You are on page 1of 4

ANG SINAG NG KULTURA AT IDENTIDAD NG MGA ILOKANO MULA SA SILLAG FESTIVAL

Nagwiwika ang lahat ng sayaw ng festival sa La Union ng kanilang mga ipinagmamalaking produkto
na nagiging dahilan upang magpunyagi sila. Lumabas sa pagsusuri na tunay na managyaman
(mapagpasalamat) ang mga Ilokano sa nag-iisang Tagapaglikha. Sa kabuuan, kapansin-pansin sa mga
nailahad o nadalumat ang pangingibabaw ng kultura at identidad ng mga Ilokano na nagpapatunay na
hindi lamang sila malikhaing mga indibidwal kundi bukas din sa mga pagbabago o inobasyon tungo sa pag-
unlad tulad ng mga ipinakikitang pag-aanyo ng iba’t ibang bagay. Maibubuod ang konsepto ng pagwiwika
sa pamamagitan ng figyur sa ibaba na nagpapakita ng daluyan ng pagwiwika upang lumitaw ang kultura
at identidad na nais ipakapahulugan ng sillag.

Mapapansin sa figyur ang tatlong tema at identidad na ipinakikita ng mga sinag na nag-ugat sa
Sillag festival. Bagama’t may pagkakaiba-iba ang tema sa pagsusuri, ipinababatid ng figyur na ang tatlong
daluyan ng identidad na natukoy ay maituturing na iisang wikang mahalaga upang matukoy ang mga
totoong kultura at identidad ng mga Ilokano. Bilang daluyan, hiwalay ang mga nais ipahiwatig ngunit
makikita pa rin ang ugnayan ng tatlo.

Sa Sillag Festival nag-uugat ang mahahalagang aspekto ng tema at wikang magbibigay ng malalim
na kahulugan sa kultura at identidad ng mga Ilokano. Mapapansin sa aspekto ng produkto, nabatid ang
mahalagang pagkakakilanlan sa mga Ilokano lalo na ng kanilang mga pinagmulang bayan dahil sa mga
natatanging nais ipakahulugan nito. Ang pangingibabaw ng pagbibigay-pansin sa awtentikong katangiang
sumusunod sa OTOP ang lalong nagpaigting sa pagwiwika na pati sa mga tagapamahala at sa mga kalahok
mismo ay maging mulat sa katotohanang hindi dapat ipagwalang-bahala ang natatanging paraan ng
paglikha ng produkto at ang produkto mismo ng kanilang bayan upang sila ay makilala. Kung gayon, ang
pagkakaroon ng pagkakaisa sa pagpapalutang ng mga tiyak na produkto bilang pagkakakilanlan sa bawat
munisipalidad ay isang wikang malinaw na nagbibigay ng kahulugan at nararapat na bigyang pansin upang
makikilala ang kaibhan ng isang munisipalidad sa iba. Gayunpaman, may ilang produktong natalakay tulad
ng bagoong at pinakbet na nagpapakita ng pangkalahatang pagkakakilanlan ng mga Ilokano. Ang mga
salitang ito’y kumakatawan sa tangible o kongkretong materyal, mayroon itong pagwiwika ng identidad
dahil ang lalim ng salita ay nahugot hindi sa panlabas na kaanyuan nito kundi ang panloob na diwa na
winiwika mula sa pagtukoy sa pamamaraan at layunin ng paglikha ng espesipikong produkto. Ang proseso
(pagpapahalaga sa yamang tubig, pagtitiis, at kabutihang asal) sa pagasagawa ng mga produkto ang
nagpapakilala sa mga Ilokano bilang mapagtanging mga nilalang. Samakatuwid, gaya ng makikita sa figyur,
ang produkto ay nagpapahiwatig ng pagiging natatangi ng mga Ilokano mula sa kani-kanilang produkto na
para sa kanila lamang na kapag nakita o nabasa ang mga salita o pahayag hinggil sa mga produktong
nabanggit ay agad na mababatid ng sinuman ang kultura at identidad tungkol sa Ilokano.

Sa aspekto ng kasuotan/ kagamitang ginamit sa festival, nakaugat ang pagkakakilanlan nila mula
sa produkto at natatanging pagkakakilanlan ng bawat munisipalidad. Natalakay na na ang mga kasuotan
at kagamitang ginamit nila sa festival ay nagmula sa kinikilalang produkto ng kanilang sariling lugar at
dinisenyo ito upang maging malikhain at mapaganda ang presentasyon. Mahalagang bigyan ng pansin ang
pagpapakahulugan ng mga kasuotan/ kagamitang ito dahil nakapagbibigay rin ito ng mensahe hinggil sa
kultura ng mga Ilokano. Mula sa simpleng mga produkto ng kanilang lugar ay kaya nilang lumikha ng
kakaiba at panibagong mga likha upang maipakita at magamit sa naturang festival. Nagpapahiwatig
lamang ito ng pagiging malikhain ng mga Ilokano sa pagtitiyaga at pag-iisip ng mga panibagong likha mula
sa isang produkto. Nabihisan ang mga salita upang maging matayog ang pagpapakahulugan mula sa
pagdalumat sa kasiningang tinataglay ng mga Ilokano na sinasalamin ng mga disenyo nito. Napagmasdan
ng mga mananaliksik ang dominanteng identidad ng pagkamalikhain ng mga Ilokano mula sa varayti ng
mga materyal na ginamit hanggang sa kabuluhan nito bilang bahagi ng pagpapatingkad ng kasuotan.

Sa aspekto naman ng sayaw, ang kilos at galaw ng mga kalahok sa festival ay malinaw na
nagpapahiwatig ng kanilang kultura at identidad. Ang sillag festival bilang festival ng lahat ng mga festival
sa probinsiya ay malinaw na nagpapakita ng mahahalagang pahayag na dapat isaalang- alang. Gaya ng
naunang natalakay sa pagwiwika ng sayaw, maiuugnay pa rin sa pagkakakilanlan sa kanilang produkto ang
pagpapangalan ng mga sayaw na patuloy na nagpapakita ng iisang pagkakakilanlan upang lalong
mabigyang-diin ang kanilang natatanging pagkakakilanlan. Isang kapansin-pansing pagpapalutang ng
identidad ng mga Ilokano mula sa sayaw ang akto o kilos ng pagpapasalamat na hindi kailanman nawawala
sa bawat kilos o galaw ng sayaw ng bawat munisipalidad. Ito ang nagpapakitang kahit nagkakaiba ang mga
katangian o pagkakakilanlan ng bawat munisipalidad at iba-iba ang paraan ng pagpapahayag ng kilos at
galaw sa pagpapakita ng pagpapasalamat, iisa pa rin ang patutunguhan ng kahulugan nito – ang pagiging
mapagpasalamat ng mga Ilokano. Nangangahulugan lamang na iba-iba man at natatangi ang bawat
munisipalidad, tinitiyak nilang iisa pa rin ang ikinikilos at iginagalaw nito, ang pagpapasalamat.
Naaapektuhan ng kanilang pang-araw-araw na gawain o pamaraan ng pamumuhay ang idealismong
Ilokano, idealismong mapalulutang sa pamamagitan ng kanilang sining o likha na tulad ng sayaw. Mula sa
inklusyon ng sayaw at mensahe ng mga galaw, ito ang nagsusog sa mga mananaliksik upang pag- isahin
ang katangian ng mga sayaw at hugutin ang identidad na mapagpasalamat bilang katangian ng mga
Ilokano.

Sa kabuuan, mapapansin sa bilog na figyur na maihahalintulad sa buwan na nagbibigay ng


sinag/sillag na magkakaugnay ang mga mensaheng makikita sa pagwiwika ng bawat tema. Nagsimula ang
lahat sa produkto ng bawat bayan na nagpapakita ng natatanging kultura at identidad ng mga Ilokano
patungo sa masining na paglikha ng mga kasuotan/ kagamitang lalong magpapaigting sa natatanging
identidad at sa huli ay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyaya sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kilos at
galaw na totoong nagpapakita ng pagiging ganap na Ilokano bilang kalahok sa festival.

Pinatotohanan ito ng mga pahayag mula sa tagapamahala, kalahok, at manonood na nakikita nila
ang paglutang ng kultura at identidad ng mga Ilokano lalo na’t kasangkot ang mga lokal na opisyal sa pag-
oorganisa na sinigurong hindi lamang para sa turismo at ekonomiya ng lalawigan ang pagdiriwang kundi
isang paraan din upang maipagmalaki at mapanatili ang kultura.

Ang mga nabanggit na temang nagwiwika ay nagpapatunay lamang na ang mga ito ay mahalagang
daluyan sa pagbatid ng kultura at identidad ng mga Ilokano na nagpapahiwatig ng

kakanyahan ng mga taga-Ilokanos (operasyonal na pagpapakahulugan sa mga taong gumagamit ng wikang


Ilokano). Isa itong matibay na sandigan upang mapatunayang ang identidad ng isang lipunan ay maaaring
magsimula sa pagkilala ng kaniyang tangible o kongkretong materyal upang mahugot ang kaniyang
intangible na aspekto (kaniyang pamumuhay na tulad ng kaniyang paniniwala, pagpapahalaga, at
pananampalataya).
BILANG KONKLUSYUN

Ang makadiwang pagpapakahulugan sa kariktan ng mga pahayag na maaaring salita man o


simbolo sa Ilokano ay paghukay sa lalim ng kontribusyon nito ayon sa pinahahalagahan, pinaniniwalaan,
at pinanindigan ng lipunang gumagamit nito. Ang proseso sa pag-aaral ng identidad ay nangangahulugang
pagdalumat sa malalim na relasyon ng kanilang wika at kultura. Ito ang pangunahing pundasyon sa pag-
aaral na makapaghahatid sa sinumang indibidwal upang makapagbinhi ng matalinong paghuhusga hinggil
sa kanilang paniniwala at pagpapahalaga. Higit sa lahat, ang prosesong ito ang naging daluyan ng
mananaliksik at mambabasa sa panggagagad sa kabuuan ng isang lahi o identidad.

Ang kulturang Ilokano ay binubuo ng masining na paglikha ng mga produkto ng katatagang


nagpapakita ng natatanging pagkakakilanlan ng mga tao sa espisipikong lugar, ng mga kasuotang
kumakatawan ng payak ngunit makabuluhang pamumuhay patungo sa pagiging malikhain, at ang paglikha
ng sayaw ng pasasalamat sa lahat ng mga biyaya. Hinulma ang mga ito ayon sa kasaysayan at paniniwala
ng mga ninuno na nagiging dahilan upang mailantad ang kulturang namana at patuloy na isinasagawa ng
kasalukuyan. Gayunpaman, sa panahon ng inobasyon, ang kulturang Ilokano ay dinamiko kaya bukas sa
mga pagbabago. Ang pagbabagong ito ay nagwiwika ng pagtatangi, pagkamalikhain, at pasasalamat na
nagpapakita ng kabuuang kultura at identidad ng mga Ilokano. Tunay na ang Sillag festival ay repleksiyon
ng makislap at malikhaing pag-iisip at daluyan ng totoong identidad ng mga Ilokano.

Iminumungkahing ng tagagsaliksik na gumawa pa ng malalimang pagsusuri sa ilan pang aspektong


hindi pa nabibigyang pansin na maaaring halawin mula sa festival lalo na at ang mga datos ay nakalimita
lamang sa kung ano ang nakita sa video, larawan, at ilang impormasyong nakuha mula sa pamunuan.

You might also like