You are on page 1of 4

ISKALA NG PAGMAMARKA

NG COLUMBIA PARA SA KASIDHIAN NG


PAGPAPAKAMATAY (C-SSRS)
Mula Nang Huling Bisita

Bersyon 1/14/09

Posner, K.; Brent, D.; Lucas, C.; Gould, M.; Stanley, B.; Brown, G.; Fisher, P.; Zelazny, J.;
Burke, A.; Oquendo, M.; Mann, J.

Pagtanggi:

Ang iskalang ito ay sadyang inihanda para gamitin ng mga klinisyan na nabigyan ng pagsasanay. Ang
mga tanong na laman ng Iskala ng Pagmamarka ng Columbia sa Kasidhian ng Pagpapakamatay
(C-SSRS) ay mga mungkahing tanong sa pagsisiyasat. Sa katapusan, ang pagsisiguro sa
pagkakaroon ng pag-iisip o gawing may kaugnayan sa pagpapakamatay ay nakabatay sa
paghuhusgang klinikal.

Ang mga kahulugan ng mga pangyayaring nagpapakita ng mga gawi na may kaugnayan sa
pagpapakamatay na nasa iskalang ito ay batay sa mga ginamit sa The Columbia Suicide History
Form, na binuo nina John Mann, MD, at Maria Oquendo, MD, Conte Center for the Neuroscience of
Mental Disorders (CCNMD), New York State Psychiatric Institute, 1051 Riverside Drive, New York,
NY, 10032. (Oquendo M. A., Halberstam B. & Mann J. J., Risk factors for suicidal behavior: utility and
limitations of research instruments. Nasa M.B. First [Ed.] Standardized Evaluation in Clinical Practice,
pp. 103 -130, 2003.)

Para sa muling paglilimbag ng C-SSRS makipag-ugnayan kay Kelly Posner, Ph.D., New York State
Psychiatric Institute, 1051 Riverside Drive, New York, New York, 10032; para sa mga tanong,
makipag-ugnayan sa posnerk@childpsych.columbia.edu
© 2008 The Research Foundation for Mental Hygiene, Inc.
C-SSRS Since Last Visit - Philippines/Tagalog - Version of 14 Jan 10 - Mapi Research Institute.CSRA
ID5927 / C-SSRS-SinceLastVisit (Philippines-Tagalog) 5.0.doc
PAG-IISIP TUNGKOL SA PAGPAPAKAMATAY
Itanong ang 1 at 2. Kung parehong hindi ang sagot, magpatuloy sa bahaging “Gawi Tungo sa Pagpapakamatay”.
Kung ang sagot sa 2 ay “oo” tanungin ang 3, 4 at 5. Kung ang sagot sa 1 at/o sa 2 ay “oo” kumpletuhin ang bahaging Mula Nang
Huling
“Tindi ng Pag-iisip ng Pagpapakamatay” sa ibaba. Bisita

1. Pagnanais na Mamatay
Ang kalahok ay mayroong mga kaisipan tungkol sa pagnanais na siya ay mamatay na, o hindi na siya mabuhay pa, o ang pagnanais na sa pagtulog niya ay Oo Hindi
di na magising.
Nagkaroon ka na ba ng pagnanais na sana’y patay ka na o ninais na makatulog at di na magising?

Kung oo, ilarawan:

2. Mga Di Detalyado pero Aktibong Pag-iisip Tungkol sa Pagpapakamatay


Di detalyadong mga kaisipan ukol sa hangaring tapusin ang sariling buhay/magpakamatay (hal. “Napag-isipan ko nang magpakamatay”) nang walang mga Oo Hindi
iniisip na mga paraan ng pagpapakamatay/mga kaugnay na mga paraan, balak o plano sa panahon ng pagsusuri.
Nagkaroon ka na ba ng anumang mga kaisipan tungkol sa pagpapakamatay?

Kung oo, ilarawan:

3. Aktibong Pag-iisip ng Pagpapakamatay na may Maski Anumang Paraan (Hindi Plano) na walang Balak na Isagawa
Ang kalahok ay mayroong mga kaisipan tungkol sa pagpapakamatay at nakaisip ng may isa man lamang paraan kung paano ito isasagawa sa panahon ng Oo Hindi
pag-aaral. Iba ito sa isang tiyak na plano na pinag-isipan na ang detalye tungkol sa oras, lugar o paraan (halimbawa, napag-isipan na ang paraan ng
pagpapakamatay pero hindi pa ang isang tiyak na plano). Kabilang dito ang isang tao na magsasabing, “Naisip kong lumunok ng sobrang dami ng gamot
(mag-overdose) pero wala akong tiyak na plano kung kailan o saan o paano ko ito isasagawa… at hindi ko ito kailanman talagang magagawa”.
Napag-iisipan mo ba kung paano mo kaya ito isasagawa?

Kung oo, ilarawan:

4. Aktibong Pag-iisip ng Pagpapakamatay na may Kasamang Balak na Isagawa ito, pero walang Tiyak na Plano
Mga aktibong pag-iisip ng pagpapakamatay at binabanggit ng kalahok na mayroon itong kasamang balak na isagawa ang mga kaisipang ito, iba ito sa Oo Hindi
“Mayroon akong mga pag-iisip pero sigurado akong hindi ko isasagawa ang mga ito”.
Nagkaroon ka na ba ng ganitong mga kaisipan at balak na isakatuparan ang mga ito?

Kung oo, ilarawan:

5. Aktibong Pag-iisip ng Pagpapakamatay na may Tiyak na Plano at Balak


Pag-iisip ng pagpapakamatay na may detalye ng planong nakumpleto na o medyo kumpleto na at ang kalahok ay may balak na isagawa ito. Oo Hindi
Nasimulan mo na bang planuhin o naplano mo na ba ang mga detalye kung paano magpakamatay? May balak ka bang isagawa ang planong ito?

Kung oo, ilarawan:

TINDI NG PAG-IISIP
Ang mga sumusunod na katangian ay dapat markahan batay sa pinakamalalang pag-iisip tungkol sa pagpapakamatay (i.e., 1-5 mula
sa itaas, kung saan ang 1 ay ang pinaka di-malala at ang 5 ang pinaka malala).
Pinaka-
Pinakamatinding Pag-iisip: __________ _________________________________________ matindi
Uri # (1-5) Paglalarawan ng Pag-iisip
Dalas
Ilang beses kang nagkaroon ng mga ganitong pag-iisip?
(1) Wala pang minsan sa (2) Minsan sa (3) 2-5 beses sa isang (4) Araw-araw o halos (5) Maraming beses sa bawat araw
____
isang linggo isang linggo linggo araw-araw
Tagal
Kapag mayroon kang mga ganitong pag-iisip, gaano ito tumatagal?
(1) Panandalian – ilang segundo o minuto (4) 4-8 oras/halos buong araw ____
(2) Walang isang oras/may ilang panahon (5) Mahigit 8 oras/walang lubay o tuluy-tuloy
(3) 1-4 oras/may mahabang panahon
Kakayahang Pigilin ang Pag-iisip
Nakakaya mo bang/maaari mo bang itigil ang pag-iisip tungkol sa pagpapakamatay o pagnanais na mamatay kung gusto mo?
(1) Madaling pigilin ang mga pag-iisip (4) Kayang pigilin ang mga pag-iisip pero may malaking kahirapan ____
(2) Kayang pigilin ang mga pag-iisip pero may kaunting kahirapan (5) Hindi kayang pigilin ang mga pag-iisip
(3)Kayang pigilin ang mga pag-iisip pero may katamtamang kahirapan (0) Hindi tinatangkang pigilin ang mga pag-iisip
Mga Hadlang
Mayroon bang mga bagay – sino man o ano man (halimbawa, pamilya, relihiyon, sakit ng pagkamatay) – na pumigil sa iyo
upang magpakamatay o upang isagawa ang iniisip mong pagpapakamatay?
(1) Talagang napigilan ka ng mga hadlang sa tangkang (4) Malamang na di ka napigilan ng mga hadlang ____
pagpapakamatay (5) Talagang di napigilan ng mga hadlang
(2) Maaaring napigilan ka ng mga hadlang (0) Hindi angkop
(3)Di tiyak kung napigilan ka ng mga hadlang
Mga Dahilan sa Ganitong Pag-iisip
Anong uri ng mga dahilan mayroon ka upang pag-isipan na gusto mo nang mamatay o magpakamatay? Ito ba ay upang
matapos na ang sakit o magwakas na ang nararamdaman mo (sa ibang salita, hindi mo na kayang mabuhay pa dahil sa sakit
na ito o dahil sa iyong nararamdaman) o ito ba ay para makuha ang pansin, paghihiganti o reaksyon ng iba? O pareho?
(1) Sa kabuuan, para makuha ang pansin, paghihiganti o reaksyon ng iba. (4) Sa kalakhan, para matapos na o matigil na ang sakit ____
(2) Sa kalakhan, para makuha ang pansin, paghihiganti o reaksyon ng (hindi mo na kayang mabuhay dahil sa sakit o sa iyong
iba. nararamdaman).
(3) Parehas na para makuha ang pansin, paghihiganti o reaksyon ng iba (5) Sa kabuuan, para matapos na o matigil na ang sakit
at para wakasan/matapos na ang sakit. (hindi mo na kayang mabuhay dahil sa sakit o sa iyong
nararamdaman).
(0) Hindi naaangkop
MGA GAWI TUNGO SA PAGPAPAKAMATAY Mula
(Tsekan ang lahat ng naaangkop kung ang mga ito ay magkakahiwalay na mga pangyayari; dapat itanong ang lahat ng uri) Nang
Huling
Bisita
Tunay na Pagtatangka:
Isang pagkilos na maaaring nakakapinsala sa sarili na isinagawa nang may pagnanais na mamatay bunga ng pagsasagawa nito. Ang gawing ito, sa isang Oo Hindi
bahagi, ay pinag-isipan bilang paraan ng pagpapakamatay. Hindi kailangang maging 100% ang balak. Basta may anumang balak/hangad na mamatay
kaugnay ng kilos na ito, maaari na itong ituring na isang tunay na pagtatangkang magpakamatay. Hindi kailangang makapagdulot ng pinsala, ang
posibilidad lamang na makapinsala ay sapat na. Kung kakalabitin ng isang tao ang gatilyo habang nasa bibig niya ang baril pero sira naman ang baril kaya
walang naging pinsala, ituturing itong isang pagtatangka.
Paghihinuha ng Balak: Kahit pa itanggi ang balak/pagnanais na mamatay, mahihinuha ito sa klinikal na pakikipanayam mula sa gawi o sa mga pangyayari.
Halimbawa, isang kilos na talagang nakakamatay na maliwanag na hindi aksidente kung kaya maiisip na ito’y walang iba kundi tangkang pagpapakamatay
(halimbawa, pagbaril sa ulo, pagtalon sa bintana ng mataas na gusali). Gayon din, kung itanggi ng isang tao ang balak na mamatay, pero napagtanto naman
na ang ginawa nito ay maaaring magbunga ng kamatayan, mahihinuhang naroon ang balak.
Nakapagsagawa ka na ba ng tangkang magpapakamatay? Kabuuang #
May ginawa ka na bang anuman na makapipinsala sa sarili mo? ng
May ginawa ka na bang anuman na mapanganib na kung saan maaari mong ikamamatay? pagtatangka
Ano ang ginawa mo?
Ginawa mo ba ang ______ bilang paraan para tapusin ang iyong buhay? ______
Ginusto mo bang mamatay (kahit bahagya lamang) nang gawin mo ang _____?
Tinatangka mo bang tapusin na ang iyong buhay nang gawin mo ang _____?
O naisip mo bang maaari kang mamatay dahil sa _____?
O ginawa mo ba ito sa ibang kadahilanan lamang/nang walang ANUMANG balak na magpakamatay (gaya ng pagbawas ng
pagkaligalig, pagbuti ng pakiramdam, pagkuha ng pagkahabag, o para baguhin ang mga situwasyon)? (Gawing Nakapipinsala sa
Sarili nang walang balak na magpakamatay)
Kung oo, ilarawan:
Oo Hindi
Ang kalahok ba ay nagsagawa ng Pagkilos na Walang Balak na Magpakamatay pero Nakapipinsala sa Sarili?
Naudlot na Pagtatangka:
Kapag ang isang tao ay naudlot (dahil sa pangyayaring panlabas) sa pagsisimula ng isang kilos na maaaring makapinsala sa sarili (kung hindi man gayon, Oo Hindi
maaaring naisagawa ang tunay na pagtatangka).
Pag-inom ng sobrang dami na gamot: Mayroon siyang mga pildoras sa kamay pero napigilan sa paglunok nito. Kung nalunok na ang mga pildoras, ito ay
isa nang pagtatangka at hindi na lamang naudlot na pagtatangka. Pagbaril: Nakatutok ang baril sa sarili, ang baril ay naagaw ng iba, o napigilan sa
pagkalabit sa gatilyo. Kapag nakalabit na ang gatilyo, kahit pa hindi pumutok ang baril, ito ay isang pagtatangka. Paglundag: Handa nang tumalon, nahatak
at naibaba sa kinatutungtungan. Pagbibigti: May tali na sa leeg pero hindi pa nagbibigti – at napigilan sa pagbibigti. Kabuuang #
Mayroon bang pagkakataon na sinimulan mo nang gumawa ng isang bagay para tapusin ang iyong buhay pero may isang tao ng naudlot na
o isang bagay na pumigil sa iyo bago mo ito tunay na maisagawa? pagtatangka
Kung oo, ilarawan: ______

Napigilang Pagtatangka: Oo Hindi


Kung ang isang tao ay nagsimula na sa paggawa ng mga hakbang patungo sa pagtatangkang magpakamatay, pero napigilan ang sarili bago pa man tunay na
nakapagsagawa ng anumang gawing makapipinsala sa sarili. Ang mga halimbawa ay katulad ng mga naudlot na pagtatangka, maliban lamang sa pagkapigil
sa sarili sa halip na ibang bagay ang nakapigil sa kanya. Kabuuang #
Mayroon na bang pagkakataon na nagsimula ka nang magsagawa ng bagay para subukang tapusin ang iyong buhay pero ng napigilang
napigilan mo ang iyong sarili bago ka tunay na makagawa ng ano man? pagtatangka
Kung oo, ilarawan: ______

Mga Paghahandang Kilos o Gawi: Oo Hindi


Mga kilos o paghahanda sa napipintong pagsasagawa ng tangkang pagpapakamatay. Maaaring ibilang dito ang alin mang mas higit sa pagpapahayag o pag-
iisip, tulad ng pagbubuo ng isang tiyak na paraan (halimbawa, pagbili ng mga pildoras o ng baril) o paghahanda para sa kamatayan sa pamamagitan ng
pagpapakamatay (halimbawa, pamimigay ng mga gamit, pagsulat ng liham ng pagpapakamatay).
May naisagawa ka na bang anumang mga hakbang tungo sa pagsasagawa ng tangkang pagpapakamatay o paghahandang
magpakamatay (tulad ng pag-iipon ng mga pildoras, pagbili ng baril, pamimigay ng mahahalagang gamit o pagsulat ng liham
ng pagpapakamatay)?
Kung oo, ilarawan:

Naisagawang Pagpapakamatay: Oo Hindi


Pinakamalala/Pinaka-
Magbigay ng Sagot para sa Tunay na Pagtatangka Lamang nakamamatay na
Pagtatangka
Petsa:
Tunay na Antas Kung Gaano ito Nakamamatay (Lethality)/Pinsalang Medikal: Ipasok ang Kodigo
0. Walang pinsala sa katawan o napakabahagyang pinsala lamang sa katawan (halimbawa, mababaw na galos).
1. Bahagyang pinsala sa katawan (halimbawa, matamlay na pagsasalita; pagkasunog na “first degree”; bahagyang pagdurugo; pilay).
2. Katamtamang pinsala sa katawan; kinakailangan ang pangangalagang medikal (halimbawa, may malay pero inaantok; medyo tumutugon sa mga
tanong; pagkasunog na “second degree”; pagdurugo ng malaking ugat). ______
3. Medyo malalang pinsala sa katawan; kinakailangang ipasok sa ospital at malamang na kailangan ang masusing pangangalaga (halimbawa,
comatose na walang pinsala sa “reflexes”; pagkasunog na “third degree” sa kulang sa 20% ng katawan; maraming pagkawala ng dugo pero
makakabawi pa; malalaking bali ng buto).
4. Malalang pinsala sa katawan; kinakailangang ipasok sa ospital at nangangailangan ng nakatuon at masusing pangangalaga (halimbawa,
“comatose” na walang reflexes; pagkasunog na “third degree” ng mahigit sa 20% ng katawan; maramihang pagkawala ng dugo at di matatag ang
“vital signs”; malaking pinsala sa isang “vital area”).
5. Pagkamatay
Malamang na Antas Kung Gaano ito Nakamamatay (Lethality): Sagutin Lamang kung Tunay na Antas Kung Gaano Ipasok ang Kodigo
ito Nakamamatay=0
Malamang na antas kung gaano nakamamatay (lethality) ng tunay na pagtatangka kung walang pinsalang medikal (ang sumusunod na mga
halimbawa, kahit walang tunay na pinsalang medikal, ay maaaring seryosong nakamamatay: ipinasok sa bibig ang baril at kinalabit ang gatilyo pero
hindi pumutok ang baril kaya walang pinsalang medikal; humiga sa riles ng tren na may paparating na tren pero nakabangon bago pa man ______
masagasaan).

0 = Ang gawi ay malamang na hindi magbunga ng pinsala sa katawan


1 = Ang gawi ay malamang na magbunga ng pinsala sa katawan pero hindi naman magbubunga ng kamatayan
2 = Ang gawi ay malamang na magbunga ng kamatayan kahit pa mayroong makukuhang pangangalagang medikal

You might also like