga bundok at iba pang anyong lupa at ang kanilang
kahalagahan.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay kailangang maipahayag ang kanilang
pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng gabay ng
guro at mga pansariling gawain.
C. Mga Kasanayan sa Enumerate and practice safety and precautionary measures in
Pagkatuto dealing with different types of weather.
D. Pinakamahalagang Enumerate and practice safety and precautionary measures in
Kasanayan dealing with different types of weather.S3ES-IVg-h-5
sa Pagkatuto (MELC)
E. Pagpapaganang Kasanayan Integrasyon:
Integrasyon ng Math
/Numeracy – 1.Naisasagawa ang pagdadagdag o at
pagbabawas
Integrasyon ng ESP/Values – Pagtulong sa kapwa sa panahon
ng kalamidad.
Integrasyon ng ICT
Integrasyon ng HOTS
Integrasyon ng COVID19, Disaster
Integrasyon ng Child Labor Practices
II. Nilalaman Pag-iingat para sa Iba’t-Ibang Kalagayan ng Panahon.
III. Kagamitan Panturo
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Science G3 Q2, PIVOT BOW R4QUBE
Guro Teachers Guide pp. 200-204
b. Mga Pahina sa PIVOT 4A Learner’s Material Ikaapatna Markahan SCIENCE 3
Kagamitang pahina19-25
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Science Kagamitan ng Mag-aaral 159-175
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng --
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Powerpoint slide deck, pictures, tarpapel
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad.
at Pakikipagpalihan
IV. Pamamaraan
A. Panimula
(INTRODUCTION) “Game (FAMILY FEUD)” (10mins.)
Tatawag ang guro ng apat na mag- aaral na pupunta sa
harapan upang sagutin ang mga tanong nito. Ang dalawang mag
aaral ay tatawaging Pamilya Tahimik at ang dalawa pang mag-
aaral ay Pamilya Maingay .Sasagutin nila ang mga tanong ng
guro, ito ay paunahan na makasagot sa tanong , pipindutin ng
mag-aaral ang buzzer kung alam niya ang sagot upang
magkapuntos ang bawat pamilya.

Mga Tanong:
1. Magbigay ng gamit na ginagamit tuwing tag-init.
2. Magbigay naman ng gamit na ginagamit tuwing tag-ulan.
3. Magbigay ng pagkain na kinakain tuwing tag-init.
4. Magbigay naman ng pagkain na kinakain tuwing tag-
ulan.
-Pagkatapos ng laro na Family Feud ay ilalagay ng guro ang mga
larawan tungkol sa mga tinanong sa larong Family Feud sa
pisara at ipapabilang kung ilang larawan ang nakita nila?
(Integrasyon ng Numeracy)

-Kung ating pagsasamahin ang bilang ng mga gamit na nasa


pisara, ilan lahat ito? Anong operasyon ang ginamit upang
makuha ang tamang sagot? (Integrasyon ng Math)

-Kung tatangalin naman ng guro ang mga larawan na may mga


pagkain, ilan nalang larawan ang matitira? Anung operasyon sa
tingin niyo ang ginamit natin? (Integrasyon ng Math)

 Ngayong nakita at nabilang na natin ang mga gamit at


pagkain sa larawan. Anu ang inyong napapansin sa mga
larawan na ito?
 Ito ay ang mga gamit na ginagamit tuwing tag-init at
tag-ulan. Mga pagkain na kinakain tuwing tag-init at
tag-ulan.
 Ang mga may salungguhit na salita ay ang dalawang
panahon dito sa ating bansa.
 Ang mga gamit na nabanggit na ginagamit tuwing tag-
ulan at tag-init ay ginagamit natin upang tayo ay
magkaroon na tinatawag na Pag-iingat para sa Iba’t-
ibang kalagayan ng Panahon.

Pagmasdan ang mga larawan. Tatawag ang guro ng 2 mag-aaral


upang sagutin ang mga tanong tungkol sa mga ito. (10mins)
 An
o
ang
ipinahihiwatig ng mga larawan?
 Paano mo maihahanda ang iyong sarili sa iba’t-ibang
kalagayan ng panahon ?
 Bakit mahalaga na maihanda ang iyong sarili sa bawat
kalagayan ng panahon?

-Pansinin ulit ang nasa larawan na apat na bata? Sa tingin niyo


ba masaya ang mga bata ngayong panahon na ito? Nakakalabas
ba at nakakapunta sa mga malls ang mga batang katulad niyo?

 Hindi nakakalabas ang mga bata ngayon, hindi din


nakakapunta sa mga malls sa kadahilanang tayo ngayon
ay humaharap at lumalaban sa pandemiya na COVID 19.
 Trivia: Anu ba ang COVID 19? COVID 19 - Ang
coronavirus (COVID-19) ay sakit na dulot ng isang virus
na maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang
tao. • Ang virus na nagdudulot ng COVID-19 ay isang
bagong coronavirus na kumalat na sa buong mundo. •
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring mula sa
banayad (o walang mga sintomas) hanggang sa
malubhang sakit.
 Paano kaya natin maiiwasan ang COVID 19?Ikaw Bilang
isang batang mag-aaral, sa iyong palagay paano ka
makakatulong sa ating pamayanan o sa ating bansa upang
maiwasan ang paglaganap nang sakit na COVID -19?
(Integrasyon ng HOTS)

Paraan ng Pag-iingat sa Iba’t-ibang Kalagayan ng Panahon.


-Kapag tag-araw kalimitang ginagawa ay mga gawaing
pampreskotulad ng paliligoat paglalangoy. Ito din ang panahon
upang makapaglaro sa labas ng bahay.
-Kapag mahangin at maulap ang kalangitan, karamihan ay
pinipiling manatili sa lobb ng bahay upang makasigurado na
hindi maabutan g ulan.Pagbabasa, panonood ng telebisyon at
pakikipagbonding sa pamilya ang maaaring gawin sa loob ng
bahay.
-Kung umuulan o bumabagyo, lahat ay nanatili sa loob ng
bahay. Delikado ang paglalaro sa labas.
Ang kasiyahan, trabaho at peligro ang tatlong bagay na dapat isa
alang alang upang mapaghandaan ang iba’t ibang kalagayan ng
panahon.
Mga paghahandang maaaring gawin para sa iba’t-ibang
kalagayan ng panahon.
1. Magsuot ng malinis na damit na bagay sa kalagayan ng
panahon.
2. Gumamit ng payong o sombrero upang maprotektahan
ang sarili sa init ng araw o sa ulan.
3. Ugaliing magdala ng maliit na panyo o
tuwalya na maaaring magamit na pamunas
ng pawis kapag mainit ang araw o pantuyo ng kamay o
buhok kapag nabasa ng ulan.
4. Uminom ng maraming tubig and fruit juices
kumain ng prutas at gulay na makakatulong
upang makaiwas sa sakit na dala ng pabago-
bago ng panahon.
5. Panatilihing malinis ang paligid at iwasang
kumain ng pagkain na hindi nahuhugasan at
huwag uminom ng maduming tubig.
6. Maligo araw-araw at maglagay ng baby powder
kung mainit ang panahon. Baby oil, lotion o body
cream naman ang ilagay kapag malamig.
7. Manatili sa loob ng bahay kapag maulan o
bumabagyo upang makaiwas sa sakit na dala
ng malamig na hangin at malakas na ulan.
8. Ugaliing manood o making ng balita upang
mapaghandaan ang panahon. (Magpapanood ng guro ng
maikling video lesson tungkol dito)
(3 mins.)
Gamit ang mouse, Punan ng wastong sagot ang mga sumusunod
na tanong base sa paksa ngayong araw na ito (Pag-iingat para sa
Iba’t – ibang Kalagayan ng Panahon). Pumili ng sagot sa loob
ng kahon.
1. Gumamit ng _________o sombreroupang maprotektahan ang
sarili sa init ng araw o sa ulan.
payong paa kamay
2. Uminom ng maraming ________at fruit juices, kumain ng
prutas at gulay na makakatulong upang makaiwas sa sakit na
dala na dala ng pabago bagong panahon.
milktea yakult tubig
3.Manatili sa loob ng _________kapag maualn o bumabagyo
upang makaiwas sa sakit na dala ng malamig na hangin at
malakas na ulan.
bahay malls barangay
(Integrasyon ng ICT)

B. Pagpapaunlad (8mins)Isulat ang TAMA kung nagpapahayag ng katotohanan


(DEVELOPMENT) ang pangungusap at MALI kung hindi.
________1. Ang kalagayan ng panahon ay nakakaapekto sa
araw- araw na pamumuhay ng isang tao.
________2. Ang mga sasakyang panghimpapawid at pandagat
ay makakabyahe ng ligtas kapag may bagyo.
________3. Mahalaga ang pag-iingat sa sarili sa iba’t-ibang
kalagayan ng panahon.
________4. Nakakaapekto sa kalusugan ang iba’t-ibang
kalagayan ng panahon.
________5. Ang mga negosyo at trabaho ay naapektuhan din ng
kalagayan ng panahon.
* PIVOT 4A SLM in Science pahina 21

 Ang ilang pangungusap na ating binasa ay may kaugnayan


sa Pag-iingat para sa Iba’t-ibang kalagayan ng Panahon..
Una ay ang mahalaga ang pag-iingat sa sarili sa iba’t-ibang
kalagayan ng panahon. Lalo na sa mga bata ngayon
kailangan maging malusog at hindi payat. Merong ilang
dahilan kung bakit namamayat ang isang bata, una ay ang
hindi pagkain ng masustansiyang pagkain.
 Pangalawa merong problemang kinahaharap at meron ding
problemang kinahaharap ang ating gobyerno at sangkot
dito ang mga bata;
- Magpapanood ang guro ng isang balita kamakailan lang
tungkol sa Child Labor Practices
https://www.youtube.com/watch?v=ly0SZf9iyvU
 Child Labor –Ito ay ang pagpapatrabaho sa isang bata o
menor na edad lalo na kung sapilitan.
-Ang pagpapatrabaho sa isang bata na nasa edad 5 hanggang 17 taong
gulang ay isang itinuturing na child labor.
-Ito ay sapilitang pagpapatrabaho sa isang bata na labag sa kanyang
kagustuhan.
-Nag tatrabaho ang mga bata sa kabila ng kanilang murang edad upang
kumita ng salapi na pantustos sa pangangailangan ng kanilang
pamilya.
-Ang child labor ay ang pagpapatrabaho sa isang bata ng walang
permit, makakasama sa kanilang kalusugan, kulang sa edad, at
marami pang kadahilanan.
*Ikaw bilang isang batang mag-aaral, Anu ang iyong nararamdaman
kapag may nababalitaan o may napapanood na ganito sa iyong kapwa
bata?
-Anu-ano ang dapat gawin ng gobyerno natin upang mawaksi
ang problemang ito na Child Labor?
-Bilang isang batang mag-aaral, sa iyong palagay paano ka
makakatulong sa ating pamayanan o sa ating bansa para
mawaksi ang Child Labor (Integrasyon ng HOTS)

C. Pakikipagpalihan *Magtatawag ang guro ng 5 mag-aaral para piliin sa Hanay B


(ENGAGEMENT) ang tamang sagot nakulang sa Hanay A. Ikonek ito gamit ang
mouse. (13 mins.)
Hanay A Hanay B
1. Ugaliin uminom ng maraming ____ a. araw-araw
2. Kumain ng prutas at ___upang makaiwas sa sakit b. damit
3. Ibagay ang ____ sa uri ng panahon. c. balita
4. Maligo _____ d. tubig
5. Ugaliin manood at makinig ng ____. e. gulay
(Integrasyon ng ICT)

*Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang tamang sagot


sa kahon.
1. Papunta si Aling Maria sa palengke.Upang
maprotektahan ang kanyang sarili sa init ng araw, ano
ang dapat niyang dalhin?
2. Nagkasipon ka dahil sa malamig na panahon ano ang
dapat mong kainin?
3. Mainit ang panahon, ano ang dapat mong isuot?

Payong o sombrero
Prutas na mayaman sa Vitamin c tulad ng
dalandan
Sando o t-shirt at shorts

* PIVOT 4A SLM in Science pahina 23


*Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang tsek (/) sa
patlang kung ang isinasaad ay dapat gawin upang maingatan ang sarili
sa iba’t-ibang kalagayan ng panahon at ekis (X) naman hung hindi.
(6mins)

____1. Panatilihing malinis ang katawan araw-araw.

____2. Maglaro sa ulanan kasama ang mga kaibigan.

____3. Magsuot ng kapote at bota kapag malakas ang ulan.

____4. Ibagay ang damit sa uri ng panahon.

____5. Makinig o manood ng balita upang mapaghandaan ang

magiiging lagay ng panahon.

____6. Tumitig sa araw ng mahabang oras.

____7. Ugaliing uminom ng maraming tubig.

____8. Maligo araw-araw lalo na kung mainit ang panahon.

____9. Kumain ng prutas at gulay upang makaiwas sa sakit.

____ 10. Magtampisaw sa baha kapag umuulan.

* PIVOT 4A SLM in Science pahina 24

-Basahin ulit natin ang pangsampung pangungusap, Magtampisaw sa


baha kapag umuulan, Sa inyong palagay bakit tayo nakakaranas ng
pagbaha? Anu ang mangyayari kapag lumala ang pagbaha?
*Malulubog ang mga lugar na mababa, kagaya nalang ng nangyari
noong
isang taon
ng tayo
ay
bayuhin
ng
malalakas
na bagyo.
Naritoang
larawan
ng lugar na nasalanta ng bagyo taong Hunyo 2021.

Ikaw bilang isang mag-aaral ng Baitang tatalo, Paano ka


makakatulong sa inyong kapwa na nasalanta ng bagyo? Anu ang
iyong maaring ibigay? (Integrasyon ng ESP/Values)

D. Paglalapat Punan ang mga patlang upang mabuo ang buod ng mga natutuhan sa
(ASSIMILATION) aralin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mahalaga na malaman mo ang mga pag-iingat na dapat

Gawin sa iba’t–ibang kalagayan ng____________ upang

mapangalagaan ang iyong __________.

Mga dapat gawin upang mapag-ingatan ang sarili sa iba’t-ibang

kalagayan ng panahon:

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

* PIVOT 4A SLM in Science pahina 25


V. Pagninilay

Naunawaan ko na__________________________________________________________________

Nabatid ko na_____________________________________________________________________

Prepared:

MA. LYN S. TAMPARIA


Teacher I

Checked:

GLICEL K. SALVADOR
Master Teacher II

Observed:

NENETTE M. LACUARIN
Principal I

You might also like