You are on page 1of 4

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

 PAGLALAHAD- isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang linaw ang isang konsepto
o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa
pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng
pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghatid sa kanya ng kasiyahan at
kalinawan sa pagsang pinag-uusapan.

 PAG-IISA-ISA- isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng


maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod. Sa pamamaraang ito,
malinaw na naipakikita ang mga kadahilanan at bunga ng mga pangyayari. Ginagamit kadalasan ang
ga salitang UNA, IKALAWA, IKATLO at IKAAPAT.

Halimbawa: Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa
COVID-19:
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
3. Takpan ang iyong ubo at bahing.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo.
5. Manatili sa bahay kung ikaw ay masakit.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, magpakonsulta agad-ngunit tawagan mo
muna ang health facility.
7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad

 PAGHAHAMBING AT PAGSASALUNGATAN – ginagamit ang paraang ito sa paghahambing ng


pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay upang madaling maunawaan ang isang uri ng
sanaysay.

Paghahambing na magkatulad – Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay antas na


katangian ng isang bagay o anuman. Halimbawa:
1. Magkasing-haba ang buhok nina Karylle at Anne.
2. Magkasing-tangkad kami ni Joy.

Paghahambing na di-magkatulad – Ginagamit ito kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas
ng isang bagay o anuman. Halimbawa:
1. Mas mahaba ang buhok ko kaysa kay Michelle.
2. Mas matangkad ka kaysa kuya ko.

 PAGSUSURI – sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakakaapekto sa isang sitwasyon at


pagkakaugnay-ugnay ng mga salita at pangungusap sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan.

Halimbawa:
Ang mga naiulat na sakit ay sumasaklaw mula sa mga tao na may banayad (mild) o walang mga
sintomas hanggang sa mga taong nagkasakit ng malubha, na nangangailang maospital, at
namamatay.

 SANHI AT BUNGA – inilalahad nitoang sanhi o dahilan kung ano-ano ang kinalabasan ng
pangyayari. Sa paraang ito madaling makikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga
pangyyari at mensahe at diwa ng sanaysay.

Halimbawa:
Dahil sa patuloy na kawalan ng disiplina, hindi pagtupad sa mga alintuntunin ng DOH at kawalang
bahala sa nangyayari sa paligid patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

 PAGLALARAWAN – isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na


larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig.

 PANGANGATUWIRAN- - isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay


upang ang isang panukala ay maging katanggap tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na
hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag. Sa pangangatuwirang, ang katotohanan ay
pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katuwiran o rason.

 PAGSASALAYSAY – nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng


pagkwekwento ng mga kawili-wili na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing na
pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng pagpapahayag.

 PAGBIBIGAY NG HALIMBAWA – Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng


pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.
Siguraduhin lamang na tiyak o makatotohanan ang ibibigay na halimbawa.

Halimbawa:
Ang pagsusuot ng face mask ay isang halimbawa ng pagmamalasakit upang mapigilan ang pagkalat
ng virus at makaiiwas sa sakit.

Sa pagsulat ng paglalahad ay kailangan ang malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin,


pagpapaliwanag sa kahulugan, malinaw at maayos na pagpapahayag at walang kinikilingan
A. PANUTO: Sumulat ng isang talata na binubuo ng lima hanggang sampung pangungusap na
naglalahad ng pag-iisa-isa ng mga paraan upang, makaiwas sa posibleng pagkakaroong ng COVID
19.
Mga posibleng paraan upang makaiwas sa COVID 19.

B. PANUTO: Sumulat ng isang talata na binubuo ng 5-10 pangungusap na nagpapahayag ng


paghahambing ng buhay mo bilang mag-aaral noon at buhay mo bilang mag-aaral ngayon. Gamitin
ang mga panandang ginagamitsa paghahambing na nasa kahon.

Katulad. Di-katulad, magkaiba, ngunit, pero, bagama’t


magkapareho, hindi kaiba
I. PANUTO: Itapat ang hanay ng Sanhi sa hanay ng Bunga. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
SANHI BUNGA
1. Maraming mamamayan ang hindi a. Marami ang nawalan ng trabaho
nakakabili.
2. Patuloy ang paglabas nya ng bahay. b. Na humantong sa kanyang
pagkakasakit
3. Dahil nagkaroon ng pandemia c. Resulta ng pagtaas ng mga presyo
ng bilihin
4. Sanhi ng maagang pag-aasawa d. Hindi na sya nakatutulong sa mga
gawaing bahay
5. Nabawasan ang polusyon e. Resulta ng pagsasara ng mga
malalaking pabrika.
6. Dahil sa tinapos nya ang buong episode f. Ang mga karinderya ay nagsara
ng drama
7. Nakapundar siya ng mga gamit g. Napuyat si Maria
8. Sanhi ng Magandang pagpapalaki ng h. Hindi siya nakapagtapos ng pag-
kanyang mga magulang aaral
9. Dahil sa labis na paglalaro ng ML i. Sinauli ni Jaysonang kanyang
napulot nap era.
10. Dahil sa Corona Virus j. Bunga ng kanyang pagtitipid.

II. PANUTO: Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng 10 hanggang 15 pangungusap hinggil sa


COVID 19 na ginagamitan ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.

You might also like