You are on page 1of 15

8

Filipino
Unang Markahan – Week 4
Modyul 5: Pag-unawa sa Binasa

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Pag-unawa sa Binasa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education - Rehiyon ng Caraga
Office Address: Learning Resource Management Section (LRMS)
Teacher Development Center
J.Rosales Avenue, Butuan City, Philippies, 8600
Telefax: (085)342-8207 /(085)342-5969
E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat :Felma R. Alanzado at Mildred I. Alejandrino


Editor : Dores P. Claro, Maria Consuelo C. Jamera, Elena Duka- Tatel
Tagasuri : Jessie C. Torreon, Jocelyn P. Abellano, Noviemar T. Maur,
Fe M. Clerigo, Donna May D. Pinguit, Christy Joyce E. Anino
Japheth K. Salar
Tagaguhit : Swelyn E. Forro
Tagalapat :Felma R. Alanzado at Mildred I. Alejandrino
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno,
Josephine Chonie M. Obsenares, Gilda G. Berte,
Antonieta O. Narra, Feldrid P. Suan, Jessie C. Torreon,
Dores P. Claro at Victoria B. Pabia
2
Weekly Home Learning Plan in Filipino
Kwarter 1- Ikatlong Linggo-Modyul 3 at 4
Markahan: UNA Integrating Competency : Mga Petsang Itinakda sa
F8PN-Ig-h-22 Nakikinig nang may Pagtatapos ng Modyul:
pag-unawa upang mailahad ang Oktubre 11 – Oktubre 16,
layunin ng napakinggan, 2021
-maipaliwanag ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari at mauri
ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari.

F8PB-Ig-h-24 Napauunlad ang


kakayahang umunawa sa binasa sa
pamamagitan ng:
-paghihunuha batay sa mga ideya o
pangyayari sa akda
- dating kaalaman kaugnay sa
binasa.
Bahagi ng Mga Inaasahang Maipakita na Inaasahang Araw/Petsa
Pagtuturo- Patunay ng Pagganap ng Pagpasa/ Pagganap
Pagkatuto

I. Pagkuha ng 1. Pagkuha ng mga magulang/ (Lunes)


Modyul sa tagapag-alaga ng modyul sa Oktubre 4, 2021
paaralan paaralan
II. Panimula a. Pagsagot sa GAWAIN A
(Lunes)
Oktubre 11, 2021
III. LTE Pagkakataon na makapagtanong sa
guro 8:00- 12:00 N.U.
kung may bahaging nais (Martes)
maliwanagan o hindi Oktubre 12, 2021
lubusang naunawaan sa MODYUL
.
IV. Gawain Pagbasa ng buod ng Epiko ni Biag (Miyerkules)
ni Lam-ang Oktubre 13, 2021
Pag-unawa sa Binasa

V. Gawain Pagsagot sa GAWAIN B at C (Huwebes)


Oktubre 14, 2021
VI. Gawain Pagsagot sa GAWAIN D (Biyernes)
Oktubre 15, 2021
VII. Pagpasa ng Pagpasa ng MODYUL at (Lunes)
MODYUL at SAGUTANG PAPEL Oktubre 18, 2021
mga Sagutang
papel

3
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino – Ika -8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pag-unawa sa Binasa!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Sa pagtatapos ng paglalakbay na ito inaasahan ko na magagawa mo ang


sumusunod:

Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan,


maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi
at bunga ng mga pangyayari. (F8PN-Ig-h-22)

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:


-paghihunuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda
- dating kaalaman kaugnay sa binasa.
(F8PB-Ig-h-24)

4
GAWAIN A

1. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Mahihinuha mong


si Bai bilang kapatid ay ______.

A. Walang tiwala sa kanyang kapatid.


B. Nais niyang samahan ang kanyang kapatid.
C. Nag-aalala sa maaaring mangyari sa kanyang kapatid.
D. Hindi maganda ang pakikitungo at relasyon sa kanyang kapatid.

Iba pang hinuhang may kaugnayan sa aking dating kaalaman o karanasan.


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ang Dalaga ng Buhong na Langit ay tumakas at nagtago mula sa Binata ng


Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap.
Bilang isang dalaga, mahihinuha mong ______.
A. May galit ang Dalaga ng Buhong na langit sa Binata ng Pangumanon.
B. Natatakot ang Dalaga ng Buhong na Langit sa Binata ng Pangumanon.
C. May ibang nangingibig sa Dalaga ng Buhong na Langit at natatakot siya rito.
D. Nais paglaruan ng Dalaga ng Buhong na Langit ang damdamin ng Binata ng
Pangumanon.

Iba pang hinuhang may kaugnayan sa aking dating kaalaman o karanasan


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Nais pakasalan ng Binata ng Pangumanon ang Dalaga ng Buhong na Langit


ngunit tinanggihan ng dalaga ang alok nito kaya siya ay nagalit at sinunog ang
bayan ng dalaga. Batay sa pangyayaring ito bilang isang binata, mahihinuha
mong ______.
A. Kailangang pilitin ang babaeng gusto mong pakasalan.
B. Kailangang huwag tanggihan ng dalaga ang alok na kasal ng binata.
C. Kailangang may pagmamahal sa iyo ang babaeng gusto mong pakasalan.
D. Kailangang ang mataas na pasensya para huwag tanggihan ng pakakasalan.

5
Iba pang hinuhang may kaugnayan sa aking dating kaalaman o karanasan
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Marami ang dumating sa kasal ng binata ng Sakadna kaya nakiusap ito na


linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado). Bilang kakilala ng
ikakasal, kailangang _______.
A. Dumalo sa kasal kahit na hindi imbitado.
B. Dunalo sa kasal upang malibre sa kainan.
C. Dumalo sa kasal kahit ikaw ay napadaan lamang.
D. Dumalo lamang sa kasal kapag ikaw ay imbitado.

Iba pang hinuhang may kaugnayan sa aking dating kaalaman o karanasan


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Tinulungan ni Tuwaang ang Binata ng Sakadna na mabayaran ang dalawang


bagay na kulang sa savakan sa pamamgitan ng paglikha ng sinaunang gong at
gintong gitara at bansi. Sa panahon ngayon, kapag ikaw ay magpapakasal ____.
A. Maghanda nang sapat upang mabayaran ang lahat ng bayarin.
B. Magdala ng kaibigang tutulong sa iyo kapag kulang ang pambayad.
C. Magpatulong sa magulang sa mga paghahanda at iba pang bayarin.
D. Maghanap ng mapag-uutangan upang maging magarbo ang kasalan.

Iba pang hinuhang may kaugnayan sa aking dating kaalaman o karanasan


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6
Modyul
Pag-unawa sa Binasa
5
Ang panitikan ay naghahatid ng mga pangyayaring naganap sa ating lahi,
mga kultura at tradisyong pinaniniwalaan na naging gabay sa pakikipagsapalaran
sa araw-araw na buhay. Kaya sa araling ito, maglakbay sa ating nakaraan sa
pamamagitan ng ating mayamang epiko.

GAWAIN B
Panuto: Piliin mula sa kahon ang karunungang bayan batay sa sumusunod na mga
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kasabihan salawikain at kasabihan


Sawikain salawikain at bugtong
Bugtong

1. Higit na nangangailangan ng paglalarawan ang __________ upang mahulaan ang


sagot kaysa sa sawikain.

2. Kapwa nabubuo ang pagsulat ng __________ batay sa pang-araw-araw na


pamumuhay na naghahatid ng aral sa buhay.

3. Di-gaanong mahirap sumulat ng sariling __________ kaysa sariling salawikain


dahil ito ay tahasan at payak di-tulad ng salawikain na nangangailangn ng
matalinghagang salita.

4. Parehong nagtataglay ng sukat at tugma ang __________.

5. Di-hamak na hindi nakasasakit ng damdamin ang __________ kaysa sa mga salitang


bulgar.

7
GAWAIN C

Panuto: Basahin ang buod ng Epiko sa ibaba. Sagutin ang kasunod na mga tanong.

Ang Epiko ni Biag ni Lam-ang

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-


asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan.

Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at
pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang
mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang
nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot.

Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili
ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang
ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at
malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang
bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis.

Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ang isang mahiwagang tandang, ang
tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging.
Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan.
Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay
sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama.
Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang
ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan.

Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang huwag siyang
matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga
kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya’t dumating ang
maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang
nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang
kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng
saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban.

Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng
tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan
at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang.

Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian upang manligaw sa


isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang
tandang at mahiwagang aso.

Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni


Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.

8
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang
aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang
bahay. Napansin si Lam-ang.

Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi
naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-
kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines.

Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni
Ines.

Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng


kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-
ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya, na siya ay
makakain ng pating na berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari
ito.

Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni
Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines.
Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol
ang aso.

Walang anu-ano’y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na
parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog.

Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang
maligaya sa mahabang panahon.

Isulat mo sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

1. Ano ang kakaibang katangiang taglay ni Lam-ang nang siya ay isilang.


_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

2. Ilahad ang pakikipagsapalaran ni Lam-ang upang hanapin ang kanyang ama.


_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

2. Magbigay ng katangian ni Lam-ang na iyong naibigan bilang isang pinuno,


mandirigma at mangingibig. Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________
9
PAG-UNAWA SA BINASA

Kailangan ang pag-unawa sa anumang binabasa. Ang mga mambabasa ay

kailangang makalinang ng mga kasanayan na makatutulong sa kanila upang

maunawaan ang kanilang binabasa. Kung gaypn, mahalaga ang pag-unawa sa

konteksto at mga natutuhang impormasyon upang maging katulong sa pagbasa at

maging makabuluhan anumang binabasa o pinakikinggan.

Pagkilala ng Layunin
Isa sa mga kasanayan sa pagbasa ay ang pagkilala sa layunin ng tekstong
binasa. Sa pagkilala nito, kailangang suriing mabuti ang

nilalaman nang matukoy ang dahilan kung bakit naisulat ang teksto.

Ang layunin ng teksto ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng


manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong
ginamit sa pagpapahayag.

Halimbawa: Naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukuwento lang ng isang


tiyak na karanasan o sitwasyon?
Maaari rin ang layunin ay nangangatuwiran o kaya naman ay hinihikayat ang
mambabasa na pumanig sa opinyon o paninindigan niya.

Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais


solusyunan ng may akda.

Paghihinuha

Ang pagbibigay ng hustong hinuha ayon sa pangyayari, sitwasyon o


usapan ay nakatutulong sa pag-unawa sa nagaganap sa kapaligiran.
Ginagamit itong batayan sa pagbuo ng kongklusyon lalo na ang iba‘t ibang

naririnig na diskurso. Hindi ka man nakasaksi ng isang pangyayari ay


parang nakita mo na rin dahil sa paglalarawan at iba‘t ibang reaksyon ng mga
taong nakasaksi sa pangyayari. Nakakukuha ka rin ng karagdagang kaalaman
sa mga hinuha ng nagbibigay sapagkat maaari itong magkatotoo o hindi.

10
Halimbawa ng usapang ginamit sa teksto:

Nagtanong si Lam-ang sa kanyang ina kung nasaan ang kanyang


ama dahil matagal nang hindi nakauwi mula nang siya’y isinilang. Sa
pangungusap na ito, maari kang makabuo ng ilang hinuha.

a. May masamang nangyari sa kanyang ama.


b. Namatay ang kanyang ama.
c. Nagkaroon ng ibang pamilya sa bundok.
d. Nagkaamnesya ang kanyang ama nang nakikipaglaban.
e. Natakot bumalik dahil sa kakaibang taglay ni Lam-ang.

11
GAWAIN D

Panuto: Makinig ka sa radio o manood sa telebisyon ng isang balita. Itala mo ang


mahahalagang detalye sa balitang narinig. Pagkatapos pumili ka ng isang detalye at
ipaliwanag ito sa paraang patalata. Tukuyin mo rin kung ano ang layunin ng nabuo
mong talata at subuking bumuo ng hinuha batay sa inilahad na pangayayari.

Detalye ng balita :

Patalatang pagpapaliwanag sa detalye ng balita:

Layunin ng nabuong talata:

Hinuhang mabubuo batay sa mga pangyayari sa balita:

Layunin ng talata: _____________________________________________________________

Hinuhang mabubuo:___________________________________________________________

12
Pangyayari 2: Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na
papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang
kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama
sa kanyang dibdib. ―Ano ka ba?‖ ang bulyaw ni Aling Marta.
“Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Layunin ng talata: ______________________________________________________________

Hinuhang mabubuo:____________________________________________________________

Pangyayari 3: Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng

kanyang bestida upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha


at ang ngiti sa maninipis niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi!
Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

Layunin ng talata: _____________________________________________________________

Hinuhang mabubuo: __________________________________________________________

Pangyayari 4: Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang
nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon,
nang siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay
naalaala niya ang kalayuan, kay Aling Marta at sa dumakip na pulis, at siya ay
humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingon-lingon na
tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang
mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw
ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang
pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan.

Layunin ng talata:
_____________________________________________________________

Hinuhang mabubuo: __________________________________________________________

Pangyayari 5: ―Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,‖ matabang na sabi ng


pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at
lapis. ―Siguro‘y matutuwa na kayo niyan.‖

Layunin ng talata: ______________________________________________________________

Hinuhang mabubuo: ___________________________________________________________

13
14
GAWAIN D
GAWAIN B
2. Bugtong GAWAIN A
3. Salawikain 7. C
GAWAIN C
at kasabihan 8. B
1. Sariling mga
4. Kasabihan 9. C
sagot
5. Salawikain 10.D
at bugtong 11.A
6. Sawikain
Mga Sanggunian
Mga Aklat:

Willita A. Enrijo, Asuncion B. Bola, et.al.Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang. Book


Media Press, Inc. and Printwell, Inc. Unang Edisyon, 2013.

Baybayin; Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 8. Rex Printng Company, Inc.2015

Baybayin; Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 8. Gabay sa Pagtuturo. Rex

Remedios Infantado & Ramilito Correa, Baybayin,Paglalayag sa Wika at Panitikan,


BAtayan at Sanayang Aklat sa Filipino, Rex Pubishing pp, 59-68 Panitikang

Pilipino 8, Filipino Modyul Para sa Mag-aaral, pp. 25-26

Internet/ mga URL:

• https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mgaepiko-
lam-ang-epikong-ilokano_600.html/page/0/1

• https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mgaepiko-
hudhud-ang-kuwento-ni-aliguyon-epiko-ng-mgaifugao_1031.html/page/0/1
• Salindilla.wordpress.com
• https://www.slideserve.com/sonora/ang-talasalitaan-kaugnay-sa-pagunawa-
ng-teksto

• https://pinoycollection.com/epiko-ng-pilipinas/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifcaio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph* blr.lrpd@deped.gov.ph

15

You might also like