You are on page 1of 5

Banghay Aralin EPP 4

I. LAYUNIN:
Sa loob ng 50-minuto ang bawat mag-aaral ay kinakailangang:
o Natutukoy kung paano ang Pagsasaalang-alang, pag-iingat at
pagmamalasakit sa kapaligiran;
o Naisasaalang alang ang pag-iingat at pagmamalasakit sa
kapaligiran; at
o Napapahalagahan ng may pagmamalasakit sa kapaligiran.

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Pagsasaalang-alang, pag-iingat at pagmamalasakit sa


kapaligiran sa pagplano at pagbubuo ng produkto sa patuloy na pag-unlad.
Sanggunian:
Materyales: Cartolina, Larawan,Pentel pen, PowerpointPresentation.
Kahalagahan: Kahalagahanng Tamang pag aalaga ng kapaligiran

III. PAMAMARAAN:

A. Paghahanda:

1. Pagdarasal
2. Pag bati sa mga guro bago mag klase
3. Pag tatala ng mga batang lumiban sa Klase

B. Pagganyak
Ang guro ay magpapakitangiba't ibang larawan ng gamit at
bubuuin nila ang salita na nasa ilalim ng larawan.

C. Presentasyon

Pagsasaalang-alang,
pag-iingat at pagmamalasakit sa kapaligiran sa pagplano at pagbubuo
ng produkto sa patuloy na pag-unlad.
Ang ating kapaligiran ay may mga likas na yaman na maaaring
pagmulan ng mahahalagang materyales sa pagbuo ng iba’t ibang
produkto.

Kabilang sa mga likas na yaman na maaring pagkunan ng mga


materyales ay ang mga kabundukan na mayaman sa kagubatan na
sagana sa mga puno.

Maaari ring magmina ng mga mineral tulad ng bakal, tanso, ginto, at


iba pa sa mga kabundukan.

Ang kapatagan, lambak, talampas at gilid ng bundok ay karaniwang


tinataniman ng iba’t ibang uri ng pananim.

Ang mga dagat, ilog, lawa at iba pang yamang tubig ay sagana sa mga
isda at pagkaing dagat.

Mga dapat isaalang–alang sa pag – iingat at pagmamalasakit sa


kapaligiran Pagpapalano at Pagbubuo ng Proyekto

1. Planuhing mabuti ang proyektong gagawin.

Isiping mabuti kung ang gagawing proyekto ay kapaki- pakinabanag


sa mag–anak. Tiyakin na ang mga kakailanganing materyales ay nasa
paligid lamang. Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano, maiiwasan
ang pagkakamali at paulit – ult na paggawa.

2. Gumamit ng angkop na materyales sa paggawa ng proyekto.

Ang mga katutubong materyales na dapat gamitin sa pagbuo ng


proyekto ay madaling hanapin at higit sa lahat, mura at mataas ang
kalidad. Tiyaking nakahanda ang mga pangangailangan upang di
maantala ang mga gawain.

3. Gumamit ng mga kasangkapang maayos ang kondisyon.

Bigyan halaga ang mga kasangkapang gagamitin sa pag gawa ng


proyekto. Gamitin nang buong ingat ang mga kasangkapan.

4. Ibalik sa tamang lalagyan ang mga kasangkapan ginamit.


Siguraduhing nasa maayos na lalagyan ang mga kagamitan at
kasangkapan na ginamit pagkatapos gamitin. Ito ay dapat gawin
upang maging maayos ang paggawa simula sa umpisa hanggang sa ito
ay mabuo.

5. Itapon sa tamang imbakan ang mga basura.

Napakahalaga na ang inyong pinag gawaan ay malinis at maayos bago


ito iwanan. Siguraduhin ang mga basura ay nakalagay na sa tamang
lagayan.

D. Paglalahat
o Ano ang mga dapat isaalang–alang sa pag – iingat at
pagmamalasakit sa kapaligiran Pagpapalano at Pagbubuo
ng Proyekto?
o Ito ba ay nakaktulong saating kapaligiran?
o Bakit mahalaga pagmamalasakit sa kapaligiran?
o Bakit kailangan isagawa ang mga ito?

E. Paglalapat

a. Guess the picture challenge.


o Angklase ay mahahati sa apat na pangkat.
o Ang guro ay magbibigay ng puzzle sa bawat grupo at
huhulaan ng grupo kung saang parte ito ng pag plano at pag
buo.
o At kapag nahulaan na nila ito, sisigaw ang bawat grupo ng
hoooraaay.
o Ang grupo naa magkakamit ng pinakamaraming puntos ay
Magkakamit ng papremyo.

IV. PAGTATAYA

Iguhit sa patlang ang check ( ✓ ) kung ang sinasaad ay tama at ekis ( x ) kung mali.

____ 1. Namamasyal kayo sa parke ng inyong pamilya ng may nakita kang isang
bata nagtapon ng candy wrapper sa play ground.

____ 2. Pinutol ang puno sa inyong bakuran dahil ito daw ay gagamiting
panggatong.
____ 3. Sa bayan ng Sta. Cruz ay hiwalay ang pagtapon ng hindi nabubulok sa
nabubulok na basura.

____ 4. Itinago ni Maria ang mga latang ginamit sa pagluto ng kaniyang ina
upang gawin na pen holders.

____ 5. Ginawang taniman ng halaman ang mga tinapong plastic bottles


____ 6. Huwag magsusunog ng mga nahulog na dahon ng punobsapagkat
nakakatulong ito sa pampataba ng lupa.

____ 7. Pansamantalang ilagay sa loob ng bag ang inyong basura upang hndi na
ito kumalat pa.

____ 8. Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos na kondisyon upang


makaiwas sa disgrasya.

____ 9. Planuhing maayos ang gagawing proyekto upang magawa ito ng maayos.

____ 10. Ilagay kung saan saan ang mga kasangkpang ginamit sa pag gawa ng
proyekto.

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Gumawa ng limang stanza ng pagpapakita ng pag aalaga sa kapaligiran.

Inihanda ni:

Jane G. Dela Cruz


Studyante

Iwinasto ni:
Mrs. Virginia D. Fernandez
Guro

You might also like