You are on page 1of 2

FROM SECOND DAY TO THIRD DAY

Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang sariling opinyon
tungkol dito (F8PD-IIId-e-30);
Nabibigyang-katwiran ang kahalagahan ng katotohanan, hinuha, opinyon at personal na
interpretasyon
Nakagagawa ng iskrip ng komentaryong panradyo tungkol sa mga napapanahong isyu

D. PANGKATANG GAWAIN (Ilipat na sa ikatlong araw)


Panuto: Humanap ng kapareha. Magkakaroon ng ugnayang tanong at sagot sa gitna ng
dalawang mag-aaral at tatalakayin ng bawat isa ang napanood kagabi at ang napakinggang
komentaryo ngayon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang detalyadong maitalakay
ang programang napanood at napakinggan.

Mga tanong:
1. Tungkol saan ang napanood at napakinggang komentaryo?
2. Sino-sino ang mga mamamahayag sa dalawang komentaryo?
3. Ano ang istasyon at programang ito?
4. Ano ang kaugnayan ng balitang napanood sa balitang iyong napakinggan?
5. Mahalaga ba itong malaman ng kabataang tulad mo? Bakit?

PAG-UULAT (Ilipat na ito sa ikatlong araw)


Sino ang magkaparehang magboboluntaryong magtalakay sa unahan ng kanilang napanood
at napakinggang komentaryo?

Magaling! Sino pa ang nais magtalakay sa unahan ng kanilang napanood at napakinggan?

(Ang mga mag-aaral ay maghahanap ng kaparareha at tatalakayin ang napanood at


napakinggang komentaryo.)

pagtataya
Panuto: Sumulat ng iskrip ng kometaryong panradyo tungkol sa mga napapanahong
isyu.Gawing padron o pattern ang nabasang komentaryong panradyo kaugnay ng
bakuna kontra COVID-19. Ito na rin ang magsisilbing awtput ninyo sa araling ito. (Ibigay
ito bilang output ng mga mag-aaral)

Mamili lamang ng isa sa mga napapanahong isyu:


 Pagpapaikli ng school calendar
 Pagguho ng lupa o landslide sa Davao de Oro
 Mindanao secession o ang pagkalas ng Mindanao sa bansang Pilipinas
 Mga kaganapan sa araw ng mga puso o Valentines Day
 Ang paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo

ISAISIP
Panuto: Dugtungan ng 2-3 pangungusap ang mga pahayag upang makabuo ng isang
makabuluhang talata. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.
Sa pakikinig sa radyo, maging sa panonood ng telebisyon, mahalagang
malaman at matukoy ang pinagkaiba ng mga pahayag na nagsasaad ng
katotohanan, hinuha, opinyon, at personal na interpretasyon dahil
__________________________________________________________________
_____________________________________________________.

Gayon din, mainam na maisa-isa ang mga positibo at negatibong


pahayag sa napakinggan o napanood man upang
__________________________________________________________________
_____________________________________.

Panuto: Bumuo ng tatlong pangkat. Batay sa iyong napanood na balita o komentaryo, isa-
isahin ang positibo at negatibong pahayag. Ibigay ang sariling interpretasyon tungkol dito at
iugnay ito sa napakinggan. Gayon din, tukuyin ito kung katotohanan, hinuha, opinyon, o
personal na interpretasyon. Gamitin ang grapikong pantulong at sagutin ito sa hiwalay na
papel. Sasagutan ng unang pangkat ang unang kahon. Ikalawang kahon naman sa ikalawang
pangkat, at ikatlong kahon sa ikatlong pangkat.

(Napanood na balita)

Mga Positibo Pag-uugnay sa


at Negatibong K-H-O-P napanood at
Pahayag napakinggan

Katotohanan:
Positibo: Hinuha:
Negatibo: Opinyon:
Personal na
interpretasyon:

You might also like