You are on page 1of 1

Name: Ruiz, Riza A.

Section: AU-FB2-BSEDEN2-ST2

“Pagkalulong”

Sa panahon na mayroon tayo, hindi na kailangan ng tinta


para makapag simula ng bagong kwenti
kailangan na natin ng enerhiya para sa teknolohiya
na siyang mag sisilbing daan para maka buo ng bagong pahina
ito'y gawa at epekto ng makabagong teknolohiya

Ngunit hindi mawalit sa aking isip ang sinasabi ng iba


nabubuhay ba ang tao para magtrabaho o nagtatrabaho para mabuhay?
ano nga ba ang tama?
sa mga materyal na bagay nagpapa-galingan, sa mga proyekto nagpapa-taasan
ano ba ang epekto nito sa mga tao? saan kaya tayo dadalhin nito?

Sa panahon ngayon ng teknolohiya marami itong napapasaya


pero may nakalimutan na yata ang iba?
ang simpleng pakikisalamuha sa iba,
ang pagiging magalang at marami pang kabutihang asal
na sana'y isinasabuhay ng maraming kabataan

Bagkus sila ngayo'y nagiging matapang


ang iba'y sinusuway pa ang kanilang mga magulang
epekto na nga ba ito ng makabagong teknolohiya?
paano na ang mga henerasyon na susunod pa?

You might also like