You are on page 1of 3

SH1903

Group 1 Members: Section:


Date:

Identifying Literary Devices


The Filipino Poetry

Directions: Identify the elements of poem present in the piece below.

"Pagkatapos"
by Elizabeth Mapula

Bitbit ang kandilang upod


at larawan mong nakakuwadro,
dinatnan ko ang ating bahay
na puno ng nakapaninibagong
agiw at alikabok—
mula sa kandado ng bakod,
mga bisagra ng pinto,
pasamano, kisame at alulod,
bombilya sa palikuran
hanggang sa ilalim ng paminggalan.

Pagpasok ko sa ’yong silid


nakita kong hindi pa nasisinop ang iyong kama—
mariin pang nakahulma
ang bigat ng malaon mong pagkakahiga
at sa ibabaw ng iyong unan
nagkalat ang mga lagas na buhok.

Sa ibabaw ng tokador,
nakatulala ang hinubad mong pustiso
habang nakababad sa malabong tubig sa baso.

Sa nakaawang na aparador,
sabitan na lamang ng iyong mga damit ang naiwan
at isang maluwang na espasyo—
hindi na kailan man mapupunan.

Reference:
Mapula, E. (2013). Pagkatapos at iba pang tula. Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine
Literature, 7, 131.

02 Activity 1 *Property of STI


Page 1 of 3
SH1903

Group 2 Members: Section:


Date:

Identifying Literary Devices


The Filipino Poetry

Directions: Identify the elements of poem present in the piece below.

"Baha"
by Jason Tabinas

Bakit ako ang tanging sinisisi


sa inyong abang kalagayan?

Sa bawat pagdalaw, inilalantad ko


ang samut-saring problema
sa araw-araw: mababang antas
at kalidad ng edukasyon, kawalan
ng maayos na trabaho, sapat
na kita, pagkain, sariling bahay,
at putol-putol na kalsada mula
sakahan papuntang merkado.

Sa aking paglisan, ang pagpapatuloy


ng dating ginagawa sa araw-araw.
Na para bang ang pag-asa’y dagliang
paglimot at ang pagpapatuloy ng buhay.
Na para bang ang lahat ay tungkol
sa pagkaligtas mula sa kamatayan.

Maaari ninyo akong limutin.


Subalit paulit-ulit na magbabalik
hanggang may hangin at tubig.

Subalit kailangan ninyong harapin


ang mga pang-araw-araw
na problemang mas nalalantad
sa bawat kong pagdalaw.

Reference:
Tabinas, J. (2013). Na Inyong Ikinalulunod. Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine
Literature, 11, 200.

02 Activity 1 *Property of STI


Page 2 of 3
SH1903

Group 3 Members: Section:


Date:

Identifying Literary Devices


The Filipino Poetry

Directions: Identify the elements of poem present in the piece below.

"Pagbubukas ng Kahon: sa telebisyon"


by Vijae Orquia Alquisola

Natatawa ako kung paano


pinaiiyak ang mga tao:
pera o kahon?
Napakukrus sa nalalaman
at nilalaman. Binubulatlat
ang buhay bago pa ako
mabuklat. Pampagamot ho.
Pangnegosyo. Pantuition.
Pambayad-utang. Pampa-
gawa ng bahay. Pang—
Takip lamang ako
ng hindi mapuno-punuang
kakulangan. Binibihisan.
Iniilawan na mistulang altar.
Pinabibigat ang kalooban
ng milyong pangako.
Isinusuksok sa sulok
pagkakatapos
ng sampalataya
sa hindi nakikita.
Silipin ang aking kaibuturan:
Wala. Wala. Wala.
Pakinggan ang alingawngaw:
Akalà. Akalà. Akalà.

Reference:
Alquisola, V. (2014). Sa Pansamantala. Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine
Literature, 8, 240.

02 Activity 1 *Property of STI


Page 3 of 3

You might also like