You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikaanim na Baitang

I. I. LAYUNIN
Sa araling ito, iyong….
 malalaman ang mga sanggunian na maaaring gamitin sa pagkuha ng
impormasyon
 matutukoy ang mga uri ng media at ang katotohanang hatid nito sa
atin.
 magagawa ang poster para sa katotohanan sa pagkuha ng
impormasyon tungo sa tamang desisyon.

II. II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Tamang Impormasyon, Sinisiguro Ko, Bago Gamitin Ito
Sangunian: (Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon) Batayang Aklat 6
Kagamitan: Kartolina, Larawan, Aklat (Ugaling Pilipino sa Makabagong
Panahon)

III. III. PAMAMARAAN

Lunes A. Panimulang Gawain 1. Balik aral:


Sa mga panahong nahihirapan ka sa mga
sitwasyong kailangang pagpasyahan, gumagamit ka
din ba ng mapanuring pag-iisip sa pagkakataong
ito? Bakit?

“Oo, mahalaga ang magkaroon ng mapanuring pag-


iisip. Mahalaga ang magkaroon ng mapanuring pag-
iiisip dahil paraan ito upang mahusay mong masuri
ang iyong mga gagawing askyon, kung ito ba ay
tama o mali.
Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay
makatutulong sa pagpapasya sa mga bagay na
gagawan mo ng desisyon na maaring humantong sa
maayos na desisyong mas makabubuti hindi lamang
para sa iyong sarili pati na rin para sa kabutihan ng
lahat”.

2. Pagganyak

"Pass the Message"

Sa larong ito "Pass the Message" ay may ibibigay


mensahe ang guro at ipapasa ito ng mag-aaral sa
taong kasunod hanggang sa makaabot sa dulo at
siya naman itong tatakbo sa guro para sabihin ang
kanyang mga narinig. Minsan naiiba ang mensahe,
nagugulo, ngunit ang may tamang sagot lamang ang
makakakuha ng puntos.

Mensahe: "Tamang impormasyon, Sinisiguro ko,


Bago Gamitin ito"

Pambungad Na Aralin, pg26


Martes B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad

Panuto: Piliin ang mga sangguniang palagi mong


ginagamit upang makakuha ng impormasyon.

Aklat/Libro

Dyaryo

Radyo

Telebisyon

Seminar

-Anong sangunian ang iyong mga napili?


-Bakit ito ang iyong pinagkukunan ng
impormasyon?
-Paano mo mapupunan ang kawalan ng
mapagkukunanng impormasyon?

2. Pagpapahalaga/ pagtatalakay

Uri ng media

Gadyets

-Pamilyar ba kayo sa media na ito?

Gadyets ay isa mga uri ng media na naghahatid


satin ng impormasyon at kung saan maaaring mag
save at magpasa ng mga nayaring dokumento at
mag liwaliw sa social media.

-Mahilig kabang gumamit nito?

-Alam mo ba ang tamang paggamit nito?


Dyaryo

Ang dyaryo ay isa rin sa mga uri ng media na


naghahatid satin ng katotohanan. Dito mo
mababasa ang mga balita at iba pang impormasyon
sa mga napapanahon na kaganapan sa isang lugar.

-Sa ating tahanan, sino ang madalas gumagamit


nito?

Telebisyon

-Pangatlong uri ng media ay ang Telebisyon.

-Ito ay isang uri ng media o mass media na


makatotohanan at maraming gumagamit. Sa
telebisyon natin napapanuod ang mga
kasalukuyang mga nangyayari sa bansa (current
events).

-Sino ang laging nanonood sa inyo ng balita sa


telebisyon?

Radyo

-Ang radyo ay isa rin sa mga media kung saan


maririnig lang natin ang mga nangyayari sa ating
bansa, hindi tulad ng telebisyon na actual mong
nakikita ang pangyayari

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ngayong alam na natin ang iba't ibang uri ng


media, anong naitutulong nito sa iyo?

2. Sa paanong paraan ito nakakatulong sa iyo?

3. Paano ka nagrereact sa mga napapanood o


nababasa mo sa nabanggit na media?

4. Anong mangyayari sa atin kung wala tayo ng mga


media na ito?

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo sinusuri ang


mga napapanood mo at nababasa sa mga media?
3. Paglalahat

- Naunawaan nyo ba ang ating tinalakay ngayong


araw? Paano nakatulong ang mga sanggunian sa
pagkuha ng impormasyon?

- Bilang mag-aaral responsible ka ba at mapanuri sa


paggamit ng media? Sa paanong paraan

Miyerkules C. Pangwakas na Gawain Pangkatang Gawain (Collaborative Approach)

Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat


batay sa halera o linya ng

kanilang upuan.

Gamit ng kartolina, pentel pen, at iba pang


pangkulay. Gagawa ang bawat pangkat ng poster ng
kanilang ideya ng pagmamahal sa katotohanan sa
pagkuha ng impormasyon. Lagyan ng pamagat ang
poster.

Huwebes D. Pagtataya Isulat sa iyong kwaderno ang salitang TAMA kung


wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto.

1. Sa pangangalap ng katotohanan, kinakailangan


ang mga datos sa tunay na pangyayari at katiyakan
ng tamang impormasyon.

2. Maaaring hindi sabihin ng mga tao ang


katotohanan kung paminsan-minsan lang naman.

3. Ang katapatang nakikita sa tao ay nagiging daan


para mapagpabago ng iba.

4. Ang katapatan ay tungo sa kabanalan.

5. Kapayapaan sa isip at damdamin, kapanatagan


ng loob ang dulot ng pagsasabi ng katotohanan.

Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat


ito sa patalang.

Kompyuter Gadyets
Dyaryo Telebisyon Radyo

1. Isang sistemang telekomunikasyon para sa


pagpapahayag ng mga gumagaw na mga larawan at
tunog sa kalayuan.

2. Kung saan maaaring mag save at magpasa ng


mga nayaring dokumento at mag liwaliw sa social
media.

3. Isang uri ng media kung saan maririnig lang natin


ang mga nangyayari sa ating bansa.

4. Tinatawag ding peryodiko o pahayagan.

5. isang makina o aparato na nagsasagawa ng mga


proseso, kalkulasyon at operasyon batay sa mga
tagubilin na ibinigay ng isang software o hardware
program.

Prepared by:

MARIAN U. BUENA
Student Intern

Checked by :

MRS. SUSAN F. VILLANUEVA


Cooperating Teacher

You might also like