You are on page 1of 3

(UNANG BAHAGI)

*Wika – bagaman maikling salita ay may kahulugan at katangiang napakalawak at napakalalim. Ang kakayahan nito’y
makakapag-unlad sa isang tao at sa isang bansa.

*Nang dahil sa wika nagagampanan ng tao ang isa sa kanyang pangunahing tungkulin ditto sa mundong ibabaw at ito ay
makapagbahagi ng kaalaman.

*Ginagamit ang wika hindi lamang upang ang bawat tao ay magkaisa at magkauynawaan. Ginagamit din ito sa
pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon na makakatulong sa pagpapa-unlad ng karunungan ng isang tao.

*Isang maganda at maaliwalas na umaga sa inyong lahat!

*Maligayang pagdiriwang ng buwan ng wika!

*Kami po ay nagagalak sa inyong malugod na pagdalo sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika ng ating mahal na
paaralan – ang Angelicum School Iloilo.

* Ako po si Ginoong Salvador Sican ang inyong punong abala sa araw na ito.

*Ang “Buwan ng Wika” ay isang pagdiriwang na idiniraos tuwing buwan ng Agosto sa Pilipinas na naglalayong bigyan
ng pansin at ipagmalaki ang mga wikang katutubo at kultura ng mga mamamayang Pilipino lalo na ang mga mag-aaral.

*Kaya ngayong araw ating muling saksihan ang ang isang palatuntunan n gating paaralan bilang pag-alala n gating
Wikang Filipino na may temang: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Inklusibong
Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.” Kaya tayo nakasuot ngayon ng kulturang Pilipinong damit bilang pakikiisa
sa pagdiwang ng buwan ng wika.

*Bago natin pormal simulan ang ang programa, sabay-sabay nating isigaw…

*“Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang bawat Pilipino!”

*Ayan, buhay na buhay na nga ang lahat. Handa na ba kayo sa palatuntunan natin ngayong araw?

*Kung gayon ay akin pong hinihiling na magsitayo ang lahat para sa isang doksolohiya sa pangunguna ni Ginoong Ralph
Espinosa, YS 10 Moderator, kasama ang artistika. At ito ay susundan ng pambansang awit ng Pilipinas

(DOKSOLOHIYA AT PAMBANSANG AWIT)

*Maari na pong umupo ang lahat.

Sa puntong ito, pakinggan natin si Father Jonh Stephen Besa, Punong-guro ng Angelicum School Iloilo, para sa kanyang
pambungad na pananalita. Bigyan natin siya ng masigabong palakpakan.

(PAMBUNGAD NA PANANALITA)

*Maraming salamat Father sa iyong napakagandang mensahe.

*Sa puntong ito, ating tawagin si G. Rolando Salilid, YS 8 Moderator, para basahin ang krayterya at mekanismo sa unang
patimpalak- ang Deklamasyon. Salubungin natin siya ng malakas na palakpak.

(PAGBASA NG KRAYTERYA AT MEKANISMO)

*Maraming salamat Ginoong Rolando Salilid Jr. Handa na ba kayong masilayan ang ating mga artista?

*Kung gayon bigyan niyo ako ng isang malakas na palapak at ating isigaw “Maligayang Buwan ng Wika!”
*Talaga namang sabik na ang lahat!

*Simulan na ang paligsahan sa deklamasyon!

*Palakpakan natin ang unang kalahok na walang iba kundi si _________________ mula sa YS ___.

*Napakagaling! Sa dakong ito, ipakilala na natin ang pangalawang kalahok mula sa YS__. Siya ay si
_________________. Papakitaan daw niya tayo sa kanyang angking galing sa pag-arte. Tunghayan at palakpakan po natin
siya.

*Napakahusay! Ngayon tunghayan naman natin ang mdadamdaming pag-arte ng ating susunod na kalahok na walang iba
kundi si ________mula sa YS __. Palakpakan po natin siya

*Kaygagaling at kayhuhusay ng ating mga kalahok. Ang ating susunod na kalahok ay si ______________mula sa YS ___.
Ipadadama rin daw niya ang kanyang husay sa pag-arte. Atin ng tunghayan at palakpakan natin siya.

*Talaga namang hindi siya nagpadaig. Hindi rin daw magpapatalo ang ating panlimang kalahok na si _____________
mula sa YS____. Sisiguraduhin din daw niya na tatagos sa ating mga puso ang kanyang pag-arte. Sabay-sabay po natin
siyang palakpakan.

*Maraming salamat sa lahat ng napakagagaling at napakahuhusay na mga artista. Muli, bigyan natin sila ng isang
napakalakas na palakpak.

*Sa puntong ito ating tawagin ang mga mag-aaral sa Nursery, YS 1, YS 2, YS 3, at YS 4 sa pag-awit ng awiting “Ako’y
Isang Pinoy”. Palakpakan po natin sila.

(PAGTATANGHAL NG AWIT)

*Marami pong salamat sa inyong lahat. Ngayon ay magkakaroon tayo ng saglitang pahinga sa loob ng dalawampong
minuto. Pagkatos nyan ay ipagpatuloy natin an gating programa. Maraming salamat po.

(SAGLITANG PAHINGA) 9:50 – 10:10

*Inaanyayahan ang lahat na pumunta na dito sa St. Dominic de Guzman Gynatorium at mayamaya tayo ay magpapatuloy
na sa ating programa. Maraming salamat po.

*Ngayon, dumako na tayo sa susunod na paligsahan – ang Sinasalitang Tula.

*Bago tayo magpatuloy pakinggan muna nating mabuti ang mga krayterya at mekanismo sa patimpalak na babasahin ni
G. Rolando Salilid Jr., guro sa Filipino at YS 8 Moderator.

*Maraming salamat po Ginoong Rolando Salilid Jr.

*Handa na ba kayong mapakinggan ang tula ng ating mga makata?

*Ano pa ang hinihintay natin “Simulan na ang paligsahan”.

*Ang ating unang kalahok ay si _______________ mula sa YS ___. Palakpakan po natin siya.

*Napakagaling. Maraming salamat ______. Dumako na tayo sa ating pangalawang kalahok. Siya naman ang pambato ng
_____. Bigyan po natin siya ng malakas na palakpak.

* Napakahusay n gating pangalawang kalahok. Magpapatalo kaya an gating pangatlong kalahok? Halina’t tawagin natin si
_________ mula sa YS___.

*Maraming salamat ________.


*Napakinggan na nga po natin ang ating mga makata.

*Sa puntong ito, ating tatawagin ang mga mag-aaral ng YS 5, YS 6, at YS 7 para itanghal ang isang sayaw.

(KANTA PILIPINAS – SAYAW)

*Maraming salamat mga mahal naming mag-aaral mula YS 5, YS 6, at YS 7. Sapamamagitan ng sayaw tulad ng kanilang
naitanghal, naipapakita nating mga Pilipino ang maalab na damdamin, kasiyahan, kabuuan ng loob, pagkakaisa at ang
pag-ibig natin sa ating kultura at sa ating bansa.

*Ngayon naman ay ating tunghayan ang masining na paglalarawan ng awiting “Dakilang Lahi”, na itatanghal ng mga
piling mag-aaral ng Junior High School at Senior High School.

*Maraming salamat mga mahal naming mag-aaral.

You might also like