You are on page 1of 1

Ang pananaliksik na “Pamumuno sa Pilipinong pagtingin: Ang pagkalider batay sa pagtataglay ng mga

katangian” ay may hangaring mailahad ang mga katangian ng mga pinunong Pilipino datapwa’t
karamihan ng mga pananaliksik ukol sa paksang pamumuno sa Pilipinas ay nakatuon sa pag-aaral ng
kanilang mga kilos – siyang nag-ugat sa kanluraning konseptwalisasyon ng pamumuno,

Kasama ang mga lokal na lider-pulitiko at mga mamamayang hindi lider-pulitiko, natagpuang ang
mga Pilipinong lider ay mas mababa sa sukat ng pagkamaayos at pagka di-mayabang, at mas mataas
naman sa katangian ng pagkamatulungin. Ang resultang ito ay nangangahulugang (1) ang mga lider
ay mas bukas sa kaguluhan sa gamit at kapaligiran, (2) may dominanteng katangian, at (3) higit na
mapalakaibigan.

Alinsunod nito, itinala rin sa resulta ng pananaliksik na may pagkakaiba ang mga lider at hind-lider
batay sa edad, kasarian, at antas ng edukasyon. Partikular, ang mga lider ay mas matatanda,
karaniwang nagmumula sa kalalakihan, at nakapagaral ng kolehiyo.

Sa lahat ng aking natutunan, may iisang katangiang Pilipino ang tumatak sa aking isipan; ang
katangiang higit na humuhubog at tumatangi sa mga Pilipino – ang pakikipagkapwa. Kaya’t kung
mayroon man akong matatawag na isang Pilipinong lider, yun ay siyang lider na hinihimok ng diwa ng
pakikipagkapwa higit sa lahat. Siyang may pananaw at tunguhin na kaisa ng kaniyang
pinamumunuan; katuwang ang taong-bayan sa bawat hakbang na kaniyang tinatangan. Sapagka’t
mahalaga man ang talino, diskarte, lakas, karisma, at iba pang katangiang inaankin ng mga lider,
hindi ko makilala na Pilipinong lider ang siyang hindi kaugnay ng kaniyang komunidad; sarili’y iba sa
kaniyang kapwa Pilipino.

You might also like