You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII – SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
JOHNNY ANG NATIONAL HIGH SCHOOL
KATANGAWAN, GENERAL SANTOS CITY

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7


Ikalawang Markahan
September 12, 2019
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang
kabihasnang Asyano
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbibigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang
Asyano.
Mga Kasanayang Pampagkatuto
MELC
Napapahalagahan ang mga Kaisipang Asyano na nagbigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pabuo ng pagkakakilanlang Asyano. (AP7KSA-IIc-1.4)

I- Layunin
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naibibigay ang kahulugan ng relihiyon;
B. Napapahalagahan ang relihiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang
estratehiya( pagguhit, pagkukwento, paggawa ng tula at pagbuo ng kanta)

II. Nilalaman
Paksa: Ang Konsepto ng Relihiyon
Sanggunian: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 226-249
KAYAMANAN:Araling Asyano, pahina 248-270
https://www.youtube.com/watch?v=bYn0G7Lc2Nw

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagbati
- Pagtatala
- Mga Paalaala:Panatilihin ang oraganisasyon sa klase. Sa mga pangkatang gawain magkaroon ng
pagtutulungan at kooperasyon. Habang may nagsasalita sa harapan lahat ay makinig. Ang
indibidwal o grupong nakagawa nito ay bibigyan ng karagadagang puntos.
- Pagwawasto sa Takdang-Aralin
Anong pilosopiya sa Asya ang higit na nakatulong sa pamumuhay ng mga Asyano?

B. Balik-aral
1. Ano ang tinalakay natin noong nakaraang aralin?
2. Ano-ano ang mga pilosopiya sa Asya?

C. Aktibiti

Name of School: Johnny Ang National High School


Address: Katangawan, General Santos City
Contact No.: 0950-790-9159
Email Address: johnnyangnhighs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII – SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
JOHNNY ANG NATIONAL HIGH SCHOOL
KATANGAWAN, GENERAL SANTOS CITY

Gawain 1. Sabayang Pagbabasa ng Bawat Pangkat

Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang guro ay magbibigay sa bawat grupo ng teksto . Kanila itong
babasahin ng sabayan sa harap ng klase. Ang teksto ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa relihiyon.
Matapos nila itong mabasa ay pipili sil ng kanilang representante na magbibigay ng kanilang opinyon sa
nabasa

D. Analisis

Pamprosesong mga Katanungan


1. Ano ang inyong naiisip o nahihinuha kapag naririnig ang salitang RELIHIYON?
2. Sino sa inyo ang napabilang o miyembro ng isang relihiyon?
3. Maaari mo bang ilahad sa klase kung sino at ano ang tawag sa pinuno ng inyong relihiyon.
4. Bakit ba mayroong relihiyon?

-Feedback ng guro
E. Abstraksyon

Video Presentation
Ang guro ay magpapakita ng video presentation tungkol sa mga Relihiyon sa Asya

Mga Gabay na tanong


1. Ano ang relihiyon?
2. Ano-ano ang mga relihiyon sa Asya?
3. Saan ito nagmula?
4. Sino ang nagtatag?
5. Ano-ano ang mga aral nito?

Ano ang Relihiyon?


Ito ay organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian at pananalig
na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang diyos.

Mga Relihiyon sa Asya

HINDUISMO
 Ang mga Aryan ang nagtatag ng pundasyon ng ng Hinduismo.
 Tatlo ang pangunahing diyos nito.
 Brahman ang pandaigdigang kaluluwa at ang wakas at tunay na realidad
 Bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste
 Reinkarnasyon ang siklo ng kapanganakan at kamatayan
 Karma ang kabuuang pagkilos ng tao
 Moksha ang paglaya sa siklo ng kapanganakan at kamatayan
 Nirvana ang tunay na kaligayahan

BUDISMO
 Siddharta Gautama Buddha ang nagtatag ng Budismo
 Iniwan niya ang kanyang marangyang buhay para hanapin ang kaliwanagan at nais rin niyang
makawala sa paulit-ulit na reinkarnasyon.
 Naniniwala rin ang Budismo sa karma at reinkarnasyon

Name of School: Johnny Ang National High School


Address: Katangawan, General Santos City
Contact No.: 0950-790-9159
Email Address: johnnyangnhighs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII – SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
JOHNNY ANG NATIONAL HIGH SCHOOL
KATANGAWAN, GENERAL SANTOS CITY

 Naniniwala sa Four Noble Truths


 Nahahati ang Budismo sa Mahayana at Theravada

JAINISMO
 Itinatag ni Vardhamana o mas kilalamh Mahavira
 Tulad ng Hinduismo at Budismo naniniwala ang Jainismo sa reinkarnasyon at karma
 Bawal sa Jainismo ang paggammit ng dahas, tinatawag itong ahimsa o kawalan ng karahasan
 Bawal ang pagkain ng karne.
\
SIKHISMO
 Sa panahon ng sigalot ng Hinduismo at Islam nabuo ang Sikhismo
 Itinatag ni Guru Nanak
 Guru Granth Sahib ang kanilang banal na aklat
 Nirankar ang tawag sa kanilang diyos.
 Nais nilang sirain ang ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa diyos
 Sumusunod sa Five Cardinal Vices
 Sa India Makikita ang Sikhismo

JUDAISMO
 Ito ay monoteistikong relihiyon na ang ibig sabihin ay ang paniniwala sa iisang diyos.
 Ito ay relihiyon ng mga Jew
 Torah ang kanilang banal na aklat
 Si Moses ang pinakadakilang pinuno ng mga Jew

KRISTIYANISMO
 Itinatag ni Hesukristo noong unang siglo
 Ito ay hango sa relihiyong Judaismo
 Bibliya ang banal na aklat
 Sumunod sa Seven sacrament

ISLAM
 Ang ibig sabihin ng Islam ay kapayapaan at pagsuko
 Si Allah ang diyos ng Islam
 Muslim o Moslem ang tagasunod ng Islam
 Si Muhammad ang nagtatag
 Kaaba ang gusali na kung saan napaloob ang Black Stone
 Naniniwala sila sa Five Pillars of Islam

ZOROASTRIANISMO
 Ito ay isang matandang relihiyon sa daigdig
 Itinatag ni Zarathustra sa Greece o Zratosht sa India at Persia
 Ahura Mazda ang kinikilalang diyos ni Zoroaster
 Zend Avesta ang banal na aklat na naglalaman ng ga awit ni Zoroaster
 Ang Mainyu ang masamang diyos sa Zoroastrianismo

F. Aplikasyon

Name of School: Johnny Ang National High School


Address: Katangawan, General Santos City
Contact No.: 0950-790-9159
Email Address: johnnyangnhighs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII – SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
JOHNNY ANG NATIONAL HIGH SCHOOL
KATANGAWAN, GENERAL SANTOS CITY

Gawain 3: It’s Showtime!


Panuto: Sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya ipakita natin ang kahalagahan ng relihiyon hindi
lamang sa pagbuo ng ating kabihasnan maging ito sa ating pamumuhay sa kasalukuyan

Group 1 – Deklamasyon Group 2 – Sanaysay


Group 3 – Pagbuo ng Kanta Group 4 -Pagbuo ng Tula
Rubriks sa Pangkatang gawain

Mga Puntos
Mga Batayan
5 3 1

Naibigay ng buong husay May kaunting kakulangan


Maraming kakulangan sa nilalaman ang
Nilalaman ang hinihingi ng takdang ang nilalaman na ipinakita sa
ipinakita sa gawain
paksa gawain

Buong husay at malikhaing


Naipakita /naipaliwanag ang Di gaanong naipaliwanag ang gawain sa
Presentasyon naipakita/naipaliwanag ang
gawain klase
gawain

Naipapamalas ng halos lahat


Naipapamalas ng buong
ng miyembro ang Naipapamalas ang pagkakaisa ng iilang
Kooperasyon miyembro ang pagkakaisa sa
pagkakaisa sa paggawa ng miyembro sa paggawa ng gawain
paggawa ng gawain
gawain

Natapos ang pangkatang Natapos ang pangkatang


Takdang Oras gawain ng buong husay sa gawain ngunit lumagpas sa Di natapos ang pangkatang gawain
loob ng itinakdang oras tamang oras

G. Paglalahat
1. Ano ang natutunan mo sa ating natalakay na leksiyon?
2. Ano-ano ang mga nabuong relihiyon sa Asya?
3. Paano nakaimpluwensiya ang relihiyon sa pagbuo at paghubong ng kabihasnang Asyano?sa pamumuhay
sa kasalukuyan

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kalahating papel.

1. Ito ang pangunahing relihiyon sa India na mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa relihiyong ito.

a. Hinduismo b. Kristiyanismo c. Buddhismo d. Judaismo

2. Nilikha ni Allah ang lahat ng bagay sa daigdig at siya lamang ang gabay ng sangkatauhan. Kung susunod ka
sa kagustuhan ng Panginoon, gagantimpalaan ka niya sa kabilang buhay.

a. Buddhismo b. Islam c. Jainismo d. Sikhismo

3. Sino ang nagtatag ng relihiyong Sikhismo?


a. Moses b. Kristo Hesus c. Guru Nanak d. Gautama
4. Siya ang nagtatag ng Buddhism, isang batang prinsepe, ninais niyang maging asetiko upang danasin ang
katotohanan ng buhay.

Name of School: Johnny Ang National High School


Address: Katangawan, General Santos City
Contact No.: 0950-790-9159
Email Address: johnnyangnhighs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII – SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
JOHNNY ANG NATIONAL HIGH SCHOOL
KATANGAWAN, GENERAL SANTOS CITY

a. Sidharta Gautama b. Rsabha c. Allah d. Muhammad


5. Ito ang pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig. Ito ay galing sa salitang Arabic salam na ibig
sabihin ay kapayapaan.
a. Kristiyanismo b. Islam c.Hinduismo d.Budismo
6. Naniniwala sila sa pagbubuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng pagkakaisang
ispiritwal.
a. Kristiyanismo b. Hinduismo c. Islam d. Budismo

7. Isa ito sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Naniniwala sila sa iisang Diyos, ang Torah na
nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng limang aklat ni Moses.

a. Judaismo b. Sikhismo c. Islam d. Budismo

8. Ito ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw at iba pang diyos ng kalikasan.

a. Zoroastrianismo b. Katolisismo c. Shintoismo d. Hinduismo

9. Ano ang tawag sa banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan?

a.Veda b.Torah c. Bibliya d.Koran


10. Ang pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo batay sa dami ng mga taga-sunod at kasapi
nito.

a. Islam b. Kristiyanismo c. Jainismo d. Sikhismo

V. Takdang-aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya

Prepared by:

MARY JOY B. PANTINOPLE Observed by:


Demonstrator

IMELDA V. VILLANUEVA
Master Teacher I

Noted by:

MA. TERESA P. DINERO, PHD


Principal II

Name of School: Johnny Ang National High School


Address: Katangawan, General Santos City
Contact No.: 0950-790-9159
Email Address: johnnyangnhighs@gmail.com

You might also like