You are on page 1of 3

Annex D: Sample LAS

LEARNERS ACTIVITY SHEET (LAS)

Unang Bahagi
Asignatura: Filipino Linggo: 2 Tagal: 1-5 Araw Petsa: ________________

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang

Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon (F4P-Id-1.10)

Mga Layunin:
 Nagagamit ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinasyon.
 Paggamit ng diksyunaryo sa paghahanap ng kahulugan ng salita.
Paksa: Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon

Mga Mag-aaral,

Magandang araw! Ang mga sumusunod ay gawain na maaari ninyong gawin sa isang buong lingo. Intindihing
maigi ang mga panuto at sagutan ng maayos ang mga katanungan. Kung kayo ay nalilito maaaring mag tanong
sa inyong magulang o nakatatandang kapatid. Higit sa lahat huwag kalimutang maglibang habang ginagawa
ang mga gawain na inihanda para sa inyo.

Nagmamahal,

Ang inyong Guro

Ikalawang Bahagi

Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon

Panimula (Susing Konsepto)


Maraming salita sa wikang Filipino ang magkatulad ng kahulugan. Mayroon ding dalawa o higit pa ang
kahulugan. Magkatulad ang kahulugan ng salitang magkasingkahulugan o may pormal na depinisyon.
Pormal na depinisyon ang tawag kapag ang salita ay may pinagbasehan o galing sa diksyunaryo.
Ang Pamatnubay na salita ay makikita sa bandang itaas ng diksyunaryo ito ay tumutulong upang
mapadali ang paghahanap sa salita.

Halimbawa:
malago- mayabong maganda- marikit

Gawain1
Bago mo basahin ang tula tukuyin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng maliit na kahon.
Isulat ang sagot sa patlang.

alagaan kalungkutan matatag


sandigan tagumpay

Mini- Diksyunaryo
________________________ arugain, kalingain
________________________ pundasyon, batayan
________________________ pighati, panglaw
________________________ panalo, wagi
________________________ malakas, matibay
HALAGA NG PAMILYA
Ni Arjohn v. Gime

Pamilya’y dapat alagaan Sila’y ating sandigan Sa


hirap at kalungkutan
Bawat kasapi’y maaasahan.

Mula pagkabata hanggang pagtanda Di nagsawa sa pagkalinga.

Ipinunlang pag-aaruga
Aning binhi ng pamilya’y masagana.

Pamilyang pinagmulan ay ating buhay Ama, ina, anak, laging


magkaagapay Ugnayang matatag na walang kapantay
Sama-sama sa pag-abot hangad na tagumpay.

Gawain 2
Basahing mabuti ang mga depinisyon ng bawat salita. Mula sa mga ito, ibigay ang kasing kahulugan ng
salitang may guhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. Dati’y maraming puno ang nakatanim sa maburak na lupa ng Ilog Pasig.
________2. Isang lolo ang nagkukuwento ng mga pangyayari.
________3. Maraming magkasintahan ang namamasyal noon sa tabing- ilog.
________4. Madalas din dito ang mga ina dala ang mga palanggana ng mga labada.
________5. Sana’y manumbalik ang payapang kalagayan ng kawawang ilog.

Gawain 3
Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang kahulugan ng salita o lipon ng mga salitang may
salungguhit. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Natutuwa ako sa mga batang tulad mo. Matalino at may direksiyon sa buhay. Malayo ang iyong
mararating.
a. magtatagumpay c. makapangibang bansa
b. maglalakbay d. mamamasyal
2. Ngayong may matatag na silang hanapbuhay, nagpapalaki na rin sila ng mga batang iniiwan sa mga
ospital.
a. malaki c. kumikita ng maayos
b. tapos ng mag-aral d. maraming Gawain
3. Sabi ng Panginoon, busilak ang kalooban ng sanggol.
a. walang alam c. walang malay
b. malinis d. madaling umiyak
4. Maligaya ako sa pangangalap ng dugo upang madugtungan ang buhay ng tao.
a. pagbili c. pagbibigay
b. pangongolekta d. pagpapahiram
5. Ano po ang nagbunsod sa inyo upang piliin ang larangang iyan sa halip na politika?
a. nagtulak c. nakahimok
b. nakapilit d. nakapaniwala
6. Hindi ko rin maipahayag ang aking kaligayahan.
a. maisulat c. masabi
b. maiparinig d. maipagkaila
7. Tumutulong ako sa mag-asawa na nais magkaroon ng supling.
a. alila c. alaga
b. utusan d. anak
8. Nagdadalantao sila sa paraang hindi nila gusto.
a. Nagpakasal c. Nagbubuntis
b. Napapatay d. Nag-aalaga
ASSESSMENT CHECKLIST

I- Bahagi

Asignatura: Filipino Linggo: 2 Tagal: 1-5 Araw Petsa: ________________

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang

Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon (F4P-Id-1.10)

Mga Layunin:
 Nagagamit ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinasyon.
 Paggamit ng diksyunaryo sa paghahanap ng kahulugan ng salita.
Paksa: Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon

II- Bahagi
To be checked by parent/s

PAHAYAG OO HINDI PUNA –

Pakibilogan ang numero ngiyong sagot.

Gawain 1 1- Hindi nagawa


Ang mag aaral ay natutukoy ang kahulugan ng 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
salita. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 2 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay naibibigay ang kasing 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
kahulugan ng mga salita. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 3 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay nagawang sagutan sa bawat 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
Gawain. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Komentaryo:

____________________________________
Pangalan ng magulang/ Taga pag alaga

Ibibigay kay : _____________________________


(Pangalan ng Guro)

Petsa: ________________________
(Petsa ng Pagbibigay)

You might also like