You are on page 1of 11

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN

School Caraga State University-Main Grade Level: Three


Campus
Teacher Jenneth L. Reyes and Samira P. Learning Araling
Jalandoni Area Panlipunan
Teaching December 13, 2023 Quarter 4
Date

I. Layunin Pagkatapos ng 40 minutong talakayan, 80% ng mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. natutukoy ang mga pinanggagalingan ng produkto na kinabibilangan ng
lalawigan;
b. pagpapahalaga sa mga local na produkto; at
c. nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa aktibidad tungo sa
ikauunlad ng mga produkto sa kinabibilangang lalawigan.

II. Nilalaman/
Paksang-Aralin
A. Paksa Pinanggalingan ng Produkto ng Kinabibilangang Lalawigan
(Topic)
B. Kagamitan IM’s, Laptop, TV, Kartolina, Whiteboard marker, flashcards, flags
(Materials)

C. Sanggunian https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/1978/mod_resource/content/2/index.html
(References) AP3EAP-IVb-3

D. Integrasyon ESP Integration: nagbibigay sa mga mag-aaral ng kamalayan hinggil sa


kahalagahan ng lokal na produksyon at ekonomiya. Ito ay nagtuturo sa kanila ng
pagmamahal sa sariling kultura at produkto, nagpapalalim sa kanilang pang-unawa
sa proseso ng paggawa ng produkto, at nagbibigay importansya sa pagsuporta sa
sariling komunidad.

E. Teaching Team Games Tournament


Stategy

III. Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang
Gawain
1. Drill
Magandang Araw, mga bata! Magandang Araw mga Binibini!
Kamusta ang araw ng lahat? Mabuti po!
Nagagalak akong marinig iyan!

Kami nga pala ang inyong guro sa


araw na ito, Ako nga pala si Bb.
Jenneth L. Reyes, maari ninyo akong
tawaging Bb. Neth at ako nga pala si
Samira Jalandoni, maari ninyo akong
tawaging Bb. Mira.
Ngayon ay magkakaroon tayo ng
isang laro. Ito ay tinatawag na “Bring
Me!”
Alam niyo ba ang larong ito?

Mabuti! Magbibigay kami ng mga


pangalan ng bagay at kung meron kayo
nito, mag-uunahan kayo sa pagbigay sa
amin. Kung sino ang unang
makapagbigay ng gamit na aming
sinabi ay makatanggap ng premyo
mamaya.
Mga bagay:
1. Pulseras
2. Palamuti
3. Ipit sa buhok

2. Balik-aral Bago tayo dumako sa ating tatalakayin


(Review) magkakaroon muna tayo ng balik aral

Sino sainyo ang nakakaalala sa ating


itinalakay noong isang araw? Yes Ito ay tungkol sa Kapaligiran at
Shanyce? Ikinabubuhay sa mga Lalawigan ng
Kinabibilangang Rehiyon.
Tama!
Ano-ano ang mga uri ng pamumuhay
ng mga tao sa iba’t ibang kapaligiran?
Magbigay ng halimbawa
Ano yun, Daryl? Halimbawa titser, pagmimina,
pagkakaingin, pagtatanim at
pangangaso ang hanapbuhay ng
mga taong nakatira sa kabundukan
at kagubatan.
3. Pagganyak
(Motivation) Ngayon ay magkakaroon tayo ng
isang laro. Ito ay tinatawag na “

Meron kaming inihandang flashcards


para sainyo mga bata, hahatiin namin
kayo sa tatlong pangkat at ang bawat
grupo ay bibigyan namin ng “flag”. Ang
gagawin niyo lang ay huhulaan kung
saang lugar nabibilang ang mga
larawang ito. Ang unang grupo na maka
puntos ng mataas ay ang panalo.

Handa naba kayo mga bata?


Mga sagot:
1. Agusan del Sur
2. Surigao del Sur
3. Surigao del Norte
4. Agusan del Norte
5. Dinagat Islands
B. Panlinang na
Gawain
1. Paglalahad
(Presentation) Base sa inyong mga isinagot, ano sa
tingin nyo ang ating tatalakayin natin
ngayon? Ano iyon, Keziah?

Magandang ideya!
Ang ating tatalakayin ngayong araw Base sa aming isinagot, patungkol
ay tungkol sa pinanggagalingan ng mga po sa mga lalawigan ang ating
produkto at kanilang kinabibilangang tatalakayin ngayon.
lalawigan.

a. Pagbibigay Pamantayan

Bago tayo magsimula, meron


tayong mga bagay na dapat
sundin sa ating silid-aralan

Ano sa tingin nyo ang dapat


ninyong gawin kapag may gurong Makinig po ng mabuti, binibini.
nagsasalita sa harapan?

Ano naman ang tamang posisyon


pag nakikinig sa mga guro? Maari niyo Umupo ng maayos
bang ipakita sa amin kung paano (Ang mga bata ay umupo ng
umupo ng maayos? maayos)

Pano naman kung may tanong Itataas po namin ang aming kanang
kayo o gusto nyong sumagot? kamay, binibini.

Napakagaling, mga bata!

2. Home Group
Alam niyo ba na ang Pilipinas ay
mayaman sa mga likas na yaman kaya
angkop ito sa pagpapalago at paglinang
ng mga hilaw na materyales? Hindi po.

Bawat lalawigan ay mayroong kanya-


kanyang produkto na inilalahad. Ang
produkto ay isang bagay na
karaniwang ginagawa upang
maibenta. Ang bagay na ito ay ginawa
sa pamamagitan ng pang-
industriyang proseso. Ang ibang
produkto naman ay itinatanim ng mga
magsasaka; pinalalago at inaani upang
ibenta. Ilan sa mga halimbawa ng
produktong dumaan sa pang-
industriyang proseso ay papel, plastic,
metal, mga gadgets at iba pa. Ang
mga produkto namang nagmula sa
pagsasaka ay ang mga prutas, gulay,
halamang-ugat at iba pa.
Ang mga produktong kanais-nais at
kapakipakinabang ay mga bunga
ng ating mga likas na yaman. Ito ay
nagdudulot ng kasiyahan at kaayusan
sa bawat isa.
Alam niyo ba kung saan nanggaling
ang mga produktong kailangan Hindi po, Bb.
natin sa araw-araw?

Gusto niyo bang malaman? Opo!

May inilaan kaming mga halimbawa


ditto lamang sa Caraga Region.

Mga halimbawa:
1. Agusan del Sur
- Ang Agusan ay matatagpuan sa
Hilagang-Silangang bahagi ng
Mindanao.Ang salitang Agusan
ay nagmula sa salitang" agus" na
ang ibig sabihin ay daloy ng
tubig.
- Ang Agusan del Sur ay kilala sa
iba't ibang produkto mula sa
sektor ng agrikultura. Ilan sa
pangunahing produkto ng
lalawigan ay kinabibilangan ng
palay, mais, saging, at iba't ibang
klase ng prutas at gulay. Ang
agrikultura ay pangunahing
pinagkukunan ng kita para sa
maraming mamamayan ng
Agusan del Sur, at nagtataguyod
ng seguridad sa pagkain sa
rehiyon.

2. Agusan del Norte


- Ang Agusan del Norte, isang
lalawigan sa rehiyon ng Caraga
sa Pilipinas, ay kilala sa ilang
pangunahing produkto nito. Isa
sa mga pangunahing produkto
ng lalawigan ay ang mais o corn.
Ang mais ay isang mahalagang
tanim sa agrikultura sa lugar at
nagiging pangunahing sangkap
sa iba't ibang pagkain at
industriya.
- Bukod sa mais, kilala rin ang
Agusan del Norte sa produksyon
ng iba't ibang klase ng prutas,
gulay, at iba pang agrikultural na
produkto. Ang lalawigan ay
mayaman din sa likas na yaman,
kasama na ang kahoy, mineral,
at iba pang likas na produkto
mula sa kagubatan at kalupaan
nito.

3. Surigao del Sur


- Surigao del Sur, isang lalawigan
sa rehiyon ng Caraga sa
Pilipinas, ay may iba't ibang
pangunahing produkto at yaman.
Ang mga ito ay naglalarawan ng
likas na kalagayan at industriya
ng lugar. Isa sa pangunahing
produkto ng Surigao del Sur ay
ang niyog o coconut. Ang niyog
ay ginagamit sa produksyon ng
langis, niyog na kakanin, at iba
pang produktong pang-
agrikultura.
- Bukod sa niyog, may mga
minahan din sa lalawigan na
nagbibigay ng mineral resources
tulad ng ginto, tanso, at iba pang
metal. Ang likas na yaman ng
Surigao del Sur, kabilang na rin
ang malinis na karagatan at
magagandang tanawin, ay
nagbibigay ng potensyal para sa
turismo at iba pang industriya.

4. Surigao del Norte


- Surigao del Norte, isang
lalawigan sa rehiyon ng Caraga
sa Pilipinas, ay may iba't ibang
pangunahing produkto at yaman.
Isa sa mga pangunahing
industriya ng lalawigan ay ang
mining, kung saan kilala ito sa
pagmimina ng nikkel, ginto, at iba
pang mineral. Ang sektor ng
agrikultura ay mahalaga rin, at
ilan sa mga pangunahing ani ay
mais, saging, niyog, at iba pang
prutas at gulay.
- Bukod sa likas na yaman, ang
Surigao del Norte ay may
magandang tanawin, malinis na
karagatan, at mga isla na
nagbibigay daan para sa turismo.
Ang lugar ay tanyag sa mga
magagandang surf spots, coral
reefs, at natural na attractions na
nagtataguyod ng lokal na
industriya ng turismo.
5. Dinagat Islands
- Sa Dinagat Islands, ang
pangunahing produkto ay
nagmumula mula sa sektor ng
agrikultura at pagmimina. Ilan sa
mga pangunahing produkto nito
ay kinabibilangan ng mais, niyog,
saging, at iba pang prutas at
gulay mula sa sektor ng
agrikultura.
- Sa aspeto ng pagmimina, ang
Dinagat Islands ay may mga
deposito ng nikkel, chromite, at
iba pang mineral na nagbibigay
ng kita sa lalawigan. Ang
pagmimina ay isa sa mga
pangunahing industriya na
nagbibigay ng ekonomikong
kontribusyon sa lugar.
- Bukod sa mga nabanggit, ang
turismo rin ay nagiging
pangunahing produkto ng
Dinagat Islands dahil sa
magagandang tanawin, malinis
na karagatan, at natural na
atraksyon nito na nakakapag-akit
ng mga bisita mula sa iba't ibang
lugar.

Naintindihan niyo ba mga bata? Meron


ba kayong katanungan at paglilinaw?

Naintindihan po! Wala po, mga Bb.


3. Creation of the At dahil naintindihan ninyo ang ating
Competing leksyon ngayong araw, meron tayong
Groups aktibidad na gagawin. Gusto niyo bang
mag laro mga bata? Opo!

Mabuti naman! Hahatiin namin kayo


sa limang pangkat. Magbibilang kayo
mula isa hanggang apat. (Count off).
4. Mechanics of Ang bawat pangkat ay e talaga sa
the Game bawat lalawigan na ating itinalakay.

Pangkat Una – Agusan del Sur


Pangkat Dalawa – Agusan del
Norte
Pangkat Tatlo – Surigao del Sur
Pangkat Apat – Surigao del Norte
Pangkat Lima – Dinagat Islands
Dahil nalalapit na ang pasko,
magkakaroon tayo ng munting
christmas party. Sa pag kaka-alam ko,
bawat party ay mayroong mga palaro,
ang pagkakaroon ng palaro sa
Christmas party ay isang tradisyon na
nagbibigay buhay at kasiyahan sa
okasyon. Sa pangkalahatan, ang palaro
ay isang paraan upang palakasin ang
diwa ng kasiyahan, pagkakaisa, at
pagbibigayan ngayong panahon ng
Pasko. Gusto niyo ba mag laro, mga
bata? Opo!

Bawat pangkat ay pipili ng dalawang


kumakatawan sa kanilang grupo. Alam
niyo ba ang larong “pinoy henyo”?

Sa ating laro, kung sino ang


makakahula ng tatlong salita ng
pinakamabilis ay mag kakaroon ng
puntos sa ating score board.
Naiintindihan ba, mga bata? Nasaan na
ang kinatawan ng pangkat Agusan del
Sur? Sa Agusan del Norte? Surigao del
Sur at Norte? Sa Dinagat Islands? Opo! Naiintindihan po namin, mga
Handa na ba kayo? Bb.
Handa na po kami!

Mga pahuhulaan:
 Mais
 Bigas
 Niyog
 Saging
 Kahoy
 Repolyo
 Mansanas
 Teacher Neth
 Agusan del Sur
 Teacher Mira
 Siargao
 Butuan
 G. Marlou Tagarao
 Mangga

5. Game Proper Napakahusay mga bata! Bigyan natin


ng masigabong palakpakan ang
pangkat na nanalo.

Ngunit, wag muna mawalan ng


pagasa ang iba dahil meron pa tayong
isang palaro. Ito ay tinatawag na "Paa,
tuhod, balikat, baso". Bawat pangkat ay
pipili muli ng dalawang representative
na mag lalaro.
Ang gagawin niyo lang ay mag
uunahan kayo sa pag kuha ng baso
pero bago iyan magsasalita muna ako
ng mga bahagi ng katawan pag sinabi
kung ulo hahawakan ninyo ang inyong
ulo, at pag sinabi ko namang tuhod ay
hahawakan niyo rin ito, at pag nasabi ko
ang salitang baso dun na kayo mag
uunahan sa pagkuha. Kung sino ang
naka kuha sa baso ay siya ang sasagot
sa ating katanungan at yung mga hindi
naka kuha ay tanggal na sa ating laro.
Handa naba ang lahat? Handa na po kami!

(kung sakali may magpatas)

“Cookie Face”
Ang dalawang pangkat na nag patas
ay pipili ng isang representative. Bawat
kumatawan ay bibigyan ng isang biskwit
na ilalagay nila sa kanilang noo.
Igagalaw nila ang kanilang mukha
upang mapunta ang biskwit sa kanilang
bibig na hindi gumagamit ng kamay.

6. Recording of Scoreboard
scores to the
Home Group Pangkat Kabuuang
Puntos
Puntos
Pangkat
Una –
Agusan del
Sur

Pangkat
Dalawa –
Agusan del
Norte

Pangkat
Tatlo –
Surigao del
Sur

Pangkat
Apat –
Surigao del
Norte

Pangkat
Lima –
Dinagat
Islands

7. Declaration of Napakagaling ninyo, mga bata! kung


the Winner ako lang sana ang bahala, lahat kayo
ang panalo. Pero base sa scoreboard
na aming inilahad, ang isang grupo na
nakakuha ng malaking puntos ay ang
pangkat ng….
Bigyan natin ng masigabong
palakpakan ang pangkat… (nag palakpakan)
C. Panapos na
Gawain
1. Paglalahat Ngayon, upang malaman namin na
(Generalization) tunay talagang nakikinig ang lahat sa
ating diskasyon, ano nga ulit ang ating
leksyon patungkol? Yes, Shamel?
Natatalakay ang Pinanggalingan ng
Produkto ng Kinabibilangang
Lalawigan po.

Tama ba si Shamel, mga bata? Tama!


Ano-anong mga lalawigan ang itinuro ni
Bb. Neth sa inyo? Ano iyon, MG?
Agusan del Sur, Agusan del Norte,
Surigao del Sur, Surigao del Norte,
at Dinagat Islands po.
Mabuti! Anong paraan mas nakilala
ang lalawigan ng Agusan del Norte?
Lynzee? Ang South Cotabato ay ang
ikalawang pinakamalaking
nagluluwas ng pinya dahil na rin sa
malawak na plantasyon sa
lalawigan.

Wow! Nakikinig nga ang lahat sa ating


leksyon. Kami ay nagagayak at
naturoan naming kayo ngayong araw.
2. Pagpapahalaga Lagi nating tatandaan mga bata na
(Valuing) ang pag-alam kung saang lalawigan
nanggagaling ang mga produkto ay
mahalaga upang suportahan ang lokal
na ekonomiya at industriya. Ito ay
nagbibigay daan sa pagkilala sa mga
produktong galing sa iba't ibang
rehiyon, nagtataguyod ng regional na
identidad, at nag-aambag sa
pagsusulong ng sapat at
makatarunganang kalakalang lokal.
Bukod dito, ang impormasyon na ito ay
maaaring maging basehan ng mga
consumers sa pagpili ng
masustainableng pagbili at suporta sa
kanilang sariling komunidad.
IV. Pagtataya/ Panuto: Sa iyong AP kuwaderno,
Ebalwasyon sagutan ang sumusunod. I-sulat kung
saang lalawigan na bibilang ang
produkto.

_______1. Bigas
_______2. Mais
_______3. Pagmimina
_______4. Niyog
V. Takdang-Aralin Panuto: Gumawa ng slogan patungkol
sa linyang “Support Local”. I-pasa ito sa
susunod na klase.

Rubriks:
Nilalaman 25%
Pagka-malikhain 25%
Kaangkupan 25%
Kalinisan 25%
Kabuuang
100%
Puntos:

Ipinasa nina:

Jenneth L. Reyes & Samira P. Jalandoni


Mag-aaral

Ipinasa kay:

G. MARLOU C. TAGARAO
Instructor

You might also like