You are on page 1of 60

Lahat tayo, SUPERHERO!

KAYAKAP
Journal
D ear Superhero,

Welcome sa KAYAKAP Program!

Ang KAYAKAP (KAsamang YAyakap sa KAbataan at Pamilya)


Program ay naglalayong palakasin ang inyong mga
supowerpowers na tatawagin nating life skills. Ang mga life
skills ay mga positibong pag-uugali na tumutulong sa mga Ang KAYAKAP Journal na
indibidwal na mabisang mapagtagumpayan ang mga
hamon ng pang-araw-araw na buhay. Bilang superhero, ang ito ay pagmamay-ari ni
iyong misyon ay tapusin ang programa at matutunan ang
mga sumusunod:

1. pag-unawa at pagkontrol sa emosyon (self-


management)
2. pambu-bully o bullying

Huwag mangamba; hindi ka nag-iisa. Makakasama mo sa


paglalakbay na ito ang iyong magulang o tagapangalaga.
At kapag napagtagumpayan mo ang lahat ng mga hamon,
mas makakaya mo nang harapin at lagpasan ang mga
pagsubok, pagkalito, at pagkabalisa na iyong
nararamdaman.

Handa ka na bang magsimula?

Pumapatnubay,
LIFE SKILLS Super Team
Ang Aking
KAYAKAP JOURNAL AKo ay...
Kilala mo ba ang iyong sarili? Isulat o iguhit sa loob ng
puzzle pieces ang iba't ibang bagay tungkol sa iyo!
Ang KAYAKAP Journal na ito ay iyong makakasama
sa pagpapabuti at pagpapatibay ng iyong
emosyonal na kagalingan sa pamamagitan ng mga
istorya na magbibigay ng inspirasyon, makukulay
na larawan, at nakaeengganyong aktibidad.

Maligayang paglalakbay!

MGA nilalaman
Ako ay... 1
Kumusta ang Puso Ko?...................................................... 2
Adventure #1: Ako at ang Aking mga KAYAKAP.......... 3
Stopover 1: My Super Character.................................. 8
Stopover 2: Feelings Circle............................................ 10
Stopover 3: Inside/Outside Mask................................. 12
Adventure #2: Pagkontrol ng Aking Emosyon............. 28
Stopover 1: Pagpapahayag ng Nararamdaman......... 33
Our Super Adventure.................................................... 34
Stopover 2: Hawak Kamay............................................ 40
Me & My Super Team.................................................... 41
Stopover 3: My Sensory Box......................................... 47
Adventure #3: Ang Laban Kontra sa Pang-aapi........... 66
Stopover 1: Buddy o Bully............................................. 82
Magsaliksik...................................................................... 83
Stopover 2: Positibong Pagkausap sa Sarili................ 86 "Ang iyong pagkakakilanlan ay ang
Ligtas at Aktibong Kilos ng Isang Bystander............... 87 iyong pinakamahalagang kayamanan.
Stopover 3: Liham ng Pasasalamat..............................
Stopover 4: Sining Galing...............................................
94
95
Ito ay iyong protektahan."
Bonus Adventure: Hero-Week Challenge...................... 96
1
Ipaliwa
nag an

ADVENTURE #1
g
Kumusta iyong g
awa.

ang puso
ko?
Ako at ang
Kulayan ang puso base Aking mga
EMOSYON
sa iyong kasalukuyang
nararamdaman.
Maaari kang gumamit
ng kahit ano at ilang
kulay na iyong nais.

Hi, superhero! Ready ka na bang simulan ang iyong


super adventure?

Welcome sa Adventure #1, kung saan ating kikilalanin


ang ating sarili, kasama na ang ang ating superpowers -
ang ating mga emosyon!

2 3
tsart ng mga emosyon
Kapag
Kapag ikaw ay nararamdaman mo
nakaramdam ang matinding
ng tuwa dulot pagkayamot
ng kasiya-siyang tungkol
pangyayari na sa mga bagay na
iyong naranasan hindi mo
masaya g a lit sinasang-ayunan

Kapag ikaw ay
Ang pakiramdam
nakararamdam ng
kapag ikaw ay
kawalan ng
hindi masaya dahil
kumpiyansa o
sa isang masamang
kasiguraduhan sa
pangyayari
NAg isang bagay
malungkot - a a lin l a n g a n

Ang pakiramdam
Ang pakiramdam
kapag nais mong
kapag ikaw ay
tumakbo o lumayo
nabigla o namangha
dahil ikaw ay
sa isang
natatakot sa isang
bagay na hindi mo
bagay na kasindak-
inaasahan
nagulat NATATAKOT sindak

4 *Ang mga depinisyong ginamit ay mula sa Emosyon Bibo5


tandaan! Normal ang makaramdam
ng iba't-ibang

Lahat tayo ay nakararamdam ng iba’t-


ibang emosyon—tulad ng ating tatay,
nanay, kapatid, at pati mga kaibigan.
emosyon.
Ugaliin nating alamin at pangalanan ang
ating mga nararamdaman. Makatutulong
ito na magkaroon ng angkop na reaksyon
at aksyon.

Maaaring magkakaiba ang emosyon na


nararamdaman natin at ng ibang tao sa
magkaparehong sitwasyon. Mahalagang
igalang ang nararamdaman ng iba,
kagaya ng paggalang natin sa ating mga
sariling emosyon.

Pero laging tandaan:


Normal man ang Yakapin mo ang mga ito.
makaramdam ng iba't-
ibang emosyon, may hindi
angkop o katanggap-
tanggap na reaksyon o
aksyon.

6 7
STOPOVER #1
MY SUPER
CHARACTER
Pangalan:
S
Kasarian:
Y SUP
M tume
Cos
ER

Superpowers (kalakasan):

Kryptonite (kahinaan):

Pinagmumulan ng superpowers:

8 9
FEELINGS CIRCLE
Isulat ang lahat ng nararamdaman mo ngayon sa rectangle.
Hatiin ang bilog ayon sa dami at
porsyento ng nararamdaman
na nailista.
Pumili ng nababagay na kulay at kulayan ang bilog na
katapat nito. STOPOVER #2

Masaya
Kinakabahan

Halimbawa: Pagod

Natatakot

10 11
3
INside / Outside Mask
Gamit ang paper plates, goma, pangkulay at Sa loob naman na bahagi ng maskara, iguhit ang emosyon o
iba pang pandisenyo, gumawa ng isang mask mga emosyon na madalas mong inililihim mula sa ibang tao
o maskara. Sa labas ng bahagi ng maskara, o ikaw lang ang nakakaalam.
iguhit ang emosyon/mga emosyon na
STOPOVER #3 madalas mong ipakita sa ibang tao.

12 13
3
Ang Makukulay na
Pisngi ni Iya
Si Iya ay may magaganda at kapansin-
pansing mga pisngi. ​Nag-iiba ang kulay ng
mga ito depende sa kanyang

(Hango sa "Lucy's Blue Day") nararamdaman sa bawat araw. ​Kapag ang


panahon ay kaaya-aya at siya ay masaya, ​
matingkad na dilaw na mga pisngi ang
iyong makikita.

sa panulat ni:
Sophia Amor Collado
guhit ni: kulay ni:
Axel Lei orosa Greggy Bautista
14 15
Isang araw, siya'y nakaramdam ng
inggit; kulay berde sa​mga pisngi’y
biglang pumuslit. ​​

At kapag si Iya naman ay nasasabik


sa isang bagay,​mga pisngi niya'y
nagiging lila ang kulay.​

Ngunit sa tuwing siya ay


nakararamdam ng inis at galit,
ang kanyang mga pisngi'y
nagiging kulay pulang mainit.

16 17
Ngunit.... ​

Dumating ang isang araw, at si Iya'y nagising na hindi


maipaliwang ang sariling ​nararamdaman. Biglang nalungkot sa
'di alam na dahilan. Hindi alam ang gagagawin, maski ang mga
gustong bigkasin. ​

Pisngi niya ay nagbago; biglang nagkulay bughaw ang mga ito. ​

Pumasok siya sa paaralan, ang mga kaklase niya sa kanya'y


nagsilapitan.​Namanghang makita ang mga pisngi niyang naging
kulay bughaw. ​

Gayunpaman, si Iya ay hindi pa rin masaya dahil sa bagong ​kulay


na mayroon ang mga pisngi niya. ​

18 19
Sa kalagitnaan ng kanyang kalungkutan, Si Emong ay ngumiti at tumugon kay Iya, “Wag kang mag-aalala,
nakita niya ang isang kaibigan. ​ tayo ay hindi kakaiba. Bughaw na pisngi ay nararanasan din ng
Si Emong na may pisngi ding bughaw,​ bawat isa. Tulad nila teacher, nanay, tatay, pati ang ating mga
pero ang ngiti ay nakasisilaw. kaibigan... lahat sila. Dapat mong malaman na normal lang ang
malungkot​. Katanggap-tanggap din ang matakot. Okay lang ang
magalit, at makaramdam ng inggit. Pero hephep! huwag kang
mag-alala, ito din ay mawawala. Kulay ng iyong mga pisngi ay
muling gaganda."

“Iya, bakit matamlay ka?", tanong ni Emong​.

“Dahil paggising ko ay bigla na lamang akong nakaramdam ng


lungkot”, ang sagot ni Iya na may mukhang nakabusangot.

20 21
Si Iya ay napangiti nang malaki, at sa kanyang sarili ay sinabi, Pagsusuri sa
"Tama! Ako ngayon ay malungkot, pero alam kong darating ang
bukas at ako ay muling makararamdam ng saya at ang mga
super story
Tapos mo na bang basahin ang kwento? Magaling!
pisngi ko'y magkukulay masigla."​
Ngayon ay pag-usapan naman natin ang mga ito:

1 Sino ang pangunahing


2 Ano ang nangyayari sa
tauhan sa kwento? kanyang mga pisngi?

3
Isulat ang emosyong katumbas ng mga sumusunod na kulay:

Dilaw
Pula
Berde
Lila
Bughaw

4 Ano ang mga hamon na


5 Maliban kay Emong,
kanyang pinagdaanan? kanino pa kaya niya
maaaring ibahagi ang
kanyang nararamdaman?

22 23
Kumusta ang iyong
Y+ A+ K+ A+ P paglalakbay?
= Emotional Wellbeing
Ibahagi ang iyong karanasan sa
Adventure 1. Anu-ano sa mga gawain
ang iyong nagustuhan? Bakit?

Y akapin ang iba’t-ibang emosyon


a lamin ang sariling kalakasan
Kilalanin ang mga taong ikaw ay
susuportahan
Alamin at pag-usapan ang iyong
nararamdaman
Paghingi at pagtanggap ng tulong Ang aking natutunan sa
Iguhit ang iyong
nararamdaman
ngayon.

= Emosyonal na Kagalingan adventure #1 ay...

Bukas na ang
ADVENTURE #2!
24 39
25
KATANUNGAN AT tandaan!
KASAGUTAN
Mahalaga ang pagkilala sa iyong mga
nararamdaman upang mapagtagumpayan
Ano ang kadalasang Ano ang madalas mong gawin
nagpapasaya sa'yo? kapag ikaw ay malungkot? ang mga ito.

Maaaring maranasan mo ang iba't ibang


emosyon nang sabay-sabay, at ito ay
normal at valid o katanggap-tanggap.
May iba’t ibang paraan para matulungan
ang sarili na mapagaan ang mga
mabibigat na nararamdaman.
Bakit ka nagulat? Paano mo masasabi na ikaw ay
galit na?

Tandaan:
Mas mabuti ang unti-unting
pagpapahayag ng matitindi at
mabibigat na mga emosyon kaysa sa
pagtatago at biglang pagsabog ng
Kanino ka humihingi ng Sino ang isang tao na mga ito.
tulong kapag ikaw ay madalas mong lapitan kapag
natatakot? hindi ka makapagpasya?

Bukas na ang
ADVENTURE #2!
26 19
27
ADVENTURE #2 Sa tuwing nakakaramdam ka ng matinding galit, ano ang napapansin
o nararamdaman mo sa iba’t ibang bahagi ng iyong katawan?

KONTROL
PAGKONTROL
Iguhit o isulat ang mga ito sa tapat ng bahagi ng katawan sa ibaba.

ng Aking
EMOSYON
EMOSYON

Pagbati, superhero! Napagtagumpayan mo ang iyong


unang adventure. Pero teka, sa lakas at tindi ng iyong mga
nararamdamang emosyon dala ng araw-araw na
pakikibaka, naranasan mo na bang mahirapang ipahayag
ang mga ito sa angkop na paraan? Huwag kang mag-alala,
may tamang skill para dyan!

Sa Adventure #2, halina't tayo'y matuto at magsanay sa


mga paraan ng pagkontrol at pagpapakalma ng ating mga
emosyon. Malalaman din natin kung sinu-sino ang mga
makatutulong sa atin.
14
28 29
ANO ANG MAAARING Magpanggap na parang
Pagong
GAWIN KAPAG pagong na naglalakad sa ilalim
ng magadang panahon at lahat
NAKAKARAMDAM NG ay maayos.
MATINDING EMOSYON? Hanggang biglang nagkaroon ng panganib,
kaya't kailangan mong pumasok sa iyong
bahay o shell upang maging ligtas sa
1 panganib.
HUMINGA NanG MALALIM Kapag tapos na ang panganib, puwede ka
Ito ay nagbibigay ng mensahe sa ating katawan nang lumabas mula sa iyong shell at
na kumalma. magpatuloy sa paglalakad.
Maaaring gumamit ng gabay tulad ng mga ito: ibo at B
ah Magpanggap na parang
Amuyin ang bulaklak (inhale),

at
balahibo na lumilipad sa

l
Ba
hipan ang kandila (exhale)

o
himpapawid (magpahinga).
I-trace ang daliri,
Bigla kang naging bato at
inhale kung pataas,
kailangan mong bumagsak na
exhale kung pababa
parang bola (tensyon).
2 Tapos bigla ka namang nabalik sa pagiging
GAWAING NAKAKA-RELAX landan
balahibo, at ikaw ay lumulutang ulit sa
Isipin na mayroon kang hawak na Da himpapawid (magpahinga).
dalandan sa iyong mga kamay.
Pigain ang mga ito ng tatlong beses 3
para lumabas ang katas. IGALAW ANG KATAWAN
-la
kad ka
ay
um a Maglaro
ising na

w
gg

S
Magla

Isipin na isa kang pusa na d


n
Bago

Pu

kagigising lamang.
sa

Maghikab, mag-unat ng
braso at hita at mag-relax.
30 31
4 Pagpapahayag ng
gAMITIN ANG 5 PANDAMA
Paningin (Sight)
STOPOVER #1 nararamdaman
Manood ng nakakatawang palabas Ito ang simpleng paraan ng pagsasabi ng iyong
nararamdaman sa taong maaaring nakapagdulot
Pang-amoy (Smell) nito.
Amuyin ang bulaklak HALIMBAWA:

Panlasa (Taste) Napahiya ako noong pinagalitan mo ako sa


Kumain o uminom ng tubig harap ng mga kaibigan ko dahil baka nag-iba
yung tingin nila sa akin. Sana, kung pag-
Pandinig (Hearing) sasabihan mo ako ay tayong dalawa lang.
Makinig ng mga kanta
___________________________ ako
(EMOSYON O NARARAMDAMAN)
Pandamdam (Touch)
Imasahe ang braso at balikat Noong _________________________
(PANGYAYARI O NAGANAP)

_______________________________
PAALALA: Ang mga ito ay ilang
halimbawa lamang. Marami DAHIL _________________________
(DAHILAN NG NARAMDAMANG EMOSYON)
pang ibang paraan upang
pakalmahin ang iyong sarili. Ang _______________________________.
importante, ang iyong gagawin
ay dapat katanggap-tanggap, SANA __________________________
(NAIS MANGYARI)
ligtas, at naaangkop sa iyong
kakayahan. Humingi ng tulong _______________________________.
sa iyong pamilya kung kailangan.

32 33
STOPOVER #1
S
_
a isang malayung-malayong lugar, mayroong isang
grupo ng mga superheroes na naglalakbay. Nais nilang
makarating sa Rainbow Town kung saan ang lahat ay
masaya at makulay. Ngunit bago makarating doon ay may

our super
mga challenges silang kailangan pagdaanan...

Dugtungan ang kuwento. Pumili ng isa sa tatlong cities

adventure
Maghanda at tawagin na ang iyong mga kasama!
(Wizard's Ruins, Blue City, at Fire City) at gumawa ng
kuwento patungkol sa emosyon o feelings na tinutukoy
doon. Tapusin ang inyong adventure sa pamamagitan ng
Mga Pagsubok na nakahadlang, sabay-sabay paggawa ng kuwento na hinihingi naman sa Rainbow Town.
nating pagtagumpayan! Let's go Heroes!

lue City
B

d's Ruin

Wizar
iF re City

City
Good job sa pagbuo ng iyong super character at super
w
nbo TO
team! Humanda na kayo upang simulan ang inyong
journey quest!

Rai

wn
Ang bawat quest ay may exciting tasks at challenges.
Tapusin ang buong quest upang makapagpatuloy sa next
adventure!

34 35
wizard's ruin city Blue city
Lugar ng Pagkalito at Pag-aalinlangan Lugar ng Labis na Kalungkutan
Anong MALUNGKOT na kwento ang naranasan na ng iyong
Gawan ng isang kwento ang iyong superhero kung saan siya ay superhero? Ano ang naging dahilan nito? Paano niya ipinahayag
nakaramdam ng PAGKALITO o PAG-AALINLANGAN. Ano ang ito? Sino sa super team ang kanyang hiningan ng tulong sa
naging dahilan nito? Paano niya ipinahayag ang kanyang challenge na ito?
damdamin? Sino ang super teammate na kasama sa adventure
na ito?

36 37
FIRE City rainbow TOWN
Lugar ng Galit at Pagseselos Lugar na Puno ng Kulay at Kasiyahan!

Ikaw ba ay nakaramdam na ng GALIT? Magbahagi ng isang Anong kwentong MASAYA ang naranasan na ng
karanasan kung saan ang iyong superhero ay nakaramdam ng iyong superhero? Sinu-sino sa super team ang
ganitong emosyon. Paano niya ipinahayag ang galit? kanyang kasama rito?

38 39
STOPOVER #2 STOPOVER #2

hawak kamay
Sinu-sino ang mga taong handang tumulong sa iyo?
me and my
I-trace ang iyong isang kamay sa loob ng kahon. Pagkatapos, isulat
ang iyong pangalan sa gitna ng palad, at ang pangalan naman ng
mga taong sumusuporta sa iyo sa bawat daliri.
super team
Ang tunay na superhero ay hindi nag-iisa!
Mas matatag 'pag may kasama!

Napagtagumpayan ni Iya ang hamon ng kanyang emosyon,


kaya naman siya'y superhero ng kanyang sarili. Tulad n'ya,
IKAW RIN AY ISANG SUPERHERO! Pero siyempre, kailangan
mo ng super team na tutulong sa iyong paglalakbay.

Sa mga susunod na pahina, buuin ang iyong super


character pati na rin ang iyong super team!
Ready ka na ba?

40 41
MY TEAM Superpowers:

SUPER
TEAM
Piliin ang 5 miyembro ng iyong
SUPER TEAM! Sila ay ang mga tao
sa iyong buhay na madalas mong
makasama o espesyal sa iyo.
Iguhit sa bawat kahon ang
kanilang itsura at super costume.
Siyempre, 'wag ding kalimutang
bigyan sila ng super name!

Pangalan ng TEAM:

TEAM logo:

42 43
Makipag-ugnayan Makinig
ang aking mga
kayakap
Kilalanin ang iyong mga Ang pakikinig ay tanda ng
nararamdaman. paggalang sa saloobin ng
taong iyong kinakausap.
(my social support) Ibahagi ito sa mga taong
iyong pinagkakatiwalaan, Ituon ang iyong buong
tulad ng iyong mga atensyon sa taong iyong
Importante ang pagkakaroon ng mga tao na handang sumuporta sa magulang o kamag-anak. kinakausap.
atin, tulad ng ating pamilya, mga kamag-anak, kaibigan, at ibang
taong pinagkakatiwalaan. Ang ating relasyon sa kanila ay Maaari ring humingi ng
masasabing mabuti o healthy kung ito ay binubuo ng magagandang tulong sa ibang tao sa
katangian tulad ng mga sumusunod: iyong paligid kung
kinakailangan.
Pagtutulungan
(Cooperation)

Ilang Gabay para sa


Pag-unawa
(Understanding)

Maayos na Relasyon
Pag-aalaga
Paggalang
(Care)
Makipag-usap Makiramdam
(Respect)
Kung kaya, bigyan ng Ang iyong mga mahal sa
Pananagutan pangalan ang iyong buhay ay may
(Responsibility) nararamdaman upang pakiramdam o feelings
mapaintindi ito sa iba. din. Mabuti na alam mo
ito upang maibigay mo
Paano nakatutulong ang Healthy Relationships? Maaring punan ang ang tamang tulong sa
Ang pagkakaroon ng maayos na relasyon sa ating mga pangungusap na "Ako ay kanila. Kailangan na ba ng
mahal sa buhay ay isang mahalagang sangkap upang nakakaramdam ng yakap ng pagod na si
tayo ay lumaki nang may kakayanan na harapin ang mga _________ dahil _________" Nanay o Tatay? Kailangan
hamon ng buhay. Sila ang mga taong gagabay upang iparating ang iyong ba ng tulong ng iyong
sa atin, lalung-lalo na sa mga problema na ating nararamdaman nang kaibigan?
kakaharapin. maayos at may respeto.

44 45
an
ttandda
aaan
n!! STOPOVER #3

MY S E N S O R Y BOX
Pumili ng mga bagay na nagpapagaan ng iyong pakiramdam. Gawing
gabay ang pahina 30 para sa limang (5) pandama na maaaring paganahin
Lahat tayo ay
upang ma-relax. Ito ang iyong magsisilbing sandata sa oras na
nilikhang magkakaib
a- makakaranas ng mabibigat na emosyon at pagsubok. Ang mga nasa
may kanya-kanyang Mahalaga na ibaba ay mga halimbawa lamang. Dalhin ito sa susunod na sesyon.
kalakasan at kahina kilalanin natin ang
an.
ating mga kalakasan
at kahinaan
upang mapabuti
natin ang
ating sarili.

Importante ring
kilalanin ang mga
taong nagmamahal
at nagpapahalaga sa
atin.

Sila ang tutulo


ng
sa atin kung
kailangan.

46 47
Napakaaliwalas ng umaga! Masayang nagluluto
ng almusal ang ina ng pamilya, ngunit si
Emong, ang batang masipag, tila`y malungkot
at natataranta. ​

SUPER EMONG
ADVENTURES!
Lahat tayo, Superhero!

Guhit ni:
axel lei orosa
Sa Panulat ni:
Sophia Amor Collado
Kulay ni:
Greggy Bautista

“Google Meet ng 10 AM kay Teacher Matilda, 2 PM kay Ma’am Stacey,


kailangan mag-review para sa online quizzes, pasahan ng projects,
tapusin ang modules”, ang paulit-ulit at mahinang sambit ni Emong,
gulung-gulo kung ano ang uunahing tapusin sa mga nabanggit na
gawain. ​

​Bati ni Nanay, “Magandang umaga, Anak! Gusto mo na bang kumain?”

“Mamaya na po, Inay! May kailangan pa po akong tapusin”, sagot


naman ni Emong.
48 49
Nagdaan ang ilang araw at nagpatuloy na ganoon ang sitwasyon ni
Emong. Hindi nakakakain sa tamang oras, nagpupuyat dahil abala
sa mga takdang gawain, at nakalilimutan na ring kumustahin ang
mahal na alagang pagong na si Ging-ging. Dahil sa siya ay madalas
na gutom at puyat, hindi niya na rin natatapos nang maganda at
maayos ang mga school works niya! Natatapos ang araw na siya ay
pagod at hindi kuntento sa resulta ng mga ipinapasa. ​

Kaya naman si Emong ay nalungkot nang nalungkot nang


nalungkot. Ramdam ang kanyang pagiging matamlay at pagkawala
ng motibasyong mag-aral. ​

Sa kagustuhan na matapos ang kanyang homeworks, nakaligtaan


na ni Emong na kumain sa tamang oras! ​

“​ Hala! Anong oras na pala, hindi pa ako kumakain! Hayyy! Mamaya


nalang para matapos ko na itong aking takdang aralin.” ​

50 51
Kinabukasan ay gumising si Emong nang nagnanais baguhin
ang nakasanayan ngunit hindi niya alam kung paano ito
sisimulan. ​

​“Hayyy!”, malalim na buntong hininga ng batang si Emong. ​

Habang nakayuko at nag-iisip, napansin niya ang alagang si


Ging-ging, “Buti ka pa Ging-ging, tahimik, payapa at hindi
aligaga.” ​

Si Ging-ging pagong ang laging kausap at takbuhan ni Emong


tuwing siya`y may pinagdaraanan.

“Ging-ging, pakiramdam ko’y lagi akong palpak sa aking mga


ginagawa nitong mga nagdaang araw. Napapagod at
nalulungkot ako. Ikaw ba, anong ginagawa mo kapag ikaw ay
pinanghihinaan ng loob?”, tanong ni Emong habang
hinahaplos si Ging-ging.

Umihip ang malakas na hangin. Isang sandaling


katahimikan at... “AHA!!!” ​

“Sa tuwing ikaw ay nanghihina, ako palagi ang


tumutulong sa iyo ‘pagkat ako ay para mo na ring
magulang! Ano kaya`t ako rin ay lumapit sa aking
mga magulang? Maaari kaya nila akong
matulungan?” ​

Kinahapunan, habang nakaupo at nagpapahinga


ang tatay at nanay ni Emong, siya ay lumapit sa
kanila. ​

52 53
“‘Nay, ‘Tay, nalulungkot at naguguluhan po ako. Ano po ba ang
maaari kong gawin? Pilit kong tinatapos ang aking mga gawain
ngunit madalas ay hindi maganda ang resulta ng mga ito.
Napapagod na po ako. Minsan ay nakalilimutan ko nang kumain
sa tamang oras at sumasakit na rin ang aking ulo dahil sa
pagpupuyat matapos lang ang mga gawain ko. Pero pakiramdam
ko ay hindi pa rin sapat ang mga ito.”​

Sagot ni Nanay, “Alam mo ba, Anak, sabi ng


nakararami, ang mga magulang daw ang Super
Man at Wonder Woman ng tahanan.
Gayunpaman, kami rin ay may kahinaan.
Minsan ay pumapalpak at napapagod din kami,
nalulungkot, at napanghihinaan ng loob. Pero
para bumalik ang aming superpowers,
kailangan din naming bigyang oras ang
pangangalaga ng aming sarili.” ​

“Iyong tandaan, mahal naming Emong: Mahalagang matapos


ang mga kailangan gawin, ngunit mahalaga rin na ang pag-
aalaga sa sarili ay binibigyang pansin. Ito ay hindi pagiging
makasarili kundi isang paraan upang makagawa pa nang mas
mabuti.”, dagdag pa ni Tatay. ​

54 55
At siyempre… hindi niya rin kinalilimutan na bigyan ang
kanyang sarili ng tatlong tapik sa balikat, tanda at
pag-alala sa kanyang mga natapos nang matagumpay
sa bawat araw. ​

“Magaling, mahusay, Emong! Kakayanin natin ang bawat


suliranin dahil ang pangangalaga sa sarili ay binibigyang pansin”,
ang malakas na banggit ni Emong, handang harapin ang
hamon ng kinabukasan. ​

Nang dahil sa narinig mula sa kanyang mga magulang, si Emong


ay muling ginanahan. Handa na siyang magsimula, pero sa
pagkakataong ito, ang pangangalaga at pagpapahalaga sa
sarili ay kanya nang uunahin. ​

Sa bawat araw, kanyang sinisigurado na siya ay nag-eehersisyo,


kumakain ng masustansya, at natutulog sa tamang oras
upang lumakas ang kanyang katawan. Lagi na rin siyang
naglalaan ng oras para sa kanilang pamilya kasama ang
alagang si Ging pagong upang magsaya, tumulong sa gawaing
bahay, at magbigay ng mahigpit na yakap at pasasalamat
kila Nanay at Tatay. Minsan, siya ay kumakanta, gumuguhit, o
ginagawa ang ibang hilig sa tuwing nai-istress sa mga gawain. ​

56 57
Pagsusuri sa tandaan!
super story
Magaling, mahusay, superhero, sa pagbabasa ng ating
kwento! Ngayon ay pag-usapan naman natin ang mga ito: Ang pag-aalaga sa sarili o
1 Sino ang pangunahing
2 Ayon sa iyong binasa, bakit
self-care ay mga gawain
tauhan sa kwento? malungkot at pagod ang
na nagpapasaya at
bata? nagpapalusog sa atin.

3
Anu-ano ang mga ginawa ng bida upang malutas ang kanyang
problema? Ano ang naging resulta nito?
Ang pag-aalaga sa sarili
ay malaking tulong
upang maihanda ang
ating katawan at isip
na harapin ang mga
pagsubok sa
4 Ano ang mararamdaman
5 Ano naman ang iyong
araw-araw.
mo kung ikaw ay nasa
parehong sitwasyon?
4 gagawin?

"Makakayanan
"Makakayanan ang ang bawat
bawat suliranin
suliranin
dahil
dahil ang
ang pangangalaga
pangangalaga sasa sarili
sarili
ay
ay binibigyang
binibigyang pansin”
pansin”
58 59
Alagaan ang PUSO o DAMDAMIN
Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin,

ang
pati na rin sa ating mga mahal sa buhay. Ilan sa
mga ito ay pakikipaglaro, mahigpit na yakap,
pagguhit, pagkanta, at marami pang iba.

SELF-CARE ay...
Alagaan ang ISIP
Paunlarin ang isip at bigyan ito ng kapayapaan.

1 3
Maaaring gawin ang paghinga nang malalim,
pag-unawa sa sarili, pagbabasa, pagsusulat
...ating ginagawa ... maaaring mga ng mga alalahanin, at marami pang iba.
upang maalagaan ang simpleng gawain
ating sarili. lamang, basta't

2
nagpapasaya at
nagpapalusog sa SELF-cARe Ang self-care ay hi
ndi

Tips
...para sa lahat — ag
atin. dapat maging dagd
bata man o matanda.
pagod. Mabuting
g
isama ito sa iyon
normal na mga
!
gawain araw-araw
Iba't ibang paraan ng self-care
Ang self-care ay iba-iba para sa bawat isa. Ang mahalaga ay Gawing sim
ang mga ito ay nakabubuti para sa katawan, isip, at puso. ple at
kayang-ka
ya.
Magsimula g buong
sa Isama an
Alagaan ang KATAWAN simple, mad Bukod sa
ali, at pamilya.
kayang-kay mayroon
Ito ang mga nagpapalakas ng katawan, tulad ng ang pansarili,
gawing acti activities
pagkain nang masustansya, pagtulog sa tamang
vities! ding mga
ing gawin
na maaar
oras, pag-eehersisyo, at pag-inom ng maraming
tubig. a-sama
nang sam
masaya!
para mas
60 61
tandaan! tandaan!
Kapag ikaw
ay pagod at
lowbat na, m Ang paggawa ng self-care
ag-recharge
pamamagita sa activities ay mahalaga upang
n ng paggaw
ng self-care a mahubog ang mga kasanayan
activities!
na kinakailangan upang
mapanatiling malusog ang
katawan, puso, at isip.
ka b uuang
la g aa n para n , at
li ay a am ta
Sari y mak
kalusu
g an a
raw -a raw ay
ha m o n sa a Sa tuwing ikaw ay gumagawa
mga a lagpasan. ng self-care activities, ikaw
m ay natututong maging
independent at mas
Habang naiintindihan mo kung paano
pinapan mas
galagaan pangalagaan ang iyong sarili.
ang atin nati
g sarili, m n
nagkaka as
roon tay
kakayah o ng
an upang "Mayroong iba't-ibang paraan
pangalag
aan din upang pangalagaan ang iyong
ang iba.
sarili. Kailangan mo lamang
tuklasin kung alin ang
naaangkop para sa iyo."
62 63
Kumusta ang iyong
paglalakbay? tandaan!
Ibahagi ang iyong karanasan sa
Adventure 2. Anu-ano sa mga gawain Ang paghingi ng tulong kung
ang iyong nagustuhan? Bakit?
kinakailangan ay nakabubuti
para sa iyong sarili.

Ang pagbabahagi ng iyong


nararamdaman ay nakatutulong
sa iba na mas maintindihan ka.

May mga pagkakataon na ikaw ay


makakaranas ng mga problema at
normal lamang na makaramdam
ka ng lungkot, pagkalito, o galit
dahil dito.
Iguhit ang iyong
ngayon.
nararamdaman
Ang aking natutunan sa Ano pa man ang iyong
adventure #2 ay... nararamdaman, laging sikaping
ipahayag ito sa positibo o
naaangkop na paraan.

Bukas na ang
ADVENURE #3!
64 65
ADVENTURE #3 MABUTI o MAPANAKIT?
LABAN
ANG LABAN
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Alin kaya sa mga ito ang mabuti at
nakakapagpagaan ng ating damdamin? Guhitan ang mga ito ng heart (. ).
Alin naman sa mga ito ang mapanakit o nakapagdudulot sa atin ng

KONTRA SA
mabibigat na emosyon gaya ng lungkot, galit, pagkapahiya at iba pa?
Lagyan naman ang mga ito ng ekis ( ).

API
PANG-aapi

Maligayang pagbabalik, superhero! Mahusay! Matagumpay


mong natutunan ang skill tungkol sa pagkontrol ng iyong
emosyon. Ngunit alam mo bang may ibang taong hindi pa na-
master ang skill na ito kaya nakakasakit sila ng ibang tao? Bilang
isang superhero, dadaan ka sa isang pagsasanay upang angkop
na makaaksyon sa mga ganitong sitwasyon. Handa ka na ba?!

Tawagin na ang iyong superteam at simulan ang pagsasanay!

66
14 67
Ang Bully na si Tony
Sa Panulat at ilustrasyon nG:
LeARNinG PIE PReschool

Pasukan na ulit!
Nagbalik na si Tony at si Mia sa paaralan.
Si Tony ay isang grade school student at si Mia ay nasa
pre-school.

Si Tony ay napakapilyo at makulit na bata habang si Mia


naman ay tahimik at mahinhing babae. Si Tony ay kilala
sa kanyang pambu-bully. Sa tuwing dumadaan siya sa
pasilyo ng kanilang paaralan ay inaasar niya ang lahat.

68 69
Si Lila, isa sa kanyang mga kaklase, ay nauutal.
Inaasar nya ito sa pamamagitan ng panggagaya sa
kanya. “Uh-uh-uh-Lila, sa-sa-sa tingi-ngi-ngin mo ay ka-
ka-kaya mong ku-ku-ku-kumanta?”Lubusang nalungkot
si Lila.

Minsan, pinapaiyak nya ang lahat ng nasa paligid niya.


Napapasaya siya ng kanyang ginagawang pang-aalaska.

Hindi niya rin pinalampas ang kaniyang sariling mga


kaibigan. Ang kaibigan niyang si Larry ay napaka-lusog
kaya tinatawag siya nitong “Baby Jumbo! Nakapakabigat
mo gaya ng isang elepante, Larry!”

Sobrang sumama ang loob ni Larry dahil sa ginawa ni


Tony na pangungutya pero hindi siya nagsalita dahil
naisip niyang ganoon dapat dahil sila ay magkaibigan.

70 71
May pagkakataon na nagiging agresibo na siya at
sobrang mapanakit at tinutulak niya ang iba. “Hoy, ikaw!
Hindi ka ba nakakakita? Bulag ka ba?”
Gumagamit siya ng mga salita na nakakasakit sa iba.

Minsan ay kinukuha niya rin ang mga gamit ng iba at


hindi na niya isinasauli.

72 73
Hindi alam ni Mia ang tungkol sa gawain ng kanyang
kuya. Siya mismo ay nakakaranas din ng pambu-bully.
sang araw, sobrang lungkot ni Mia at hindi siya nakipag-
usap kanino man sa bahay, kahit kay Tony.
Naramdaman ni Tony na may pinagdadaanan ang
kapatid niya kaya tinanong niya ito. Tumangging
magsabi si Mia.

Napagdesisyunan ni Tony na subaybayan si Mia


kinabukasan sa paaralan. Nakita niya na may isang
batang lalaki na inaabala si Mia. Hinihila ang buhok
niya, kinukuha at hinahagis ang mga gamit niya.

74 75
Dahil dito ay sobrang nagalit si Tony. Sumigaw siya sa
batang lalaki, “Tumigil ka! Anong ginagawa mo? Bakit
mo ginugulo yung kapatid ko? Hindi kita titigilan.

Noong hinila niya ang bata, Nakita ni Tony ang parehong


batang lalaki na ginulo niya noong nakaraang lingo sa
bus. Naisip ni Tony na ang mga aksyon niya ay
nagdudulot sa kapatid niya na maranasan ang kanyang
mga problema.

76 77
Sabi ng batang lalaki, “Ngayon, alam mo na ang
pakiramdam ng nasasaktan. Hindi kita kayang saktan
kaya humanap ako ng ibang paraan. Hindi
magsusumbong si Mia kahit kanino. Tony, kapag nanakit
ka ng iba, ang kapatid mo ang magbabayad.

Napag-isip-isip ni Tony ang kaniyang pagkakamali. Ang


kaniyang pambu-bully ang nagdudulot ng problema sa
kaniyang kapatid. Nangako siya sa kaniyang kapatid na
hindi na niya uulitin ang pambu-bully sa iba. Humingi
siya ng tawag sa batang lalaki at lahat ng kaniyang
nasaktan.

78 79
Pagsusuri sa tandaan!
super story
Magaling, mahusay, superhero, sa pagbabasa ng ating
kwento! Ngayon ay pag-usapan naman natin ang mga ito: Ang pambu-bu
lly o bullying a
y
1 2
ay ang sinasa
dya at paulit-
na pananakit ulit
Sinu-sino ang mga tauhan Ano ang ginawa ni Tony sa , pananakot a
sa kwento? ibang mga bata? pananalita na t
ng masasama
ng isang tao o sa
grupo sa iban
tao na nakikit g
ang mas mali
it o
mas mahina.

3 4
Ano sa tingin mo ang dahilan Ano ang gagawin mo ing
ni Tony sa kanyang ginagawa? kung ikaw si Mia? Ang bullying ay maaar
al,
makapagdulot ng pisik
na
emosyonal at mental
sakit.

Ang isang batang gumagawa


ng
5 Kung nakita mo ang
6 Paano natapos ang kwento? pambu-bully ay maaari ring
nagdadaan sa isang problem
a na
ginagawa ni Tony sa mga nagdudulot sa kanya ng ma
bata, ano ang gagawin mo? bibigat na
emosyon, ngunit hindi nila ito
nauunawaan nang mabuti at
naipapahayag sa angkop sa
paraan.

58
80 81
59
STOPOVER #1
BUDDY o BULLY? MAGSALIKSIK STOPOVER #1
Hingiin ang tulong ng iyong super team upang sagutin ang mga
Ang isang buddy ay sinumang mabait sa iba; habang ang bully
katanungan sa ibaba.
naman ay sinumang nagpapakita ng negatibo at nakakasakit na
mga gawi.
Basahin ang mga pahayag at tukuyin kung ang inilalarawan ay Paraan ng pambu-bully na Ano sa tingin mo ang iniisip
isang buddy o bully. Kung ito ay ginagawa ng isang buddy, kulayan gamit ang salita (verbal): ng nambu-bully?
ang smiling face. Kung ito naman ay isang bully, kulayan ang sad
face.

Inaaya ang nasa labas ng kanilang


..
barkadahan na maglaro.
Tumatawa kapag nasaktan
ng iba ang sarili nila.
Paraan ng pambu-bully Ano kaya ang
na nakakasakit ng nararamdaman ng isang
Mabait at magalang. emosyon: binu-bully?

Nagbibigay ng tulong sa ibang


may kailangan.

Sinasadyang patirin ang iba.

Nagsasabi sa guro kapag may


nakikitang sinasaktan

Nagpo-post ng mapanirang mensahe


tungkol sa ibang tao online.
Pisikal na paraan ng pambu- Paano dapat umasal ang
bully: isang binu-bully?
Nang-aagaw ng gamit ng iba.

Nanununtok at nananakit ng
ibang bata sa playground.

Magalang sa kaklase.

82 83
SOS, Superteam!
tandaan! Bilang isang superhero, bahagi ng iyong pagsasanay ang
matutong humingi ng tulong. Isipin na mayroon kang
kinahaharap na bully. Pumili ng isang miyembro ng iyong super
team at hingian siya ng tulong gamit ang isang sulat.

Maaaring gawing gabay ang natutunang paraan ng pagpapahayag


ng damdamin:
EMOSYON + NANGYARI + DAHILAN + NINANAIS
Kung mahaha
rap sa isang
sitwasyon ng
pambu-bully,
piliing magin
sa iyong sarili
g mabuti - Dear __________,
, sa biktima a
kahit sa taon t
g nambu-bull
y.

g
Kapag sinabihan mo an
tumigil
isang nambu-bully na
hindi
sa kanyang ginagawa,
der o
ka nananatiling bystan
ndi
tagamasid lamang, ku
der o
ikaw ay nagiging upstan
aapi.
tagapagtanggol nang na

Sa pagtatanggol sa iyong sa
rili at sa
iba, siguruhing ikaw ligtas -
magsabi
ng “hinto”, tumakbo at mags
abi sa
magpagkakatiwalang nakatat
anda.
Sila ang iyong superteam na
tutulong
sa iyo.

84 85
POSITIBONG lIGTAS AT AKTIBONG KILOS
PAGKAUSAP SA SARILI NG ISANG BYSTANDER STOPOVER #2
STOPOVER #2
Anu-ano ang mga payo at paraan na maaari mong
gamitin upang makapagdulot ng positibong
Kapag may nang-asar sa iyo, tiwala sa sarili ang pinakamalakas
na sandata mo. Ano ang iyong mensahe sa iyong sarili upang kinalabasan kung ikaw ay isang bystander sa isang
mas lumakas ang iyong loob at huwag basta-basta magpadala sa insidente ng pambu-bully?
pang-aasar ng iba?

86 87
KANTA KONTRA-bullying
Source: http://www.tolerance.org/activity/song-anti-bullying

‘Pag ikaw ay binu-bully, pumalakpak


‘Pag ikaw ay binu-bully, pumalakpak
‘Pag ikaw ay binu-bully at wala kang makausap
‘Pag ikaw ay binu-bully, pumalakpak

Anti-bullying song Kung inaaasar ka’t malungkot, pumadyak


Kung inaaasar ka’t malungkot, pumadyak
Source: http://www.tolerance.org/activity/song-anti-bullying
Kung inaaasar ka’t malungkot at nagagalit ka na
Kung inaaasar ka’t malungkot, pumadyak
If you need help with a bully, clap your hands (Clap
twice,1,2) Kung masaya sa sarili, ngumiti
If you need help with a bully, clap your hands. Kung masaya sa sarili, ngumiti
If you need help with a bully and can't talk to anybody Kung masaya sa sarili at kayang tumulong sa iba
If you need help with a bully, clap your hands. Kung masaya sa sarili, ngumiti

If you're teased and you're sad, stomp your feet (Stomp


twice,1,2)
If you're teased and you're sad, stomp your feet.
If you're teased and you're sad and it really makes you
mad
If you're teased and you're sad, stomp your feet.

If you're happy with yourself, give a smile (Use fingers


and press on cheeks to form a smile)
If you're happy with yourself, give a smile.
If you're happy with yourself and can give others help
If you're happy with yourself, give a smile.

88 89
Kindness laging tandaan:
K+A+Y+A
is your
super power! K aya ko na!

a nararamdaman
lamin ang aking

Y akapin ang mga tao na


tutulong sa akin, at

A ngkop na kilos sa harap ng


isang bully
NAGTAGUMPAY KA,
SUPERHERO!

Tapos na ang
Use it to make yourself iyong Adventures!
and other people happy!
90
64 91
Kumusta ang iyong
paglalakbay? KAYA
Ibahagi ang iyong karanasan sa
Adventure #3. Anu-ano sa mga gawain
ang iyong nagustuhan? Bakit?
KO NA?
KAYA
KO NA.
KAYA
Iguhit ang iyong
ngayon.
nararamdaman
Ang aking natutunan sa
adventure #3 ay...

92
KO NA! 93
Liham ng pasasalamat
Sumulat ng isang liham upang pasalamatan ang
miyembro ng iyong super team na makakasama
STOPOVER #3 STOPOVER #4
mo sa huling sesyon.

SINING GALING
Gamit ang iyong angking
talento, maghanda ng isang
presentasyon ng inyong
natutunan mula sa apat (4)
na linggo ng pagsali sa
KAYAKAP program. Hingiin
ang tulong ng iyong super
team sa paghahanda.

94 95
mission 1 kata-won CHALLENGE
Upang patuloy na magamit ang superpowers,
kailangan ng superhero na panatilihing malakas
at malusog ang kanyang katawan. Kaya naman
patungkol dito ang mga hamong naghihintay sa
iyong unang misyon!

mission 2 heart-saya CHALLENGE


Ang tunay na superhero ay kilala at minamahal

HERO-WEEK ang kanyang sarili. Sa ikalawang misyon, ang


aspetong ito ay bibigyang halaga dahil ang
pusong masaya ay nagdadala ng ligaya sa iyo at

CHALLENGE
sa iba!

mission 3 sala-much po CHALLENGE


Bahagi ng tagumpay ng isang superhero ang
tulong at suporta ng mga taong nagmamahal sa
kanya. Tumungo na sa iyong ikatlong misyon
para sa gawaing naglalayong pasalamatan sila!
Tara!

mission 4 all-in na this CHALLENGE


Da best ang superhero na kayang harapin ang
mga hamon ng buhay dahil lakas na mula sa
malusog na katawan, isip, at puso ang kanyang
taglay. Halina't i-power up ang iyong sarili sa
ika-apat at huling misyon!
96 97
Mission kata-won CHALLENGE halina't tumula
1 Sumulat ng isang tula na may sampung linya patungkol sa
pangangalaga ng katawan.

panalo ang malusog


Lagyan ng ang bilog kapag nagawa ang task, at
naman kapag hindi.

MON TUE WED THU FRI SAT SUN


MALIGO
MAGSIPILYO
NG 2 BESES
MAGHUGAS
NG KAMAY
BASONG TUBIG
UMINOM NG 8
MASUSTANSYA
KUMAIN NG

Pagmumuni-muni...
Ano pa ang maaari mong gawin para mapangalagaan ang katawan?
MATULOG NG
8 ORAS

98 99
Mission heart-saya CHALLENGE
2 ang mapa ng puso ko
Anu-ano ang mga nagpapasaya sa'yo? Ito ay maaaring tao,
bagay, gawain, at iba pa. Isulat o iguhit.
LOVE KO 'TO! 1
Isulat sa loob ng bawat puso ang mga bagay
na gusto mo sa iyong sarili.

Pagmumuni-muni...
Ano ang mga bago mong nadiskubre sa iyong sarili?

100 101
Mission sala-much po CHALLENGE munting sulat para sa inyo
3 Gumawa ng thank you notes para sa mga taong nais mong
pasalamatan. Tiyak na ito'y magbibigay saya sa kanila!

garapon ng pasasalamat
Isulat sa loob ng iyong garapon ang pangalan
ng mga tao na nagmamahal at sumusuporta sa'yo.

S a la
m at
po!

Pagmumuni-muni...
Ano ang natutunan mo sa challenge na ito?

102 103
Mission all-in na this CHALLENGE pantastik art
4 Iguhit ang kahulugan ng "self-care" para sa iyo.
Maaari mo rin itong kulayan.

BINGolympics
Gawin ang lahat ng nakalagay sa Bingo card
upang makumpleto ang task na ito!

family
time
!
WOWA LIN!G
G
ANGGALING
KUMANTA O
SUMAYAW mag-ehersisyo
kausapin ang mag-deep
kaibigan breathing
! G
WOW
A LIN
NGG NG!
A GALI
SUMUBOK
NG BAGO
screen kumain ng
time-out paborito
! G
WOW
A LIN
NGG NG!
ibahagi A GALI
ang
nararamdaman
mAGLARO AT
MAGLIBANG
!
WOWA LIN!G
G
humingi ANGGALING
ng yakapin ang Pagmumuni-muni...
tulong pamilya Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang challenge? Bakit?

tumulonG
sa iba
! G
WOWA LIN
G
purihin ANGGALING!
matulog nang ang
maaga sarili

104 105
Ipaliwa
nag an
iyong g g
awa.

ngayon,
ang puso
ko ay...
Kulayan ang puso base
sa iyong nararamdaman
ngayon. Maaari kang
gumamit ng kahit anong
kulay na iyong nais.

MOOD TRACKER
KUMUSTA KA? ANO ANG KULAY NG EMOSYON MO NGAYON?

106 107
108 109
110 111
Talasanggunian
Action for Healthy Kids. Create a Family Self-care Plan. Retrieved from
https://www.actionforhealthykids.org/activity/create-a-family-self-care-plan/

Beyond Blue Ltd. (2017). Building resilience in children aged 0–12: A practice
guide. [PDF File]. Retrieved from
https://resources.beyondblue.org.au/prism/file?token=BL/1810_A

Children International Inc. (2019). Youth Health Curriculum. [PDF File].

Emosyon Bibo. (n.d.). Kumusta Ka? Mga kard ng damdamin [flash cards].
www.emosyonbibo.com

Growing Kids Learning Centers. (n.d.). Self-Care Tips For Kids. Retrieved from
https://www.growingkids.com/child-care-goshen/self-care-tips-for-kids/

Learning Pie Preschool. (2022, November 1). Bullying | moral stories for kids|
social story to understand unfriendly behaviour| stop bullying. YouTube.
https://www.youtube.com/watch?
v=eDTGRlP23WA&ab_channel=LearningPiePreschool

Lucy's Blue Day. (2019, August 2). Lucy's Blue Day - A Children's Mental Health
Animated Short [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=UmrUV8v-KQg

Turning Point, The Kansas Health System and Healing Expressions. (2017).
Children’s resilience: A resilience model for children. [PDF File]

Twinkl.com.ph. (n.d.). Anti-bullying Worksheets. Twinkl.com.ph.


https://www.twinkl.com.ph/

Isang pagkilala at pasasalamat sa mga tao na nagsilbing daan


upang mabuo ang journal na ito: ang 2021-22 KAYAKAP for
Sponsored Children Team na pinamumunuan ng KAYAKAP
Coordinator na si Edelyn Jedy Molina, kasama ang dating
mga Program Field Officers na sina Axel Lei Orosa, Shaulyn
Jannine Marquez, Sophia Amor Collado, Pauline Joyce
Cuison, at Greggy Bautista; si Ma. Francesca Peralta, ang
Agency Journalist, at ang lahat ng staff ng Children
International, Inc. Maraming salamat po!

112 111
113

You might also like