You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools

Pangalan ng mag-aaral: _____________________ Guro: _____________________


Grade Level: ________________________
Filipino
Kahusayan sa Pagbigkas ng Pagbasa
(Oral Reading Proficiency)

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento. Pagkatapos basahin, sagutin ang mga
tanong.

BUDHISMO

Ang Budhismo ay isa sa pinakamalaking relihiyon sa mundo na itinatag sa


India noong 600 BC. Ang pananampalatayang ito ay batay sa mga turo ni Siddharta
Gautama na sa paglaon ay kinilalang Buddha.

Si Siddharta Gautama ay isang prinsipe sa hilagang India at anak ng isang


mayamang rajah. Lumaki siya sa gitna ng marangyang buhay subalit tinalikuran nya
ang lahat ng ito upang ibuhos ang oras nya sa pagninilay ng kahulugan ng buhay.
Naging palaisipan sa prinsipe ang pagtanda, pagkamatay ng isang tao at kung bakit
kailangan tayong dumanas ng sakit. Hindi sya matahimik hanggat hindi nya nakikita
ang sagot sa mga tanong na ito. Nagpakalbo sya, nagsuot ng dilaw na damit at
naghingi ng limos kasama ang mahihirap na tao. Lumapit siya sa mga guru upang
pag-aralan ang Upanishad subalit hindi pa rin sya nasiyahan. Makalipas ang
napakaraming taon ng pag-aayuno ay naglakbay siya papuntang Gaya. Sa ilalim ng
isang puno ng Bo (wisdom tree) pagkatapos manalangin ng maraming araw ay
naliwanagan siya. Dahil dito ay tinawag si Siddharta na Buddha, “Ang
Naliwanagan”.

Ibinahagi niya ang kanyang mga natuklasan na tinawag na marangal na


katotohanan. Kasama rito ang tamang pananaw na ang pagdurusa ay bunga ng
makasariling hangarin. Ang tamang pagpapahalaga ay nababalot sa pag-ibig. Dapat
tayong gabayan ng tamang pananalita na mahinahon. Ang tamang pag-uugali ay
naguugat sa tamang pag-iisip at paggalang sa lahat ng may buhay. Ang tamang
kabuhayan naman ay dapat nakakatulong sa kapwa.
Pangalan ng mag-aaral: _____________________ Guro:_____________________
Grade Level: ________________________

Kahusayan sa pagsulat
(Writing Proficiency)

Mga Tanong:

1. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyong binasa?


Tinalakay sa seleksyon ang _______________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________ .
2. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________ .

3. Ayon sa binasang seleksyon, bakit kinilala ang prinsipe bilang Buddha?


Kinilala ang prinsipe bilang Buddha dahil _________________________________________
_____________________________________________________________________________.

4. Ano ang buhay na pinagdaanan ng prinsipe?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

5. Ano ang nais ipabatid ng pangungusap sa kasunod na kahon?

Lumaki siya sa gitna ng marangyang buhay subalit tinalikuran niya ito.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________ .

6. Ano ang kahulugan ng salitang “pagninilay” sa pangungusap sa kasunod na kahon?

… ibuhos ang oras nya sa pagninilay ng kahulugan ng buhay.

______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________ .
7. Ano ang mangyayari kung hindi nilisan ng prinsipe ang palasyo?
_____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________ .

8. Base sa seleksyon na iyong nabasa, ano ang masasabi mo sa paniniwala ng Buddhismo? May
hawig ba ito sa iyong sinasampalatayahan o pinaniniwalaan? Kung mayroon, anu-ano ang mga
pinaniniwalaan mo na mayroon sa Budhismo mo?
Kung wala naman, ano ang iyong paniniwala o sino ang iyong sinasampalatayahan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________. (You can use separate paper for your answer here).

You might also like