You are on page 1of 3

Name Basic Level Score LAS #3

ALS School: Schedule: Date

Type of Activity

Extended Learning Classroom Encounter Others

(Individual Practice)

Bilang ng Strand. : 2 Paglutas ng Problema at kritikal na pag iisip

Modyul: Mga Alamat at Siyentipikong Paliwanag ng mga likas na Penomena

Aralin:Pagpapaliwanag sa likas na Penomena

Kasanayan sa Pagkatuto:

1. Ipaliwanag ang likas na phenomena ayon sa agham sa halip na tanggapin ang mga
alamat bilang pagpapaliwanag
Pagpapahalaga:Pagtanggap sa mga bagay na,may kaugnayan sa likas na phenomena sa
halip na paniwalaan ang mga alamat bilang pagpapaliwanag

Sanggunian:Bahagi 2: Paglutas ng Problema at kritikal na pag iisip: Pagpapaliwanag sa


likas na phenomena pp.1-14

I.Pre-Test Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Mainam magtanim tuwing kabilugan ng buwan dahil __________________________.


a. Nasa mga palayan ang mabubuting espiritu upsng tulungan ang mga magsasaka
b. Nakatutulong sa proseso ang hatak o grabidad ng buwan ng pagsipsip ng tubig ng mga halaman
c. Mas nakakakita ang mga magsasaka dahil sa liwanang mula sa buwan

2. Ang Gawain sa unang numero ay tinatawag na _________________________.


a. Lunar agriculture
b. Ritwal ng buwan
c. Pagtatrabaho kasama ang mabubuting espiritu

3.Nangyayari ang eklipse kapag _________________________________.

a. may kasamang demonyo na nais kumain ng araw o buwan

b. hindi nagbibigay ng alay ang mga tao

c. kalinya ng mundo at araw ang buwan


1. Ang ulan ay _________________________.
a. presipitasyon sa anyong likido
b. luha ng malungkot na Diyos
c. resulta ng pagkanta ng isang taong pangit ang boses

2. Ang ulan ay may malaking bahagi sa ___________________.


a. Vapor cycle
b. Water cycle
c. Heat cycle

II.Concept Note

Totoo na mas makabubuti na magtanim kapag kabilugan ng buwan. Alam mob a kung bakit? Ayon sa
nakatatanda, ang mga mabubuting espiritu ay nasa mga bukirin sa panahong ito. Tinutulungan nila ang mga
magsasaka sa pagtatanim. Ngunit mayroon siyentipikong paliwanag kung bakit mas mainam na magtanim
kapag bilog ang buwan.

Nakakaapekto ang paggalaw ng buwan sa paglaki at pagliit ng tubig sa karagatan. Bukod sa malaking
yamang-tubig, nakakaapekto din ang buwan sa galaw ng maliliit na yamang-tubig sa mundo. Sinasabing
naapektuhan ng buwan pati ang tubig sa loob ng mga halaman at ani.

May mga magsasakang nagsasagawa ng lunar agriculture o paagtatanim ayon sa buwan. Isa itong paraan
kung saan pinipili ng magsasaka ang tamang anyo ng buwan upang magtanim, gumamas, palakihin at anihin
ang kanilang pananim. Tuwing kabilugan ng buwan, ang magkasamang grabedad ng buwan at araw ay
pinakamalakas. Kung kaya ang hila sa yamang-tubig ay pinakamalakas rin sa poanahong ito. Ito ng dahilan
kung bakit malakas ang dagat (high tide). Ito marahil ang dahilan kung bakit ipinapayo ang pagtatanim kapg
kabilugan ng buwan- madaling sinisipsip ng mga halaman ang tubig dahil sa malakas na hatak ng
buwan.Maraming mga magsasaka ang naniniwala na makabubuti ang pagtatanim kapg kabilugan ng buwan
dahil sa mabubuting espiritu. Ang hindi nila ala, nagsasagawa sila ng siyentipikong paraan ng pagtatanim na
kung tawagin ay lunar agriculture.

Solar Eklipse

Isa pang halimbawa ng likas na phenomena ang eklipse. May dalawang halimbawa ng eklipse. Nangyayari ang
solar eklipse kapag tinatakpan ng buwan ang liwanag na galing sa araw mula sa isang lugar sa mundo.
Ipinapakita ito sa larawan sa itaas.

Kapag mayroong solar eclipse, tila nawawala o natatakpan ng isang maiitim na anino ng araw. Dahil ditto,
dumidilim ang kalawakan na parang gabi. Nagunit tumatagal lamang ng ilang minute ang eklipse. Matapos
nito, lilitaw na ulit ang araw at normal na muli ang lahat.

Lunar Eklipse

Isa pang klase ng eklipse ang lunar eklipse. Nangyahari ito kapag dumadaan ang buwan sa anino ng mundo.
Nangyayari sa gabi ang uring ito ng eklipse.

Kapag may lunar eklipse, tila nawawala ang buwan ng ilang minute. May mag pagkakataon na mayroong
lamang bahagi ng buwan na parang madilim o natatkpan ng maitim na anino.

III.Post Test:Isulat sa patlang ang tamang sagot.

1. Ang likas na ___________________________ ay may kapansin-pansin na pangyayari sa kalikasan


2. Dahil sa kawalan ng mga makabagong kaalaman at teknolohiya, ipinaliwanag n gating
________________ ang mga pangyayaring ito.
3. Pinakamainam na magtanim kapag _______________________ ng buwan.
4. Ang gawaing ito ay tinatawag na lunar ____________________.
5. Ayon sa ating mga ninuno, ang mga ______________________ay tumutulong sa magsasaka sa
pagtatanim at pagkakaroon ng mayabong na ani.

IV. Individual Agreement

Magbigay ng halimbawa ng mga pamahiin na may kinalaman sa mga kakaibang pagbabago sa ating
kapaligiran.

You might also like